Nadine's Pov
"Naddie join kana samin mag lunch" aya sakin ni Ella.
Sa loob ng tatlong taon na kaklase ko sila ay ngayon lang nila ako inalok sumabay kumain sa kanila. Masyado na ba akong naging aloof sa kanila para hindi mapansin pagiging friendly pala nila.
Sasagot na sana ako ng oo ng biglang pumasok sina Zin at Sync sa classroom namin at si Matt. Dumiretyo silang tatlo sa pwesto ko at nag hi sina Sync at Zin.
"You ready?" tanong ni Matt
"Ehh?" Naguguluhang tanong ko
"Let's go and get some lunch" sabi nito tsaka niya ako hinila. Binawi ko naman ang kamay ko sa kanya at nauna ng naglakad sa kanilang tatlo palabas ng classroom
"Where are you going?" Tanong ni Matt sakin habang naglalakad papunta sa may canteen
"Akala ko ba mag la lunch tayo?" Kunot noong tanong ko sa kanya tsaka tumingin sa dalawang lalaki na pigil ang pagtawa
"Nads hindi kumakain sa canteen si Matt" sabi naman ni Zin. Tumango tango naman si Sync. Pagtingin ko kay Matt ay nagkasalubong ang mga mata namin. Ako na unang bumawi dahil naiirita ako satwing nakikita ko siya
"Edi kumain siya sa kung saan niya gusto basta ako sa canteen ako kakain" sabi ko sa kanila at taas noong naglakad papunta sa canteen.
"Paano ba yan bro? Sa canteen nalang tayo?" Rinig kong tanong ni Zin kay Matt
"No way" sagot naman ni Matt. Napangisi ako sa narinig.
Habang nag iisip kung hihintayin ko nalang sina Ella sa canteen ay bigla akong lumutang. Binuhat na naman pala ako ng kwago na parang sako ng bigas. Pinagpapalo ko ang likod niya pero parang hindi siya nasasaktan.
"Bitawan mo'ko! Ano ba?! Sabing bitawan mo'ko eh!" Sigaw ko dito habang pinapalo siya
Binitawan nga ako ng walanghiya pero napakapit naman ako sa kanya. Paano naman kasi literal na binitawan niya ako at muntik na akong mahulog.
"You told me to let you go, what now?" Nakangising sabi nito. Nagdahan dahan naman akong bumaba hanggang sa tuluyan na akong bumitaw sa kanya.
"Sorry ah! Akala ko kasi naiintindihan mo na yung ibig kong sabihin na bitawan mo'ko ay ibaba mo'ko. Nakalimutan ko mahina ka nga palang pumick up" may inis sa boses na mariin kong sinabi
"I'm starving let's go now" sabi nito tsaka niya ako muling hinila papunta sa may parking lot
Inis na naging sunud sunuran naman ako hanggang sa huminto ako sa paglalakad. Huminto rin siya pati ang dalawa pa naming kasama at tinignan ako.
"Alam mo bang nanggigigil ako ngayon sayo pero pinipigilan ko lang?" Sabi ko tsaka marahas na binawi ang kamay ko. "Kung gusto mong kumain sa kung saan lupalop na gusto mo edi go! Pero huwag na huwag mo akong pipilitin sumama sa'yo. Kakain ako kung saan ko gusto at hindi sa kung saan ang gusto mo" mariin kong sabi tsaka tumalikod para magbalik papunta sa canteen
"Okay okay, kakain tayo kung saan mo gusto" rinig kong sabi ni Matt habang hawak at pinipigilan ang kanang kamay ko
Tinignan ko si Matt at nagkasalubong ang paningin naming dalawa. Bigla naman lumakas ang kabog sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya pero nakikita ko sa mga mata niya ang paglambot ng mga tingin niya. Hinigpitan nito ang paghawak sa kamay ko at pinagsaklop ang kamay naming dalawa tsaka kami sabay naglakad.
"Oh my God! Sila ba?"
"Ang swerte naman niya anong pangalan niya?"
"No way! Hindi sila bagay!"
"This is my first time seeing him with a girl"
"Mas maganda pa katulong namin sa kanya"
"Nangangamoy fake"
Tumingin ako sa paligid dahil ang lakas ng boses ng mga nagtsitsismisan. Nagulat nalang ako ng makitang sa amin sila nakatingin. Kami ba pinag tsitsismisan nila? Nilibot ko ang mga mata ko at may mga nakangiti at may matalim na tingin ang nakatingin sakin.
"Sino ba yan? Daring to steal Matt from me?"
Nagpintig naman ang tenga ko ng marinig ko ang pangalan ni Matt. So kami nga pinag uusapan nila. Aalisin ko sana ang kamay ni Matt ng mas hinigpitan pa nito ang paghawak. Natigilan naman ako at napatingin sa kanya.
"Don't you know that it's rude to stare?" Napaiwas ako ng tingin at pinag initan ng mata sa sinabi ni Matt
"H-hindi kaya" nabulol na sagot ko at nilakihan ang mga hakbang
Mas dumami ang mga taong nadaraanan namin at mas lumakas ang bulungan. Pilit kong inaalis ang kamay ni Matt pero mas lalo pa nitong hinigpitan. Wala tuloy akong magawa kundi yumuko habang naglalakad papasok ng canteen.
"Saan tayo pupwesto?" Tanong ni Zin kaya inangat ko ang mukha ko at tinignan siya. Nilibot ko naman paningin ko at marami pa naman bakanteng mesa.
"Dito nalang tayo" sabi naman ni Sync at umupo na agad
"What do you want to eat?" Bulong naman ni Matt sa tenga ko na nagpakiliti sakin. Bakit ba kasi kailangan niyang bumulong? Ang lakas pa naman ng kiliti ko sa tenga.
"Para naman may choice akong pumili no? Kung ano niluto nila yun ang kakainin ko" sagot ko kay Matt at tinignan sina Sync at Zin na nakaupo na at nakatingin samin. "Ano tinitingin tingin niyo? Tara na at pumila baka maubusan pa tayo ng pagkain" aya ko sa kanila
Nilibot ko ang mga mata ko at nakita sina Ella, Clementine at Sasha. Kumaway sila sakin kaya kumaway at ngumiti din ako sa kanila. Nakita ko rin ang mga ka org ko na lagi kong kasabay kumain, parang naiilang naman silang ngumiti sa akin.
"Kailangan ba talaga nating pumila?" Tanong ni Sync habang nakapila kami. Nasa unahan ako at nasa likuran ko naman si Matt at nasa likuran naman ni Matt si Sync at si Zin
"Bawal po ang senyorito't senyorita dito. Kailangan mong pumila para makakain ka" sagot ko kay Sync
"Just follow the rules" sabi naman ni Matt. Nagkasalubong naman paningin naming dalawa pero inismiran ko nalang siya.
Pinili ko ang rice meal A kung saan ay chicken adobo ang ulam at may kasamang fish fillet at isang saging din. Hawak namin ang kanya kanya naming tray na may lamang mga pagkain ng kunin sakin ni Matt ang tray ko. Hinayaan ko nalang siya kasi bida bida siya eh. Nilagay pa nito sa plato ko yung chopseuy niya at sinabing hindi daw siya kumakain ng gulay kaya hindi na ako nagtanong.
*********
BINABASA MO ANG
Love @ First Fight
RomanceRomance story about Matt Hiram Roxas and Nadine Earth Vergara. Nadine is a top student in Montreal University. Anak mahirap pero nagsusumikap para makapagtapos ng pag aaral. Nangangarap si Nadine maging guro at konting kembot nalang ay matutupad na...