Chapter 11

83 5 0
                                    

Chapter 11

Axis Flareon Guererro ~

Ilang minuto na ang lumipas sa pagitan naming dalawa ni Sapphire. Wala pa rin ni isa sa amin ang gustong unang magbigay ng unang pag – atake. Kinakabahan rin ako kahit papaano dahil hindi pa naman namin lubos alam ang hangganan ng kanilang mga kakayahan, idagdag pa ang tunay nilang lakas na hindi pa namin nakikita sa mga laban. Tanging si Ava pa lang ang sa tingin ko ay kahit papaano na kilala na namin pagdating sa labanan.

“ Why don’t you start first? Matatapang kayo hindi ba? ”

Nakangising sabi nito sa akin at nagcross – arms. Hindi naman ako nagpatinag at ginaya ang ginawa nya.

“ Naniniwala kasi ako na ang lalaki, dapat mapagparaya – ”

0_0

Shit!

Boogsh ~

Mabilis akong tumilapon at tumama sa mismong hangganan ng barrier. Masyadong mabilis ang naging pangyayari, nagsasalita pa lang ako ng bigla na lang sumulpot sa mismong gilid ko si Sapphire kaya naman ay mabilis rin akong napatigil at ang tangi ko na lang nagawa ay sanggain ang kanyang pag – atake dahil wala na akong oras pa para umiwas.

Rinig ko pa ang paghiyaw ng mga nanonood sa labas. Fuck.

“ Water Manipulation #5: Suction! ”

0_0

Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kanya dahil sa biglaang pagkatuyo ng labi ko. Ramdam ko rin ang unti – unting pagkatuyo sa loob ng katawan ko dahil sa biglaang pamamayat ng aking mga braso. Fuck!

“ Just raise the white flag. I don’t want to hurt you that much. So if I were you, I will surrender. ”

Hindi na ako nakapagsalita pa upang sumagot sa kanya dahil sa panlalabo ng aking mga paningin. My senses are failing. Fuck.

Blackout.

Sapphire Amethyst Marvelo ~

Mabilis na nawalan ng malay si Axis. He’s strong para makatagal ng ilang minuto under my ability. He’s not dead yet. Nawalan lang sya ng malay dahil sa pagkatuyo ng mga major organs ng katawan nya.

“ Gusto mo ba syang patayin? ”

Pagsigaw sa akin ni Qquia. Hindi ko namalayan na nawala na pala ang barrier na pumapalibot sa amin. Nasa harapan ko na kasi ang mga kasamahan nya at masamang nakatingin sa akin. But I don’t care, it’s just a taste of how strong we are. Hindi man lang ako napagod.

“ Wag mo kong sisihin, sadyang mahina lang ang kaibigan nyo kaya hindi nya nagawang labanan ang basic spell na ginawa ko sa kanya. ”

Nakataas kilay kong sagot sa kanya. Hindi ko na rin naman pa hinintay ang pagsagot ni Qquia at kaagad nang tumalikod. Kita ko pa sa peripheral vision ko na nakangisi sa amin si Ms. Clavory Yuzhen – another bitch.

Third Person’s Point of View ~

Mabilis namang dinala sa clinic ang walang malay na si Axis. Ang ibang nakakita sa nangyari ay natuwa, yung iba naman ay hindi. Ganito ang kalakaran sa paaralang ito, hindi mo malalaman kung sino ang kakampi mo o kalaban.

Muling nagtawag si Ms. Clavory Yuzhen ng susunod na maglalaban matapos makapag – settle ang lahat.

“ Next battle – Ms. Avira Aquia Veneracion and Mr. Drake Dmitri Buenaventura. Let the battle begin. ”

Walang sinayang na oras si Avira ng makatapak sya sa loob ng barrier at buong pwersang inatake si Dmitri. Puno ng galit ang kanyang puso dahil sa nangyari sa kaibigan at ayon sa idinidikta ng utak nya – gagantihan nya ang mga ito.

“ Nature Power #3: Reforestation! ”

Nabiyak ang lupang kanilang tinatapakan at lumabas doon ang malalaking ugat na sa pagtagal ay naging mga halaman at puno na syang bumuo sa isang malawak na kagubatan. Natakpan silang dalawa ng mga ito kung kaya’t kinailangan pa ng kanilang guro na mag – cast ng spell upang makita kung nasaan sila at mapanood sila sa labas.

Mula sa monitor, lumabas ang hinihingal na si Avira habang sa kabila naman ay nakatayo ang walang galaw na si Dmitri di kalayuan sa huli.

“ Hindi ka man lang ba gagawa ng kahit na anong hakbang para umatake sakin? I’m open at alam kong isang kilos mo lang ay makakaya mo kong atakihin ng walang pag – aalinlangan. Why hesitate to do it? ”

Dire – diretsong tanong ni Avira kay Dmitri. Hinihingal pa rin ito hanggang ngayon ngunit hindi na ito katulad nung una na halos habulin nya na ang kanyang hininga.

“ Why bother to ask when you already know the answer? ”

Sagot naman ng lalaki na prenteng umupo sa isang sanga na malapit sa kanya. Muli namang lumukob ang galit na nararamdaman ni Avira sa kanyang sistema. Pakiramdam nya, handa na syang pumatay sa pagkakataong ito.

“ You’ll be dead after this match! Pinapangako ko yan! ”

Nagulat ang mga manonood sa labas ng bigla na lang pumalibot sa katawan ni Avira ang mga sanga na naroroon. Alam na rin nina Blaze ang nangyayari kaya naman kaagad silang lumapit sa kinaroroonan ng guro upang pigilan na ang nangyayari.

“ Can we stop the fight? Avira is out of control! Hindi kakayanin ng katawan nya ang kapangyarihan na mayroon sya pag tumagal ang kanyang estado sa ilalim nito! ”

Nag – aalalang saad nya sa guro.

“ I’m sorry but we just can’t do that. ”

Sagot naman sa kanya nito. May pang – aasar rin syang nahimigan sat ono ng guro kaya’t kumulo rin ng kaunti ang dugo nya dito.

“ At bakit naman hindi? ”

Sabad naman ni Qquia na naiirita ang mukha.

“ It’s her fate to die. After all, sa mundong ginagalawan natin ay talaga namang mabilis mamatay ang mga mahihina kaya wala na tayong magagawa pa kung mapatay man sya ng kaibigan ko o hindi dahil mahina sya. ”

Pagsagot naman ni Agatha sa kanya na syang sumabad na rin sa usapan. Hindi na nga pala si Agatha ang may control ng katawan nya ngayon, si Anica na ito kaya naman iba na ang paraan ng pananalita nito.

“ You bitch! ”

Susugod pa sana si Qquia dito ng bigla na lang silang mapatigil dahil sa isang malakas na pagsabog.

Boom ~

Kaagad silang lahat na napatingin sa monitor ng makitang doon ito nanggaling. Nabalutan na kasi ng usok ang lugar kaya naman medyo may kalabuan ito. Lahat ay hindi kumurap upang malaman kung ano na ang nangyari sa loob, ilang sandali lang din ng mawala ang usok at ang unang bumungad sa kanila ay ang walang malay na si Avira habang nababalutan ng dugo ang katawan. Si Dmitri naman ay nakatayo di kalayuan, wala itong kahit na anong sugat o galos man lang kaya’t alam na nilang mga naroroon na hindi ordinaryo ang lalaking iyon maging ang buong grupo nito na syang pinapangunahan ni Ava.

“ The winner of this battle is Mr. Drake Dmitri Buenaventura. ”

End of Chapter 11
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now