Chapter 35
Blaze Eziken Dela Cuesta ~
Hindi ko alam pero muling bumalik sa akin ang mga ala – ala kung paano nagbago si Dad ng pakikisama sa amin, na mula sa pagiging maalalahanin nito ay naging seryoso ito sa mga bagay – bagay at palaging ipinopokus ang pagbuo sa guild nyang kakasimula pa lang noon.
“ Hindi lang namin alam ang dahilan kung bakit bigla na lang syang umalis sa guild. Wala rin naman kasing binabanggit noon si Lolo Simeon tungkol doon kaya hinayaan na lang namin. ”
Muling dugtong ni Sapphire makalipas ang ilang sandali. Ngayon ko na lang napapatunayan na totoong mabuting tao ang kanilang Lolo na minsan ko ng makita nang pagalingin nito si Ava mula sa pagkakalason nito sa mga Limire. Hindi man lamang nito nagawang siraan si Dad tungkol sa pagkahumaling nito sa kapangyarihan at tukso.
“ Another news for you guys. ”
Nabalik ang aming mga atensyon ng muling magsalita si Ava.
“ Marami mang namatay sa atin, nagawa ko naman silang ipaghiganti sa namumuno sa kanila. ”
Kita ko naman ang paglaki ng mga mata ng kanyang mga kasamahan matapos nyang iyong wikain kaya’t napakunot noo ako at nalito kagaya ng mga kasamahan ko. Hindi naman siguro sya nag – iisa sa pakikipaglabang iyon hindi ba?
“ Wag mong sabihing – ”
“ – patay na ang isa sa kanilang alas. ”
Pagputol pa ni Ava sa dapat na sasabihin ni Agatha.
“ You should’ve held her first for interrogation. Alam mong pwede tayong mahuli ano mang oras dahil sa ginawa mong yun. Mas pinaliliit mo lang ang mundo sa pagitan natin at ng mga kalaban natin. Fuck. ”
Naiinis naman na saad ni Apollo. Napasabunot pa ito sa kanyang buhok at tumingin sa labas.
“ I did try, but she was too strong to be held. She even manage to escape before my eyes. Yun nga lang, mas tuso ako kaysa sa kanya. ”
Mahinahon namang paliwanag ni Ava sa lalaki.
“ So ano ng nangyari? Did you dump her body far away from this land? ”
Kaagad namang tanong ni Cymon.
“ I killed her here – ”
“ What? ”
Sabay – sabay na bulyaw sa kanya ng kanyang mga kasamahan. Kami naman ng mga kaibigan ko ay hindi na napigilan pang hindi sumabat para pakalmahin sila.
“ Guys, kalma. Panigurado namang may catch sa ginawa ni Ava. ”
Pagsabat ni Jero sa kanila, na kaagad rin namang sinegundahan ni Ava ng pagsang – ayon dito.
“ You’re brilliant Jero, naisip mo kaagad iyon. ”
Napasimangot naman ako ng dahil sa sinabing iyon ni Ava. Hindi ko tuloy mapigilang hindi panlisikan ng mga mata ang kaibigan ko. Tsk.
“ So, what’s the catch then? ”
Mahinahon ng tanong ni Drake, ganoon na rin ang kanyang mga kaibigan na nag – aabang sa magiging sagot ni Ava.
“ I just did find out who’s our next target to unleash them from the darkness where they hide. ”
Third Persons Point of View ~
“ Before I continue, I want to know if you guys are willing to die for this suicide mission I’ll explain to everyone. ”
Pagpuna ni Ava sa mga kasamahan ni Blaze. Walang pag – aalinlangan naman itong mga nagsitanguan.
“ Nandito na kami, wala na rin namang dahilan pa para umatras. After all, we’re born for adventure. ”
Si Qquia na ang sumagot para sa kanilang grupo, nagtanguan rin naman ang iba bilang pagsang – ayon sa kanya kaya’t kahit anong pigil ni Ava na ngumisi ay hindi nya pa rin ito napigilan.
Kasunod iyon ng biglaang pagpapakawala ni Agatha ng isang Space Dimension na syang lumamon sa kanilang lahat. Hindi naman na nagulat sina Ava doon dahil normal na sa kanila ang ganoong bagay tuwing may pag – uusapan na hindi maaaring malaman ng iba na syang kabaligtaran ng nangyari kina Blaze na medyo gulat pa rin ang mga ekspresyon sa kanilang mga mukha.
“ In this way, we’ll be protected from spies outside. Just keep your balances para makatayo kayo ng maayos o kaya naman ay makaupo katulad ng ginagawa nina Drake at Apollo. ”
Paliwanag ni Ava sa kanila. Kaagad naman silang sumunod at di nga nagtagal ay nakasunod rin sa daloy ng enerhiya sa loob ng dimensyong iyon.
“ Kung gayon, magsimula na tayo.”
Dugtong pa ni Ava ng makitang nakaayos na ang lahat. Tumingin pa ito sa gawi ni Agatha na syang tumayo at pumunta sa kanilang gitna. Mula sa mga kamay nito ay lumabas doon ang mga litrato ng mga taong nagpagulat sa kanilang mga bagong kasamahan.
“ Ang Headmaster? ”
“ Si Ms. Clavory yan di ba? ”
“ Even the Student Council President Vincent Orlais? ”
Sunod – sunod na reaksyon ng mga kasamahan ni Blaze sa pagkakagulat. Hindi na naman na nagulat si Ava sa mga reaksyon ng mga ito dahil wala pa naman talaga itong mga alam. Kumbaga sa isang mag – aaral, ngayon pa lamang ang kanilang unang araw para matuto.
“ Ms. Clavory is out because I defeated her. Ang natitira na lang sa mga baraha ay si Vincent at ang Headmaster. ”
Pagpapatuloy pa ni Ava na hindi pinansin ang naging mga reaksyon ng kanyang mga bagong makakasama sa misyong iyon.
“ Did you just said, you killed Ms. Clavory? ”
Putol naman sa kanya ni Blaze.
“ Yep. As if you didn’t remember how I almost killed you before without a thought, right? ”
Sagot naman ni Ava sa kanya ng nakangisi.
“ This is a suicide mission, anyone will be killed and kill people. If you’re weak, you’ll die. If you’re strong enough, then you’ll survive. That’s how it works. ”
Sabad na paliwanag ni Drake sa kanila.
“ And for this to work with you guys, you’ll need to be trained under Anica. That’s all for you guys today. ”
Kaagad na sabad ni Apollo kasunod ng isang nakakasilaw na liwanag na syang bumalot sa buong grupo nina Blaze at nagdala sa ibang dimensyon.
“ Ikaw na ang bahala sa kanila Anica. ”
Saad ni Ava.
“ I’ll do my best. ”
End of Chapter 35
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!