Chapter 13

81 7 0
                                    

Chapter 13

Avalche Berg Dolo Fuerto ~

Tumango ako sa gustong mangyari ni Anica upang hindi gumawa ng gulo. Kung hindi dahil sa isang dahilan – yun ay ang kagustuhan kong makita ang totoong kulay ng aming guro. Iba ang pakiramdam ko sa kanya. Kahit kailan ay hindi pa nagkamali ang instinct ko when it comes to people. Yun lang ay sapat na upang mapatunayan ang hinala ko.

“ – I won’t stop. You’ll get off from me or he’ll die? ”

Iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ni Anica dahilan upang masira ang barrier na humaharang sa kanila. Kaagad na lumapit sina Blaze kay Jero upang damayan ito. Alinsunod noon ang isang malakas na enerhiya na syang lumabas sa katawan ng aming guro na syang humahawak ngayon kay Anica. Ramdam ko na ang pagbabago sa lakas at kapangyarihan na meron ito.

“ Don’t you dare to talk to me like that! You are my student so you’ll better watch out the words coming from your mouth! ”

Dahan – dahan nya iyong binanggit habang nakatingin ng seryoso kay Anica. Kita ko naman sa kinaroroonan ko ang patuloy na paghigpit ng hawak ng guro namin sa kanya kaya naman tumayo na ako at kaagad na lumapit sa kanila.

“ Will you stop Ms. Clavery Yuzhen? She’s going to stop so take your hands off from her. ”

Mahinahon kong sabi sa guro namin na nanlilisik na ang mga mata. She’s radiating so much power from her inners. Alam ko ring may ilalakas pa iyon at masasabi kong kaya nyang maabot ang kakayahan ng mga nilalang na alam kong kinatatakutan pa ng iba. She’s a real danger pag nagkataon na isa sya sa mga kalaban namin sa loob ng paaralang ito.

“ I’ll pass this time but the next time won’t do. You’ll be dead if it happens. ”

Hindi ko na narinig pa ang huli nyang sinabi dahil pabulong na ang mga iyon. But one thing is for sure, kabilang nga sya sa mga taong hinahanap namin. I just saw the tattoo from her neck. She is known as what they called before after my parents died – “The Black Butterfly Queen”.

“ I’m alright. Dapat hindi mo na sya pinigilan ng napuruhan ko yang lalaking yan! ”

Umiling na lang ako sa sinabi ni Anica. Kahit kailan talaga ang babaeng to, napaka – brutal.

“ You are going to pay for this! ”

Nagngangalit na banta sa amin ni Qquia na naglalabas na ng isang malakas na enerhiya sa katawan. Ang kaso nga lang, kung hanggang dyan lang ang kaya nya ay hindi nya magagawang matalo ang mga kaibigan ko pang natitira sa labanang ito. Too bad for her, mukhang malapit na ang katapusan nya.

“ Settle down! Bumalik na ang lahat sa kanilang mga pwesto kanina. ”

Inaya ko na lang si Anica na bumalik. Nagbago na rin ang anyo nya at bumalik sa dati. Dumating na rin ang medical team na may dalang mga high equipment upang makuha si Jero na ngayon ay nangangatog pa rin sa takot at parang isang baliw. Naaawa ako sa kanila kahit papaano. Syempre, nakasalamuha ko pa rin naman sila kahit na sa kakaunting panahon tapos sa ganito rin ang bagsak nila. Hayst.

“ Before I announce the next battle, reminder for those who will kill their foes bluntly – you’re going to be the next before my hand so do not try! Understand? ”

Tumango na lang kami sa sinabi ng guro namin na syang madilim ang mukhang nakatingin sa amin. Pinantayan ko naman iyon at tumitig rin sa kanya, mata sa mata. Kung inaakala nyang kaya nya akong takutin sa mga ganyan nya, pwes, nagkakamali sya. Wag lang rin syang magpapakita sa akin ng nag – iisa dahil sisiguraduhin kong kukunin ko sa kanya ang lahat ng impormasyon na meron sya pati na ang buhay nya.

“ Kaunti pa, Mom and Dad. Makukuha na rin natin ang hustisya para sa inyo. ”

“ Well then, kung naiintindihan na naman ng lahat ay magsisimula na tayo. The next battle will be Ms. Qquia Aristeris and Mr. Ace Apollo Cuenco. ”

This would be a very short battle. I know Ace, ayaw na ayaw nyang pinatatagal ang laban lalo pa kung mahina rin naman ang makakaharap nya. Lumakad na sila papasok sa loob ng barrier na syang bagong gawa ni Ms. Clavory. This bitch is really a shit.

“ Let the battle begin. ”

Mabilis na sumugod si Qquia kay Ace gamit ang isang espada. Nakakaiwas naman si Ace sa mga ito, ngunit sa kabilang banda naman ay delikado pa rin para sa kanya iyon. Ngayon ko lang kasi tuluyang napagmasdan ang espadang hawak ni Qquia. It holds a poison on the edge of it, delikado sya oras na matamaan sya nito.

“ Hanggang dyan na lang ba ang kaya mo? ”

Napa – face palm na lang ako sa kayabangan ng bwisit na ito. Kahit kailan talaga ang lalaking to.

“ You jerks! ”

Isang mabilis na wasiwas at muntikan ng matamaan sa ulo si Ace. Good for him dahil nakayuko kaagad sya at doon nagbigay ng isang malakas na suntok sa sikmura nito dahilan upang tumilapon at tumama sa barrier sa kabilang bahagi si Qquia. Kung titingnan, wala nang malay si Qquia dahil nakayuko na ito. Idagdag pa ang dugo na dumadaloy sa likuran ng ulo nito.

“ Tapos na ang labanang ito – the winner is Mr. Ace Apollo Cuenco. ”

Lumabas na sa loob ng barrier si Ace habang nagpapatunog ng leeg. Ang yabang talaga kahit kailan ng gago.

“ With one blow, tulog. ”

Pagmamayabang nya ng makalapit. Napailing na lang ako dahil sa sinabi nya.

“ At dahil apat na panalo na ang nakukuha ng grupo nina Ava, they won the team battle. Next round is the singles! ”

Anunsyo nito na syang naging dahilan upang mag – ingay ang mga manonood. Mukhang may fandom na kaagad ang grupo namin. Too much fame really sucks. Kainis.

Napatingin naman ako sa kabilang gawi kung nasaan sina Blaze. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa amin – mali ako – sa akin lang pala. Balita ko kasi, sila ang top group before. Tingnan na lang natin ngayon.

End of Chapter 13
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now