Chapter 3

148 9 0
                                    

Chapter 3

Blaze Eziken Dela Cuesta ~

Hindi nakarating sa mga may katungkulan ang nangyari kahapon. Ganoon rin sa aming mga teacher. Last minute kasi kahapon ng bigla na lang akong mapahinto at mapaisip sa mga posibilidad na itanong sa amin ng nurse na nagbabantay doon kung anong nangyari sa lalaking ito. Kaya naman diniretso ko sya sa aking kwarto sa kabilang building kung saan makikita ang mga dorms. Nagtalo pa kami ng kanyang mga kaibigan ngunit sa huli ay pumayag rin naman sila dahil iniisip rin nila ang mga mangyayari kung sakali ngang makarating ang nangyari sa mga may katungkulan sa paaralan.

At simula pa nga kahapon ng maiayos namin sya ng higa sa aking kwarto ay bigla – bigla na lang nagkakaroon ng pagbabago sa kanyang pisikal na anyo. Katulad na lamang ng kulay ng kanyang buhok, from its original color na black to gray and from gray to white. Kagabi naman, lalo na nung kami na lang dalawa dito ang magkasama ay nagliliwanag ang parteng dibdib nya. May kung ano doon na parang gustong lumabas sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hindi ko rin naman kasi sinusubukang tingnan ang loob ng kanyang kasuotan dahil nakakaramdam ako ng hiya.

Sa ngayon ay kasama ko ang mga kaibigan ko maging ang mga kaibigan ng lalaking tinulungan ko na ang pangalan ay Ava. Hindi ko na nga lang pinahalata na nagulat ako ng kaunti dahil pambabae ang kanyang palayaw ganoon rin ang kanyang pangalan. Mataman nila syang binabantayan. Sinabihan na nga naming kami na ang magbabantay ngunit hindi sila pumayag dahil wala sila sa aming tiwala.

Muntik pa ngang sumagot si Qquia dahil doon eh. Pinigilan ko na lang dahil ayokong magising ang lalaking ito sa kanyang mahimbing na pagkakapahinga.

“ I’m sick of this shit. Can you do something about it Agatha? I know you can do it. You are the best healer and seer of the group, so I believe that you really can give Ava the full recovery he needs. ”

Napatingin naman kami kay Sapphire ng magsalita ito. Hindi ko man gustong tandaan ang mga pangalan nila ngunit wala akong magagawa, isa iyon sa mga katangian na mayroon ako – to memorize things clearly.

“ I know, but the consequences of every action I will make will change his future once I disrupt the flow of his fate. Malaking bagay ang maaari nitong maging epekto sa hinaharap nya at syang iniiwasan kong mangyari. ”

Ang pagsagot naman ng babaeng nagngangalang Agatha. Hangga't maaari ay hinahayaan lang namin sila dahil alam naming hindi kami sangkot sa pangyayaring ito. Tama na ang pangingialam namin noong una. Sapat na iyon upang hindi na kami makagulo pa sa kanilang mga dapat pag – usapan.

“ Fucking consequences! ”

Frustrated namang banggit ng huli at muling napaupo sa kanyang kinauupuan. Napatingin naman ako kay Ava na mahimbing na natutulog. Kung pagmamasdan mo syang mabuti ay hindi mo aakalaing kasing bangis ng halimaw ang ugali nya. Maamo kasi ang mukha nya kaya’t nakakapagtaka na kabaligtaran nito ang kanyang ugali.

“ Pwede naman nating hintayin na lang yung recovery ng katawan nya? Spiritual Force can heal him in no time. ”

Napatingin ako kay Vhiro ng bigla itong magbigay ng suhestiyon. Katulad ko ay masama rin ang mga tinging ipinupukol sa kanya ng iba. Hindi rin talaga mapigilan ang bibig ng isang to kahit kailan eh.

“ Nababaliw ka na ba? Any time soon, pwede syang mamatay! He's poisoned! Kaya nga ganito na lang ako mag – react eh! Kung wala kang alam, manahimik ka! Dahil baka hindi pa natutuluyan ang kaibigan namin, mauna ka pa! Pakialamero! ”

0_0

Nagulat kaming mga naroroon dahil sa sinabi ni Sapphire. How possible is that? Maayos nya namang napuksa ang mga Limire kaya’t papaanong malalason sya ng mga ito?

Unless, he intoxicated the poisonous gas coming from those creatures? Hindi ko tuloy napigilang magtanong ng dahil dito.

“ Did he – ”

“ If your question is about the poisonous gas coming from those fucktards then I’ll simply answer you with a big fucking yes. Due to his desperation para lang matapos ang labanang iyon ay nakalimutan nya ang mga maaaring mangyari. Kahit kami ay hindi iyon naisip noong una. Ngunit dahil na rin sa mga sintomas nya, ay doon na pumasok sa isipan namin ang ginawa nyang paghigop sa lahat ng lason na lumabas noon sa katawan ng mga halimaw na iyon upang hindi na kumalat pa. We just can’t find any antidote para sa lasong iyon kahit na mag – research pa kami kaya naman we’re really desperate just to heal him and make him recover as much as he can. ”

Hindi ko na nagawa pang magsalita matapos nyang ipaliwanag ang mga bagay na iyon. Natigilan na lang din ako sa hindi ko malamang dahilan at napatitig kay Ava. Ang sintomas na tinutukoy nila ay ang pagbabago ng kanyang pisikal na anyo. Paniguradong may marka na rin ang dibdib nya ng lasong iyon lalo pa at simula kagabi ay nagliwanag iyon ng paulit – ulit. Fuck. How come na hindi ko man lamang naisipang alamin ang totoong kalagayan nya? Shit.

“ I think that we better go. We only have one option here. ”

Doon na ako nakabawi sa aking malalim na pag – iisip ng marinig ko ang sinabi ni Cymon sa kanila. Nagtaka pa ako ng sabay – sabay silang nagtanguan at napabuntong – hininga. Napakunot tuloy ang noo ko ng dahil dito lalo pa ng sabay – sabay silang tumayo at akmang aalis upang pumunta sa kung anong lugar.

“ I just want to know kung saan kayo pupunta? Hindi ba’t mas dapat kayong mag – focus sa paghahanap ng lunas para sa kaibigan nyo? ”

Saad ko sa kanila sa mababang tono. Gusto ko kasing malaman kung ano bang mga nasa isipan nila upang makaisip rin ako ng maitutulong kung saka – sakali.

“ Wag ka ngang mangialam sa mga ginagawa namin! We all know the fact na kaya lang naman kami nandito ay dahil ikaw mismo ang nagpumilit na dito sya tumuloy. It will never change the truth that we are still enemies of one another. Kaya kung wala ka nang sasabihin, excuse us. ”

Napatahimik naman ako ng dahil sa katotohanang iyon na nilinaw sa akin ni Sapphire. Wala tuloy akong naisagot dahil doon. Hindi ko rin sila napigilan pa ng magdire – diretso sila at lumabas ng aking kwarto.

“ See? Bakit mo ba kasi dinala yan dito? Kung tutuusin, wala pa nga tayong bawi sa kanila eh! ”

It is Qquia. Nakalimutan ko na nga ang tungkol sa bagay na iyon eh. Basta't ang alam ko lang ay mas gusto ko pa silang makilala isa – isa lalo na ang lalaking ito. He’s quite interesting kaya naman gagawin ko ang lahat mapalapit man lamang dito.

“ Just leave him. Ako nang bahala sa kanya. ”

Maikli kong paliwanag sa kanya. Umikot lang naman ang mga mata nito at padabog na umalis sa harapan ko. Tumango lang naman sa akin sina Vhiro at Jero na tumayo na upang sundan ang babae.

“ Ano bang plano mo? ”

Tanong sa akin ni Avira pagkalipas lamang ng ilang minuto matapos umalis ni Qquia na syang sinundan nung dalawang asungot. She knows me very well. Palibhasa ay pareho kaming marunong tumantya ng mga bagay – bagay.

“ Wala. ”

Maikli kong sagot sa kanya. Hindi naman ako nakarinig ng kahit na anong reklamo kaya't hinayaan ko na lang ang pananahimik nila ni Axis.

Sapphire Amethyst Marvelo ~

Mabilis kaming nakarating sa bahay ni Lolo Antique katulad nang aming napagkasunduan. Isa syang kilalang manggagamot noong panahon nya. At kaya kami narito dahil alam naming sya lang ang tanging makakapagbigay lunas kay Ava. We don't want to lose him. Sya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa kami, kung bakit hanggang ngayon ay patuloy kaming lumalaban. He saves us from the brink of annihilation.

Tok Tok ~

“ Tao po! ”

Pagtawag namin sa labas ng pinto ng bahay. Naghintay lang kami ng ilang sandali upang muli sana itong katukin ngunit bago pa man maidikit ni Cymon yung kamay nya ay bumukas ito at bumungad sa amin si Lolo Antique.

“ Magandang Araw po Lo! ”

Sabay – sabay naming bati sa kanya. Nakangiti rin kami upang hindi nito mahalata ang kaba sa aming mga dibdib oras na malaman nya na ang dahilan ng ipinunta namin dito.

“ Susmaryosep na mga bata ito oh! Wala man lang kayong pasabi na dadalaw kayo ngayon? Edi sana, nakapaghanda ako! ”

Saad nito ng matapos kaming lahat na makapagmano dito. Napatingin pa nga sya sa likuran namin. Alam kong hahanapin nya si Ava, ito kasi ang pinakamalapit sa kanya.

“ Yung kaibigan nyong may saltik? Mukhang nawawala ah! ”

Natatawa pa nitong sabi sa amin. Kilala nya kasi si Ava simula pagkabata pa. Para nya na rin itong apo kung kaya't isa ito sa itinuturing nyang parang pamilya na rin. Patay na kasi ang lahat ng kamag – anakan ni Lolo Antique.

“ Si Ava po kasi eh. ”

Hindi ko pa siguradong saad dito.

“ Bakit mga apo? May problema ba? ”

Napapikit ako dahil sa frustration. Nakakatakot pa naman si Lolo pag nagagalit.

“ Kaya po kasi kami nandito ay dahil kay Ava. ”

Diretsahang sagot ni Drake dito. Agad rin kaming napayuko ng maglabas ito ng kakaibang enerhiya dahilan upang maputol sa labas ang kanyang post light.

“ Anong nangyari sa apo ko? ”

Ito na nga bang sinasabi ko eh.

“ Na – nalason po kasi sya eh. ”

Katulad ng nauna naming ginawang pagyuko ay napatalon naman kaming lahat ng mula sa katawan nya ay maglabasan ang pira – pirasong bahagi ng kuryente na alam naming may kakayahang tumupok sa kahit na anong bagay na matatamaan nito.

“ Samahan nyo ko sa kanya! Kailangan ako ng apo ko! ”

Napatango na lang kami at mabilis syang kinapitan sa braso upang mai – teleport papunta sa loob ng kwartong kinaroroonan ni Ava.

Sa wakas.

End of Chapter 3
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now