Chapter 25
Blaze Eziken Dela Cuesta ~
Dalawang araw na simula ng umalis ang mga kaibigan ni Ava. Hindi man lamang nagpaalam ang mga ito kaya’t wala akong nagawa kung hindi ang magdahilan sa mga teachers namin. Nang dahil rin doon kaya wala akong nagawa kung hindi ang umamin sa kanila ng napagkasunduan namin ng mga ito. Nagkaroon na rin ng malay si Ava kaya’t palihim ko na lang itong dinadalaw. Hindi naman ito nagrereklamo kaya naman malaya ko itong nagagawa.
“ Bakit ba kasi hindi mo na lang sabihin samin kung ano ba talagang nangyayari? Kaya gumagaya sayo si Axis eh. Tsk. ”
Si Qquia iyon. Pang ilang beses nya nang pilit iyang sinasabi kaya naman paulit – ulit na lang rin akong nagbibingi – bingihan. Ayokong malaman nila ang dahilan kaya ko ginagawa ang mga bagay na ito. Ayoko silang idamay sa kasalanan ng pamilya ko kaya naman hangga’t maaari ay gagawin ko ang lahat wag lamang silang maghinala na may malalim akong dahilan kaya ko ginagawa ang mga bagay na ito.
“ At ano namang kinalaman ko sa itinatago ni Blaze? Wala naman akong ginagawa ah. ”
Sabat naman ni Axis at binaba ang kanyang librong binabasa.
“ Wala ba talaga? Eh anong mayroon sa inyo ni Drake? ”
Bulyaw naman sa kanya ni Avira. Napalingon naman ako dahil doon sa kinalalagyan nito. Tiningnan ko ito ng may pagtatanong dahil hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyon.
“ Ilang beses na naming sinabi sa inyo, wala ngang namamagitan sa amin. Nalagyan nya ako ng lason ng magpang – abot kami kaya wala akong nagawa kung hindi ang humingi ng tulong sa kanya. And the only way for him to help me is to suck the poison out. ”
Nagulat na lang kaming lahat ng tumayo ito ng padabog dahilan upang mapunta sa amin ang atensyon ng iba. Nasa cafeteria kasi kami at nagtatanghalian.
“ I’m out of this. Believe what you want to believe. ”
0_0
What the fuck was that?
Axis Flareon Guererro ~
Napahinga na lamang ako ng malalim pagkaalis ko sa harapan nila. Napatampal na lamang ako sa dibdib ko ng bigla na lang itong tumibok ng mabilis. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko na tuwing naririnig ko ang pangalan ni Drake o kahit na anong tungkol sa kanya ay ganito ang nararamdaman ko. Alam ko naman ang bagay na ito, ayoko lamang pansinin dahil alam kong mali ito.
Kinalma ko na lang rin muna ang sarili ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa dorm. Nawalan na rin akong gana pang pumasok sa susunod naming klase dahil sa nangyari.
Ilang araw ko na ring hindi nakikita ang lalaking iyon. Sa una ay mabuti sa aking pakiramdam ngunit ng tumatagal na ay iba na ang nararamdaman ko. Pansin ko rin na dahil dito ay hindi ko na magawa pang mag – concentrate sa mga bagay na dati kong ginagawa.
“ Ano bang ginawa mo sakin Drake? Bakit ganito na lang ang lakas ng epekto mo sakin? Fuck. ”
Umiling pa ako ng ilang sandali bago muling nagpatuloy. Napatigil kasi akong muli kakaisip sa kanya. He’s really a distraction. Tsk.
***
Mabilis akong napabangon habang naghahabol ng hininga. Napatingin rin kaagad ako sa labas ng bintana ng aking kwarto dahil sa isang enerhiya na pamilyar sa akin. Hindi naman ako nagdalawang – isip na lumabas patungo sa likod ng dormitoryo kung saan makikita ang malawak na kagubatan. Dito rin makikita ang Great Maze kung saan ginaganap ang Moonlight Fighting.
Ramdam ko ang lamig na bumalot sa katawan ko pagkalabas ko. Wala na kasi akong sinayang na oras at mabilis na pumunta kung saan ko naramdaman ang pamilyar na enerhiyang iyon. I’m sure, it’s Drake.
Pagkababa ko sa lupa ay kaagad akong nagpalingalinga sa paligid upang hanapin sya. Ililingon ko pa sana ang mukha ko sa ibang direksyon ng mapatingin ako sa isang bulto ng katawan na nakabulagta di kalayuan sa kinaroroonan ko. Mabilis akong tumakbo roon at kaagad itong dinaluhan.
“ Sapphire? ”
Sabi ko sa pangalan ng babae na nababalutan ng mga sugat at pasa sa kanyang katawan. Sira – sira na rin ang kanyang mga damit kaya’t hinubad ko ang t – shirt na suot ko at pinalibot sa itaas nya upang takpan ang kanyang dibdib na medyo lumalabas na.
Dumaing naman ito ng dahil doon. May malalim kasi itong sugat sa likuran kaya’t alam kong iyon ang dahilan ng kanyang pagdaing.
“ Sapphire? ”
Muli kong pagtawag rito upang makuha ang atensyon nito. Gusto ko kasing malaman kung ano bang nangyari at nagkaganito sya.
0_0
Doon ko na lang rin napagtanto na maaaring katulad nya, ganito rin ang kalagayan ng iba. Fuck. Bakit hindi ko kaagad iyon naisip? Shit!
“ A – axis? ”
Napabalik naman kaagad ako sa katinuan ng tawagin nito ang pangalan ko. Inalalayan ko kaagad ito upang maisandal ng maayos sa katawan ng punong malapit sa amin.
“ Anong nangyari sayo? Nasaan ang iba pa? ”
Kaagad kong tanong rito.
“ Ma – mahabang ku – kwento. ”
Nahihirapang saad nito. Nakuha ko naman kaagad ang nais nitong ipahiwatig kaya’t hindi na ako nagtanong pa. Nagpalinga – linga na lamang ako upang makita ang iba pa dahil malakas ang kutob kong ganito rin ang sinapit nila.
“ Dumito ka na muna, hahanapin ko pa ang iba. ”
Hindi ko na sya hinintay pang makasagot at kaagad na umalis. Di rin naman nagtagal ay nahanap ko rin ang iba. Walang malay ang mga ito at halata mong galing talaga sa isang matinding labanan. Napaisip na lang tuloy ako kung saan ba pumunta ang mga ito para mawala ng ilang araw at pagkatapos ay magpapakita sa ganitong estado. Hindi ko rin mapigilang hindi maawa sa kalagayan ni Drake. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na magpakita ng emosyon dahil ang mas kailangan nila ngayon ay ang madala na kaagad sa pagamutan. Napaisip rin ako kung sa kwarto ko ba sila dapat dalhin o sa mismong dorm nila? Ngunit mas nanaig sa akin ang pangamba sa mga maaaring itanong sa akin ng mga kaibigan ko kaya’t napagpasyahan kong sa dorm na lang sila ni Ava dalhing lahat.
“ Just hang on, help is coming. ”
End of Chapter 25
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!