Chapter 5

110 7 0
                                    

Chapter 5

Blaze Eziken Dela Cuesta ~

Kinagabihan ay mas naging okay na ang kalagayan ni Ava. Hindi man sya nagkamalay kanina ngunit alam kong mas gumaan na ang pakiramdam nya lalo pa at lumuwag ang kanyang ginagawang paghinga. Isa pang patunay doon ang pagkawala ng mga marka na syang naglabasan kanina sa kanyang katawan habang ginagamot sya ng matanda. Hindi pa rin umaalis ang matandang iyon na syang kinikilalang Lolo ni Ava. Tama ang hinala ko na hindi sila magkadugo.

“ Hindi ko naman alam na nadagdagan pala ang bilang nyo? ”

Sabi nito sa gitna ng pagkain namin. Bumaba na muna kasi kami upang kumain sa restaurant na nasa loob ng eskwelahan. Okay na naman si Ava kaya pumayag ang Lolo nya na kahit sa kaunting oras ay maiwan namin sya. Naglagay rin sya ng parang orasyon na syang pipigil sa kahit na ano mang nilalang na makapasok sa kwarto kong iyon.

“ Hindi naman talaga – ”

“ Nagulat nga rin po kami Lo! ”

Naputol ang dapat na sasabihin ni Axis dahil sa biglaang pagsingit ni Drake. Nakita ko pa ang nalilitong itsura ni Axis dahil sa ginawa nito. Maya – maya pa ay biglang nanlaki ang mga mata nito na sinundan pa ng pagpula ng kanyang mga pisngi dahilan para maguluhan ako sa mga nangyayari. Ano bang nangyayari sa kanya?

“ Maganda na rin po yung ganito na marami kami para naman mas maraming mag – aalaga kay Ava in case of emergency po Lo. ”

Dugtong pa ni Apollo na syang mainit ang dugo kay Jero. Hihindian ko na sana iyon kaso napatingin ako kay Sapphire maging kay Agatha na nagbabaga ang mga matang nakatingin sa akin kaya naman napatahimik talaga ako. These ladies are dangerous yet so delicate in their own ways.

“ Salamat naman kung ganoon, hindi na ako mag – aalala pa sa kanya ng madalas lalo pa at masisigurado ko nang nasa maayos syang kalagayan habang kasama kayo. Kung hindi nyo pa kasi alam, wala na ang mga magulang ng apo ko matapos syang iligtas ng mga ito sa mga nilalang na syang naghahanap sa kanila. Nakaligtas sya doon ngunit ang mga magulang nya ay hindi. Simula noon, wala na syang ginawa kung hindi ang magtanim ng galit sa sino man na may kakayahang katulad ng mga pumatay sa kanyang mga magulang. Naging mailap rin sya sa mga tao, mas gusto nya ang mapag – isa. ”

Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong nakadama ng ibayong kalungkutan dahil sa sinabi nyang iyon. Naging mahirap palang talaga ang buhay nya kaya naman ganoon sya kamanhid. Hindi na ako magtataka kung bakit sya galit na galit ng masaktan ko yung pusa nung una naming pagkikita.

“ But still, kahit na alam kong mapoprotektahan nyo na sya ng mabuti ay sasabihin nyo pa rin sa akin ang mga bagay na alam nyong hindi nyo na kayang solusyonan katulad nito, malinaw ba? ”

Dugtong pa ng lolo – lolohan ni Ava na syang nakapagpatango sa aming lahat. Ewan ko ba, para akong natauhan na hindi lang pala ako ang nilalang na nagsa – suffer dito sa mundong ginagalawan namin. Sometimes, yung mga katulad ko pang nagpapa – apekto yung mga mabababaw samantalang yung malalakas yung mga worst.

“ Ipinapangako ko pong iingatan ko sya sa abot ng makakaya ko. ”

0_0

Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Hindi man nanlalaki ang mga mata ko pero ang lahat ng mga kasama namin sa gitna ng pagkain ang syang naglalakihan ang mga mata. What the hell is happening to me? Bakit bigla na lang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ko? Shit.

“ Salamat naman kung ganoon. ”

Napatango na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

***

“ Mauuna na ako, hindi ko na rin mahihintay pang magising ang apo ko dahil paniguradong inaabangan na ako ng mga alaga ko sa bahay. Ikamusta nyo na lang ako sa kanya, pasensya na lang rin kamo at hindi ko na sya nahintay pa. ”

Paalam sa amin ng lolo ni Ava pagkatapos naming kumain at magsabay – sabay na pumunta sa gate ng paaralan upang maihatid sya. Tumango na lang kami sa sinabi nito. Ngumiti pa ito bilang huling paalam sa amin at tuluyan ng pumasok sa isang portal na si Agatha ang may gawa.

“ Blaze! ”

Napatingin naman ako sa Lolo ni Ava ng tawagin ako nito. Akala ko pa naman ay tuluyan na itong pumasok sa portal na iyon.

“ Ingatan mo ang apo ko, ilayo mo sya sa lahat ng mananakit sa kanya. ”

Nanigas ako sa kinalalagyan ko. I don’t want to say yes to a promise I can’t hold on. Alam iyon ng mga kasamahan ko, ng mga kaibigan ko. But I don’t want to hurt the old man in front of me. I feel like having a two options between what way I will die.

“ Iingatan naman – ”

“ I’ll promise po! Hindi ko sya hahayaang masaktan ng kahit na sino o mahawakan man lang. I’ll promise to take care of him katulad ng ginawa nyo po kanina. I’ll promise to make him happy for him to forget those memories that makes him sad. I’ll promise kaya naman po, wag na kayong mag – alala sa kanya. Ako nang bahala habang wala kayo sa tabi nya. ”

Putol ko sa dapat na sasabihin ni Jero. Ayokong ma – disappoint ang Lolo ni Ava sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagiging ganito o kung bakit ako nagdedesisyon ng alam kong makakagulo sa mga plano ko sa buhay. But one thing I’m sure, ayokong maranasan nya pang muli ang sobrang kalungkutan. Alam kong masakit ang mag – isa, kaya naman hindi ko hahayaang maramdaman nya pa iyon. Magiging kuya nya ako, at aayusin ko kung ano man ang hindi namin pagkakaunawaan nung una naming pagkikita.

“ Good to hear that from you. See you soon mga apo ko. ”

Tuluyan na itong pumasok doon at pagkaraan ng ilang minuto lang ay syang tuluyang pagsara ng portal. Doon na kami binalot ng napaka – awkward na katahimikan kaya naman ako na ang sumira noon at inaya silang lahat na bumalik na sa kwarto ko upang tingnan kung gising na ba si Ava.

“ Oras na magising si Ava ay lilipat na kaagad sya sa kwarto nya. Kami nang bahala sa kanya at tigilan mo na ang pagpapanggap mo. ”

Sabi sa akin ni Cymon sa gitna ng aming sabay – sabay na paglalakad pabalik sa aking kwarto.

“ Hindi ako nagpa – ”

“ We don’t want to hear anything. ”

End of Chapter 5
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now