Chapter 39
Avalche Berg Dolo Fuerto ~
Nagtataka ang lahat ng mga estudyante ng bigla na lamang ipatigil ang klase hanggang sa mga susunod na araw. Nasagot rin naman iyon ng ipabatid ng mga guro na mapapaaga ang pagdaraos ng Moonlight Fighting. Naging dahilan iyon upang mabuhayan ng dugo ang lahat at hindi na pakinggan pa ang iba pang mga sinasabi ng mga guro. Hindi na rin naman kasi mahalaga ang mga sumunod pang sinabi nito, bukod sa pagbibigay nito ng lakas ng loob sa mga estudyante na mas lalo pang galingan ang pagsasanay o mag – focus sa mga bagay na nagpapahina sa katawan, basics kumbaga.
Hindi ko man ito napaghandaan, sumang – ayon naman ito sa pagtatapos ng pagsasanay nina Blaze. Hindi na rin namin kailangan pang magdahilan sa mga taong maaaring maghanap sa kanila. Bakit? During the time given to the students who’ll train on their own, everyone is allowed to go outside the campus premises. Isang bagay na syang nakapagbigay sa amin ng mas lalong kalayaan na makapagbalik – panaog sa guild at dito sa eskwelahan.
Naging bulungan na rin sa bawat kanto ng paaralang ito ang pagbabalik ng aming guild sa publiko. Kapansin – pansin rin ang pagiging mailap ng iilang guro kung kaya’t agad ko iyong iniatang kay Ace na pagpokusan upang malaman kung ano na ang mga nangyayari sa loob at labas ng paaralang ito. Ace can see through lights. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng mga liwanag sa kapaligiran nya ay kaya nyang makita ang mga nangyayari sa partikular na tao o bagay. Sa isang simpleng paliwanag, sya ang magsisilbing surveillance naming lahat upang hindi mabulilyaso ang bawat hakbang na aming gagawin.
Heinlien Dela Cuesta is one of a trickster. Paulit – ulit iyon na binabanggit sa akin noon ni Lolo Simeon tuwing nagpapakwento ako sa kanya patungkol sa demonyong iyon. Kung tuso sya, mas tuso ako.
“ Saan ka pupunta? ”
Pagtatanong sa akin ni Sapphire ng makitang papalabas ako ng aming dorm.
“ I’ll just check something on the Great Maze. ”
Tumango na lamang ito sa akin at tumuon sa kanyang ginagawang pagko – concentrate. Napatigil pa ako ng sa tuluyang paglabas mula sa pinto ng matandaan kong pinapa – imbestigahan ko nga pala sa kanila si Jay Lim. Matagal na ring panahon pero wala pa rin silang ibinibigay sa aking report kaya naman muli akong humarap sa kanya at nagwika.
“ Ano nga pa lang balita kay Jay Lim? ”
Tanong ko kay Sapphire.
“ It was actually a suicide mission to do because he’s an assassin. But we manage to gather some information about him. We can talk about it pagbalik ng iba. ”
Nakapikit nitong sagot sa akin. Tumango – tango na lang ako dito at tuluyan ng lumabas. Nagteleport kaagad ako sa mismong gitna ng Great Maze upang pag – aralan itong mabuti. Hindi pwedeng magkamali ang instinct ko na may kakaiba rito. Bukod sa pagpapaaga ng Moonlight Fighting ay paniguradong may something sa lugar na paggaganapan nito at syang bagay na kailangan kong malaman kung mayroon nga ba.
Kung pagmamasdan ang kapaligiran ay mukha itong normal. Wala ring kung anong mga simbolo o mga gamit ang kahina – hinala rito. O baka naman kasi sa araw ng mismong Moonlight Fighting nila ilalagay ang mga bagay na iyon o mga simbolo na syang makakapagpabago sa magiging patakaran ng palaro? Hindi ako maaaring magkamali patungkol sa mga kutob ko lalo na’t ang pinuno ng Eabha ang kinakalaban namin ngayon. Ang tao sa likod ng pagkamatay ng mga magulang ko.
Naglakad – lakad pa ako upang mag – imbestiga sa palibot ng Great Maze para masigurado ang mga bagay na iniisip ko. Napatigil nga lang ako matapos ang ilang sandali ng maramdaman ko ang isang dalawang patalim na nakatutok sa magkabilaan kong leeg. Hindi ko kilala ang may – ari ng enerhiyang nasa likuran ko kaya’t nagpatay malisya na lang ako upang di mahalata ng nilalang na ito ang ginagawa ko sa lugar na ito. Hindi rin ako sigurado kung kalaban ba sya o ano kaya’t mas mabuting hindi ako manlaban sa pagkakataong ito.
“ Sino ka? ”
Tanong ko sa kanya na pinapakiramdaman ang bawat paggalaw nya.
“ Ikaw ang dapat tanungin ko nyan? Anong ginagawa mo sa lugar na ito? ”
Hindi rin pamilyar sa akin ang boses nya. Mukhang nagtawag na nga yata ng hukbo ang gagong matandang iyon.
“ Naghahanap ako ng lugar kung saan magandang magsanay kaya naglilibot – libot ako rito. ”
Sagot ko pa rito. Kumawala na naman ang mga patalim nyang nakatutok kanina sa leeg ko at iniharap ako sa kanya. Doon ko na lang din nalaman na hindi ko rin pala makikilala ang pagkatao nya dahil sa maskarang suot nya.
“ Anong pangalan mo? Paano ka nakapasok sa paaralan namin? ”
Sunod – sunod kong tanong sa kanya.
“ Wala akong oras para sagutin ang mga tanong mo. Mauuna na – ”
Wala akong sinayang na pagkakataon at kaagad syang pinigilan sa kanyang balak na pag – alis. Kita ko pa ang gulat sa kanyang mga mata ng maramdaman nyang hindi sya makagalaw. Hindi rin sya makapagsalita dahil lahat – lahat sa kanya ay kontrolado ko kasama na ang kaluluwa nya.
Dahan – dahan pa ako sa kanyang ngumisi at naglakad papalapit sa kinatatayuan nya. Ramdam ko na rin ang pagtaas ng enerhiya nya upang matibag ang ginagawa kong pagkontrol sa kanya, yun nga lang at kahit na anong paraan nya upang makatakas sa akin ay hindi gagana.
“ Wag ka nang sumubok na tumakas pa dahil kahit na anong subok mo, wala ring mangyayari. ”
Saad ko pa sa kanya pagkalapit ko sa kinaroroonan nya at mabilis na inalis ang maskarang nagtatago ng mukha nya. Doon ko na rin nasiguro na isa nga sya sa mga miyembro ng Eabha. Nakakamangha lamang na ang marka ng pagiging miyembro ng Eabha sa kanya ay nasa kanyang dila.
Agad kong inalis ang kontrol ko sa kanyang ulo at agad na sinabunutan papaharap sa akin. Kasabay rin noon ang biglaan nyang pagdura sa mukha ko kaya’t napabitaw ako sa kanya.
“ Fuck! ”
Mura ko ng maramdaman kong parang napapaso ang parteng naduraan nya sa mukha ko. Napatingin pa ako sa mga palad ko ng bigla na lang akong makaramdam ng pamamanhid mula doon. What the fuck?
“ Kung inaakala mong mananalo ka sakin bata ay nagkakamali ka. Hindi mo kilala kung sino ang binangga mo. ”
Saad nya pa na sinabayan nya ng nakakarinding pagtawa. Hindi naman ako nagdalawang – isip at kaagad syang pinugutan ng ulo dahilan para sumirit ang dugo nya sa suot kong damit.
“ Fucking bitch. ”
Saad ko at napapahinga ng malalim. Gagawin ko pa sanang abo ang katawan ng babaeng ito ng magulat na lang ako ng kusa itong maging abo at ilabas ang isang bagay na syang nakapagpagulat sa akin.
Isang sacred relic ang lumabas mula sa abo. Tinitigan ko pa itong mabuti upang masiguro kung ano ito saka ko pinalibutan ng barrier sa paligid nya at nag – teleport pabalik sa dorm namin.
“ Ava? ”
End of Chapter 39
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!