Chapter 21
Drake Dmitri Buenaventure ~
Dinala ko sa liblib na parte ng eskwelahan si Axis dahil gusto ko syang turuan ng leksyon sa mga ginagawa nya. Isa pa, kailangan ko ng magiging espiya sa grupo nila dahil gusto kong malaman ang namamagitan kay Ava pati na sa leader nilang wala namang utak. Gagamitin ko sya para doon.
“ A – anong balak – ”
Hindi ko sya hinayaang matapos dahil mabilis kong isinara ang bibig nya sa pamamagitan ng labi ko. Pareho kaming dilat ang mga mata kaya naman kita ko kung gaano sya kagulat sa mga nangyayari sa kanya.
Nang makahuma rin sya ay doon na sya pumalag ngunit nagkakamali syang mapipigilan nya ako. Wala akong sinayang na oras at ginamit ang kakayahan kong painitin ang katawan ng sino mang malapit sa akin. Higit pa na hindi lang sya malapit sa akin, nararamdaman ko sya.
“ Tu – tumigil ka! ”
Hindi ko sya sinunod at buong lakas na pinunit ang pang – itaas nya. Kita ko sa kanyang mga mata ang takot at pangamba sa mga maaari kong gawin sa kanya. Natigilan pa ako ng dahil doon. Sa hindi ko malamang dahilan ay nakita ko ang sarili ko sa kanya sa mga kamay ng mga scientist na iyon na walang ibang ginawa kung hindi ang gamitin kami sa kanilang mga pagsusuri.
“ Ta – tama na! Please! ”
Nabalik na lamang ako sa aking sarili ng muli itong magsalita. He’s hopeless. Mas lalo akong natigilan ng makita ko ang mga sugat sa kanyang dibdib galing sa mga kuko kong paniguradong kumalmot sa kanya ng sirain ko ang suot nyang pang – itaas. Shit. What have I done?
Umiiyak sya at namumula ang kanyang mga pisngi. Bigla akong nakaramdam ng matinding awa para sa kanya at pagkamuhi para naman sa sarili ko ngunit nalilito pa rin ako kung bakit? Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito sa isang nilalang na hindi ko naman gaanong ka – close. Palagi ko kasing iniisip na lahat ng ginagawa ko ay para sa kapakapanan ni Ava. Pero ngayon? Bakit?
“ Na – nakikiusap a – ako. ”
0_0
Nanlaki ang mga mata ko ng kusa na lang gumalaw ang mga kamay ko at niyakap sya ng mahigpit. May kung ano rin ang bumulong sa akin na humingi ako ng tawad sa kanya na sya namang ginawa ng sarili kong katawan. Anong nangyayari sa akin?
“ Sshh! Titigil na ko, just don’t cry! Please! ”
What the fuck is going on with me? Patuloy ko itong binubulong sa tenga nya habang mahigpit ko syang yakap – yakap. Napamura na lang ako sa isip ko kung ano ba talagang nangyayari.
Ilang saglit lang din ay tumigil na sya sa pag – iyak at mumunting paghikbi na lang ang maririnig mo sa kanya. Doon ko na lang din napansin na nakayakap na rin pala sya sa akin ng mahigpit.
“ Okay na ba ang pakiramdam mo? ”
Natanong ko na lang. Hindi ko rin kasi alam ang gagawin ko o kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito ka – awkward na sandali.
“ Bi – bitaw. ”
Bumitaw naman ako sa kanya ng marahan nyang tapikin ang likuran ko. Doon ko na lang muling napagmasdan ang mga kalmot na iniwan ko sa katawan nya pagkasira ko sa kanyang damit pang – itaas. My scratches are glowing at isa lamang ang ibig sabihin noon – Vampire’s Poison.
0_0
Nanlaki ang mga mata ko dahil dito. Nabatukan ko ng wala sa oras ang sarili ko dahil sa katangahan na ginawa ko. Hindi ko man lamang nalaman na nalagyan ko na pala sya ng lason matapos kong sirain ang pang – itaas niya. Fuck.
Pag hindi ko naman iyon hinigop papalabas sa kanyang katawan ay paniguradong mamamatay sya. Iyon lang ang lunas sa lason naming mga bampira. Fuck. Bakit kasi padalos – dalos na naman ako eh. Tsk.
“ O – okay na ko – ”
“ Sumama ka sakin. I won’t harm you. I’ll promise. ”
Hindi ko na sya hinintay pang makasagot at dinala sa kwarto ko sa pamamagitan ng portal na ginawa ko. Isa sa mga abilidad na itinatago ko kay Ava upang hindi sila mapahamak. Hindi hamak na mas malakas ito kumpara sa mga ginagawa ni Cymon dahil ang mga portal na aking nagagawa ay may kakayahang makabalik sa nakaraan at makapunta sa kasalukuyan. At ayokong maging daan iyon upang makagawa ng mga bagay si Ava na syang pagsisisihan nya sa dulo.
I’ve always been protective to them dahil sila na lang ang meron ako kaya naman gagawin ko ang lahat maprotektahan lang sila. Pero ngayon, mukhang hindi na lang ito ang itatago ko sa kanila.
“ Ba – baka hanapin na nila tayo? ”
Nginisihan ko na lang sya at dumiretso sa kwarto ko upang makakuha ng first aid kit. Wala akong kakayahan upang manggamot, tanging si Agatha lamang ang may kakayahang gawin iyon. Kaya naman ito na lang ang naisip ko upang itago ang maiiwang marka pagkatapos kong higupin palabas sa katawan nya ang lason na aking gawa.
Pagkabalik ko sa kanya ay nakita kong hawak nya ang picture ko kung saan tanging short lang ang suot ko. Napangisi pa ako ng makita ko kung paano nyang pagkatitigan ang katawan ko.
“ Hindi naman kailangang pagnasaan ang katawan ko dahil pwede ko namang ipahawak sayo ito. It’s all yours. ”
Saad ko dahilan upang mahulog nya sa sahig ang hawak na litrato. Napatawa pa ako ng makita ang sobrang pulang pisngi nya.
“ Hi – hindi kita pi – pinagnanasaan. ”
Napailing na lang ako at tuluyan ng lumapit sa kanya. Ako na rin ang pumulot ng sarili kong litrato at inilagay iyon sa orihinal nyang lagayan.
“ Keep denying it. Pero sa ngayon, lumapit ka na muna rito. Kailangan ko nang alisin ang lason sa katawan mo dahil habang tumatagal ito sa iyo ay ganun rin ang panghihina ng Spiritual Force mo. ”
Nanlaki pa ang mga mata nya matapos ko iyong ipaliwanag sa kanya. Doon ko na nga lang din napansin na nagkakaroon na ng mga itim na marka ang kanyang dibdib bukod sa sugat na gawa ko. Hindi ako maaaring magtagal dahil umaandar ang oras at ayokong magduda na naman sakin si Ava. Kailangan ko na kaagad matapos to.
“ Papaano? ”
Tanong naman nya na ang tinutukoy ay ang lason na ngayon ay kumakalat sa kanyang katawan.
“ My nails are venomous. ”
Maikli kong sagot sa kanya. Hindi ko na rin naman sya hinintay pang makapagsalita at mabilis na dumagan sa kanya. His skin is now starting to become pale.
“ A – anong gagawin mo? ”
Huminga na lang ako ng malalim atsaka sumagot. Hindi na rin naman sya makakaangal pa oras na simulan ko ang gagawin ko. Mahina na sya kaya’t ano pang sense ng panlalaban nya.
“ I’m sorry. I’m really sorry. ”
Wala akong sinayang na oras at kaagad na isinubsob ang aking mukha sa dibdib nya. Ramdam ko pa ang paghawak nya sa ulo ko upang pigilan ako. Agad ko namang sinipsip ang katapat kong sugat upang di na sya makapalag pa. Ngunit kapalit naman noon ang malakas nyang pagsigaw.
“ Aaahh! ”
Hindi ko iyon inintindi at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Hindi rin naman nagtagal ay natapos rin ako. Pag – angat ko ng tingin ay wala na syang malay at lupaypay na nakahiga sa sofa dito sa ibaba. Doon ko na lamang rin napansin na kusang nawala ang mga bakas ng aking kalmot.
Creak ~
“ Anong ibig sabihin nito? ”
Fuck.
End of Chapter 21
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!