Chapter 29

45 3 0
                                    

Chapter 29

Third Persons Point of View ~

Isang malakas na enerhiya ang bigla na lang bumalot sa buong kalupaan ng mundo dahilan para matigilan ang lahat – normal na mga tao at mga biniyayaan ng kapangyarihan. Sabay – sabay rin silang napatingin sa iba’t – ibang direksyon mula sa iba’t – ibang lugar kung saan sila nakatayo. It was a power alike of a God.

Ang mga malalapit naman sa lugar na iyon ay walang pag – aalinlangang pinuntahan ang lugar kung saan nanggagaling ang walang kapantay na lakas na iyon. Nagulat nga lang ang mga nilalang na ito sa kanilang nalaman ng makitang nanggagaling iyon sa gitna ng Jordanian Desert kung saan matatagpuan ang Lost City of Petra. Ang isa pang nakapagpatigil sa kanila ay ang barrier na pumapalibot dito.

“ Apo, nakakakuha ka na ng atensyon mula sa labas na mundo. ”

Sabi naman ni Simeon Antique sa apo – apohan nyang si Ava. Magkaganoon man, hindi naman na sya nababahala lalo pa at alam nyang kaya na nitong kontrolin ang halos lahat ng kanyang kakayahan.

“ It wasn’t for entertainment Lolo. It was a warning for every fucking shit who’ll get in our way. ”

Sagot naman ni Ava sa mababang tono. Hindi iyon pasigaw ngunit nagdala iyon ng kilabot sa kanyang mga kasamahan.

“ Let’s get going. I’m not fond of waiting for so long. ”

Dagdag pa nito at nagpatiuna habang nakayakap pa rin sa kanya si Caius. Sumunod naman sa kanya ang Lolo nya habang nasa likuran naman nito ang lahat ng kanyang mga natitirang kasamahan sa guild.

Hindi nagtagal ang kanilang paglalakad dahil sinalubong sila ng grupo ng mga nilalang na nasa likod ng pagkakamatay ng ilan sa kanilang mga kasamahan.

Natigilan naman ang lahat ng magkasalubong ang magkabilang panig. Si Ava naman ay dahan – dahang ibinaba si Caius at pinabalik na muna sa kanyang mga kasamahan.

“ It’s good to see you here, my dear student. ”

Walang imik na naglakad si Ava papalapit sa kanyang guro sa Magical Bending and Summoning 1 – si Clavory. Wala syang ibang maramdaman kung hindi ang pagkasabik na makita itong nahihirapan sa kanyang sariling mga kamay.

“ Kill him. ”

Saad pa ng kanyang guro dahilan upang sumugod ng sabay – sabay sa kanya ang mga kasamahan nito. Hindi naman sya natinag kagaya ng kanyang mga kasamahan na mataman lamang nakikiramdam sa mga mangyayari. Matagal na nilang kasa – kasama si Ava kaya’t alam na nila at kabisado ang mga ayaw nito. Isa na rito ang pakikialam sa personal nitong laban.

“ How trashy. ”

Nasabi na lang ni Ava ng kusang matunaw ang mga nilalang na sumusugod sa kanya. It’s not him causing them to deteriorate, but the invisible barrier he creates before walking a while ago. Hindi lamang ito napansin ng kanyang mga kasamahan pati na ang kanyang mga kalaban dahil ang barrier na ito ay isa sa mga Danger Technique na natutunan nya noon na tinatawag na Quello.

“ I never thought that you can use a Danger Technique so beautifully with your age. So much power and passion, what a gift. ”

Saad naman ni Clavory. Huminto naman ang mga nagsubok pang lumapit kay Ava dahil alam nilang mangyayari rin sa kanila ang nangyari sa mga naunang sumubok na lumapit dito.

“ Deterioration. ”

Anang huli dahilan para matunaw ang barrier na syang pumoprotekta kay Ava at ngumisi. Hindi naman nagpatinag si Ava at tumuloy lamang sa paglalakad. Ilang metro na lang rin naman at mahahawakan nya na ito para pahirapan pa.

“ What a bold move to do. ”

Dagdag pa ni Clavory at pinalambot ang lupang nilalakaran ni Ava. Muntik pang malamon ng kumunoy na iyon ang mga paa nito ngunit hindi iyon natuloy ng lumutang ito. Si Ava naman ngayon ang ngumisi sa kanyang guro.

“ Kung magmamakaawa ka para sa buhay mo bago pa ako makalapit sa iyo ay simulan mo na. Malay mo, patawarin kita. ”

Saad naman ni Ava sa mahinahong tono. Wala iyong pagbabanta ngunit ibayong takot naman ang nabuhay sa loob ng kanyang mga kalaban.

“ I won’t beg without a fight, darling. Because from the very beginning, I already won. ”

Sagot naman nito sa kanya at ngumisi. Itinaas rin nito ang kanyang kamay at may kung anong hinatak mula sa itaas. Kita mula doon ang katawan ng mga kasamahan ni Ava. Halatang pinahirapan ang mga iyon dahil sa mga sugat at mga marka sa katawan ng mga ito. Gumawa rin iyon ng ingay na nagmumula sa kanyang mga kasamahan maging kay Caius na syang malakas na umiiyak habang nakatingin sa kanyang mga magulang na wala nang buhay.

Si Simeon naman ay nakatitig lang sa kanyang apo habang mariing nakakuyom ang mga kamao. Sinisisi nya rin ang kanyang sarili dahil kung hindi sana sya matagal na nawala ay hindi ito mangyayari katulad ng kayang inaasahan.

“ I told you, it’s you who should beg and not me. ”

Ngisi pa nitong bigkas kay Ava at mapaglarong tinititigan ang mga daliri.

“ Kuya Disco, patawarin mo ko. Kung naging maaga lang sana ang pagdating ko, hindi nyo ito sasapitin. ”

Bulong ni Ava sa hangin habang nakatingin sa kanyang mga kasamahan na wala nang buhay. Sa ganoong tagpo rin nya pinakawalan ang nag – uumapaw nyang kapangyarihan. Hindi naman nagpatinag si Clavory at walang pag – aalinlangang umatake sa kanyang estudyante.

“ Your life is worth dying for! ”

Sigaw pa nito at buong pwersang winasiwas ang kanyang espada kay Ava. Hindi naman iyon tumama sa mismong katawan ng kanyang estudyante dahil huminto ito sa ere bago pa ito tuluyang sumaksak sa likuran ng huli.

“ Since you already accept your fate, it is in my hands now to give you the death that you want. ”

Sabi naman ni Ava na bigla na lang naglaho sa kanyang kinatatayuan at napunta sa likuran ni Clavory. Nagulat pa ang huli ng mawala ito sa kanyang paningin dahilan upang hindi sya makaiwas sa pag – atakeng ginawa ni Ava.

“ This will be painful. ”

Walang buhay na sabi ni Ava at puong pwersang binaon ang kanyang mga kuko sa likuran ng kanyang guro sabay kalmot nito dahilan upang maglagasan ang mga laman ng huli. Kasabay niyon ang isang nakabibinging sigaw na bumalot sa buong lugar.

“ Lolo, kayo na po ang bahala sa iba. Let me take care of this woman. ”

End of Chapter 29
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now