Chapter 31
Simeon Antique ~
“ Apo! ”
Pagtawag ko ng pansin sa apo kong si Ava ng mapatulala ito habang nakatingin sa kawalan. Mukhang hindi nya inaasahan ang ginawang pagkatakas ng babaeng iyon na isa sa mga guro nya sa paaralan. Maging ako ay hindi iyon inaasahan lalo pa at kita sa kanyang anyo kanina na kaunting oras na lamang ang kanyang itatagal sa mundo dahil sa dami at lalim ng mga pinsalang natamo nya sa pakikipagpalitan ng pag – atake sa apo ko.
We underestimated her abilities kaya nya nagawa ang bagay na ito. Tsk.
“ Ava! ”
Muli kong pagsigaw sa apo ko na ngayon lamang nagising sa pagkakatulala. Nanlalaki pa ang kanyang mga matang nakatingin sa akin at pagkatapos ay agad na nilingon kung saan bumagsak si Greazen ng hatakin nya papalayo sa babae.
“ Ako nang bahala sa kanya apo. Sundan mo na sya. ”
Sabi ko naman sa kanya ng subukan nyang tulungan ang bata. Lumapit na rin ako sa kinatatayuan nila upang mas mapanatag ang loob nito. It’s a simple curse yet so strong that’s why the latter part of Greazen’s hand were wounded so deep – a Thorn Curse.
“ Pero – ”
“ Trust me apo. Ako nang bahala kay Greazen. ”
Putol ko sa kanya. Napahinga naman sya ng malalim tanda ng pagsuko. Hinalikan nya pa sa noo ang bata at lumapit kay Caius na nakatulala sa katawan ng kanyang mga magulang at ganoon rin ang ginawa bago lumingon sa akin.
“ Kayo na po ang bahala sa lahat Lo. Sa muli nating pagkikita, paalam po. ”
Tumango na lamang ako sa sinabi nya at saka ngumiti ng matamis para mapanatag ang loob nya. Mabilis rin naman syang naglaho kasabay ng pagkawala ng barrier na pumapalibot sa buong Jordanian Desert.
“ Master, kailangan na po nating umalis. Countless of gifted humans are heading this way. ”
Banggit kaagad sa akin ni Sabrina – isa sa mga lumang miyembro ng Alethoria. Tumango naman kaagad ako sa sinabi nya at tinawag ang lahat.
“ Colossal Teleportation. ”
Third Persons Point of View ~
Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya’t walang sinayang na oras si Ava at kaagad na sinundan ang mga paru – parong nasa harapan nya lang. May ideya na naman sya kung saan ito papunta ngunit hinayaan nya na lamang ang kanyang sarili na sundan ito kahit pa may kalayuan ang agwat nila. Hindi na rin sya mag – aaksaya pa ng oras na buhayin ito lalo pa at marami namang miyembro ang Eabha na maaari nyang magamit upang matunton ang kuta nito at mapatay si Heinlien Dela Cuesta na syang kanyang pinupunterya.
Napapailing na nga lang din sya dami ng mga nilalang na nakakasalubong nya upang puntahan ang lugar kung saan sya nanggaling kanina. He turned his self into a smoke kaya naman walang nakakapansin sa kanya. Sigurado na rin naman sya na wala na doon ang mga kasamahan nya kasama ang Lolo Simeon nya. Hindi naman sila magtatagal bilang isa sa pinakamalalakas na guild noon kung walang utak ang mga kasamahan nya kaya tiwala sya sa mga ito.
Hindi na rin sya nakakaramdam pa ng kahit na anong kalungkutan dahil may bahagi sa kanya na hindi naniniwala na patay na talaga ang mga kasamahan nya. Alam nyang may mali sa mga katawan na nakuha nila mula sa kanyang guro kaya’t isa pa iyon sa kanyang mga aalamin oras na muli nya itong mahawakan.
***
Hindi nga nagtagal at nakabalik na sila sa grounds ng School of Supernaturals. He’s not dumb para magpakita pa kaya naman pinanatili nya ang kanyang anyo hanggang sa bumalik ang totoong anyo ng kanyang guro na ngayon ay nasa likod ng pinakamalaking puno sa gitna ng grounds.
Naging maingat rin sya sa pagmamasid rito dahil ramdam nya ang ilang bulto ng tao na papalapit sa kinaroroonan ng kanyang guro. Wala ring mga estudyante sa labas ngayon ng grounds kaya naman hindi na kataka – taka na magagawa ng mga miyembro ng Eabha na magpakita ng malaya sa lugar na ito. Mukhang ginamit ng mga ito ang ginawa nyang pagpapakawala ng kanyang pambihirang lakas para ma – divert ang atensyon ng lahat.
Bumungad sa kanya ang tatlong nilalang na nakasuot ng mga cloak dahilan para hindi nya makita ang mga mukha ng mga ito. Napapalatak pa sya sa kanyang isipan at mabilis na pumasok sa loob ng katawan ng kanyang guro. Hindi dapat sya maisahan ng mga ito. Dagdag pa na dapat ay manatiling sikreto ang lakas na mayroon sya.
“ Clavory, anong nangyari sa misyon mo? Bakit ganyan ang itsura mo? ”
Ang nagsalita sa tatlong nilalang na iyon ay ang nasa gitna nila na may malalim na boses. Para itong hinukay sa ilalim ng lupa, tanda na ang nilalang na iyon ay nasa kanyang edad 50 and above.
Kaagad naman nyang pinigilan ang paghinga ng guro upang hindi ito makasagot dahilan para mas lalong lumapit ang mga nilalang na hindi nya makilala dahil sa mga cloak na suot nito. Ngunit may isa syang namukhaan sa tatlong iyon ng lapitan ng mga ito ang guro nya na ngayon ay wala nang buhay.
Vincent Orlais – the Student Council President of the School of Supernaturals. Nagulat pa sya dahil doon. Hindi nya inaakala na ang sikat na student body ng paaralan ay kabilang pala sa mga nilalang na sisingilin nya pagdating ng panahon.
“ You are one of them. This will be fun. ”
Saad naman ni Ava sa kanyang isipan. Hindi na rin sya nagtagal pa roon at bumalik na sa kanilang dormitoryo. Wala na rin naman kasing makukuhang sagot ang mga nilalang na iyon sa kanyang guro dahil bukod sa wala na itong buhay ay ginawa nya itong abo upang hindi na magawa pang buhaying muli.
“ Hindi ko man nalaman ang katotohanan sa likod ng lahat ng mga nangyari sa kasamahan ko ay hindi pa rin ako nabigo na makakuha ng impormasyon para matuklasan ang kuta ng mga demonyo. ”
End of Chapter 31
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!