Chapter 16

81 5 0
                                    

Chapter 16

Cymon Ezequiel Ferrer ~

Bigla akong napabangon ng wala sa oras. Kilalang – kilala ko kung kaninong enerhiya nanggagaling iyon. Ang tanong lang ay kung anong meron at gumagamit sya ng ganoon kalakas na enerhiya?

Tok ~ Tok ~

Mabilis kong tinalon ang kama ko at kaagad na binuksan ang pintuan. Unang bumungad sa akin ang mukha ni Ava saka sumunod ang iba pa. Seryoso ang mukha nito kaya naman alam kong may kakaiba ngayong nangyayari.

“ Red Alert! ”

0_0

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nya iyong sinabi. In an instant, wala kaming pag – aalinlangang inilabas ang kalahati ng aming mga kapangyarihan. Muli rin naming isinuot ang aming mga maskara upang hindi kami makilala.

Trivia para sa inyo. May apat kaming alert na tinatawag. Tanging si Ava lamang ang may kakayahang makapagbigay utos nito dahil sa kanya namin iniaalay ang buhay hanggang kamatayan. Una ay ang Yellow Alert – ang 25% ng kapangyarihan namin, ikalawa ang Red Alert – 50% ng kapangyarihan namin, kasama na rito ang pagsusuot ng mga maskara na dinisenyo para lang sa amin ni Lolo Antique. Hindi iyon basta – bastang natatanggal dahil may spell iyon na si Lolo Antique lamang ang may alam. Ikatlo ang Black Alert – ang 75% ng kapangyarihan namin, minsan na namin iyong nasubukan ng tumakas kami mula sa gobyerno habang tinutulungan kami ni Ava na makalaya. Ayoko nang makita pa ang aming kalagayan sa ganoong itsura dahil kalahati ng paggamit namin doon ay ang ibang katauhan na ng kapangyarihan namin ang sasakop sa katawan na pagmamay – ari namin. Samantalang ang panghuli naman ay ang Demon Alert – 100% ng kapangyarihan namin ang ginagamit dito. Tanging si Ava lamang ang may kakayahang makagamit noon dahil sya lang ang nakakagalaw ng maayos habang ginagamit na ang lahat ng kapangyarihan na meron sya. Kami kasi ay nawawala sa sarili at ang mismong enerhiya na ang kumokontrol sa amin.

“ Ano bang nangyayari? ”

Tanong ko kay Agatha ng pumasok kami sa isang portal. Hindi ito sumagot bagkus ay hinatak ako nito papalapit sa kanya. And in a blink of an eye, bigla kaming sumulpot sa gitna ng labanan kung saan kita ko mula sa gilid ng mga mata ko ang hinihingal na si Sapphire.

Shit.

Third Person’s Point of View ~

Napabangon sa kani – kanilang mga higaan ang lahat ng estudyante ng School of Supernatural dahil sa pambihirang mga kapangyarihan na bigla na lang sumulpot sa malapit. Sunod – sunod na rin ang mga pagsabog kaya naman wala silang sinayang na oras at pumunta sa lugar kung saan iyon matatagpuan. Kasunod ng mga ito ang lahat ng mga guro na naroroon pa sa eskwelahan sa kalagitnaan ng gabi pati na ang council.

Hindi pa sila nakakalapit ng tuluyan ay bigla na lang may bumagsak ng bulalakaw sa mismong harapan ng mga nangungunang estudyante. Muntikan pa silang matamaan nito, mabuti na lang at nagawa iyong sirain ng mabilisan ng isang guro.

“ What the hell is happening here? ”

Tanong ng isang guro. Kita mula sa kinalalagyan nila ang pakikipagpalitan ng atake ni Ms. Clavory sa isa sa mga nilalang na nakamaskara. Duguan na ang balikat nito ngunit nakakayanan pa naman nitong makipagpalitan ng atake. Samantalang ang mga nilalang na nakamaskara naman ay wala man lang kasugat – sugat sa kahit na anong parte ng katawan. Mukhang wala rin silang mga kapaguran.

“ They need a help! Sasama ako sa laban! ”

Biglang sabi ng isang guro. Hindi pa ito nakakapunta sa labanan ng bigla syang pigilan ng isa sa miyembro ng council.

“ Don’t! Those masked humans are overpowered! We are not capable to defeat them! You’ll just waste your life! ”

Saad nito. Nanlumo naman ang mga estudyante roon. Natatakot sila na baka ang mga nakamaskarang iyon na ang kalabang tinutukoy sa mga librong nakalagay sa library ng paaralan na darating ng biglaan.

“ But – ”

Hindi na nito naituloy ang dapat na sasabihin. Isang nilalang ang mabilis na bumulusok papunta sa kanila.

“ Lumayo kayong lahat! ”

Blaze Eziken Dela Cuesta ~

Nasa dulo lang kami ng kaguluhan nakapwesto. Hindi sa ayaw naming tumulong, sadyang mas gusto lang namin ngayon ang manood lalo pa at kabilib – bilib naman talaga ang lakas ng mga kalaban nina Ms. Clavory. Nga pala, nakabawi na ng lakas ang mga kaibigan ko, mga miyembro ko. Kaya humanda talaga yang mga kagrupo ni Ava. Huwag ko lang talaga silang makikita.

“ Lumayo kayong lahat! ”

Napabalik ako sa ulirat ng magkagulo ang mga nasa harapan namin at mabilis na umatras. Mabuti na lang at nakataas kaagad kami kaya naman hindi nila kami natamaan.

Boogsh ~

Napalibutan ang lahat ng mga estudyante na nasa ibaba ng alikabok. Akala ko pa ay tapos na iyon ngunit nagsunod – sunod pa ang pagbagsak ng mga nilalang na nasa itaas. Kasunod nito ang mga nilalang na nakamaskara at walang emosyong nakatingin sa grupo nina Ms. Clavory.

Ilang minuto lang rin ang itinagal ng alikabok na iyon at tuluyan nang nawala. Bumulaga sa iba ang mga nanghihinang katawan ng mga kasamahan nina Ms. Clavory. Duguan rin ang mga ito. Ngayon ko nga lang din napansin na si Shanaiah pala ang isa doon. Dumudugo ang ulo nito kaya naman napalibutan na pati ang kanyang mukha. Si Ms. Clavory naman ay napuruhan sa katawan. Si Vincent naman ang isa. The only jerk in this school for having a great position. Pinipilit nyang makatayo ngunit hindi nya magawa. Mukhang napuruhan naman ang internal nya. Ang isa pa ay hindi namin mamukhaan dahil nakatakip ang mukha nito.

“ Just give up. Hindi nyo kami kayang talunin. ”

Malalim ang boses ng nilalang na nakakulay asul ang maskara. Ngunit tunog babae pa rin ito. Their power is overwhelming na kahit ako ay kinikilabutan sa kaya nilang gawin.

“ Good Evening Students of Supernatural! The Headmaster is coming. ”

0_0

Napalaki ang mga mata ko sa anunsyo na lumabas sa mga speaker na nakapalibot sa buong paaralan. Bihira lamang magpakita ang Headmaster, kahit ako ay hindi pa ito nakikita o nakikilala man lang.

“ Good evening students of School of Supernaturals! ”

End of Chapter 16
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now