Chapter 2
Blaze Eziken Dela Cuesta ~
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Ngayon na lang din kasi pumasok sa isipan ko ang katotohanang nilampaso kami sa isang iglap ng mga ordinaryong bata. Fuck.
Wala na rin ang sugat ko na dulot ng batang lalaki na iyon. Sisiguraduhin ko na pupuruhan ko sya oras na makabawi ako sa kanya. Tang – ina.
“ Captain! Let’s go. We still have 30 minutes left before the classes start. ”
Tumango na lamang ako sa sinabi ni Jero. Katulad ko ay seryoso ang mukha nito. Sa tagal ng pagsasama namin, napag – aralan na namin ang bawat isa kaya’t alam kong parehas kami ng iniisip ngayon. Ang makaganti sa mga batang iyon.
“ Meeting at the South Bridge after classes. Clear? ”
Saad ko pa bago sila tuluyang makalabas ng headquarters. Nagtanguan na lang din naman sila at sabay – sabay ng lumabas. Kinuha ko na rin naman ang gamit ko at sumunod sa kanila.
Masasabi kong magiging maganda ang taong ito para sa amin. A lot better than the last year’s events.
Hindi kasi tulad ng mga nakaraang taon, halos lahat ng lumalaban sa grupo namin ay namamatay o di kaya’y lumilipat ng paaralan. And yes, we are the masterminds. Kaya after ng ilan pang balita about sa grupo namin sa mga nagdaang taon ay wala nang nangahas pang kalabanin kami. Ngayon na lang ulit ito nangyari sa amin kaya’t paniguradong magbabatak na namin kami ng mga buto. Well, good for those kids. Makikita kaagad nila si kamatayan.
Napaisip tuloy ako kung freshmen pa ba ang mga batang iyon? Nakakapagtaka kasi na hindi nila kilala ang aming grupo? Most of the students kasi na nag – aaral dito ay nagba – background check sa lahat ng mga estudyanteng nag – aaral dito upang malaman nila kung sino – sino ba sa mga naglalagi dito ang dapat mong iwasan at wag banggain. As all we know, this is the School of Supernatural kaya naman lahat ng naririto upang mag – aaral ay kakaiba at karamihan sa kanila kabilang kami ay delikado upang banggain. Because in this school, killing is not prohibited. Wag ka lang magpapahuli dahil paniguradong sa council ang bagsak mo.
“ Captain! Captain! ”
Nawala ako sa aking ginagawang pag – iisip ng tapikin ako ni Axis sa balikat. They are all looking at me in a weird way. Napakunot tuloy ako ng noo dahil doon.
“ Bakit? ”
Natanong ko na lang.
“ Mabubunggo ka na, hindi mo pa alam! Ghad, Blaze! We know that you are totally fine dahil sa mga gamot na ininom mo kanina sa loob ng headquarters. At mas lalong alam namin na nakabawi ka na ng lakas dahil nakakapaglakad ka na nga ng mag – isa eh. Then why are you spacing out? ”
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Vhiro. Isa sya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ng lubos at tanging sya lang ang may kakayahang makapagpangiti sa buong grupo. May pagkatahimik man ang kumag na yan pero pag lumabas naman ang sungay, dinaig pa ako sa pagiging sadista. May pagka – bipolar din ito, at mas mataray pa kaysa Qquia at Avira.
“ Ikaw na ikaw ang datingan. Vhiro na hindi ma – Vhiro. ”
Nang – aasar kong sagot dito. Napangiti naman sina Axis at Jero habang napapailing na naka – smirk sa akin sina Qquia at Avira. Ngayon na lang ulit kasi ako nagloko sa harapan nila. Kahit pa mainit ang ulo ko’y hindi ko tuloy mapigilan ang maging chill. Tsk.
“ Bastard. Umayos ka nga. Tsk! ”
Sagot nito sa akin habang umiiling at nakangiti. Napatawa na lang tuloy ako ng dahil sa gesture nito.
“ Let's go! Baka umiyak pa sina Qquia at Avira. Magmukha na namang mga panda pag nahulas ang mga make – up nila. ”
Nang – aasar na pahayag ni Jero at mabilis na tumakbo. Mabilis ring nakabawi ang dalawa at sumunod sa huli. Nagsisisigaw ang mga ito habang minumura si Jero ng paulit – ulit. Kahit kailan talaga ang isang yun.
Nagkatinginan na lang kaming mga naiwan at sumunod sa mga iyon. Nabawasan kahit papano ang init ng ulo ko. Thanks to them. Tsk.
Drake Dmitri Buenaventura ~
Nagulat na lang kaming lahat ng mga kaibigan ko ng pumasok sa klase ang grupo ng mga naka – away namin kanina. Hindi namin inaakala na magkasing year level lang pala kaming lahat. Fuck. Hindi ito maganda lalo na at mainit pa rin ang ulo ni Ava. Mabuti na nga lang din at wala pa ito. Kung magkataon ay paniguradong wala pa sa isang segundo at pulbos na ang buong silid na ito.
Sinenyasan ko na lang silang yumuko at wag nang pansinin pa ang pagpasok ng mga ito sa klase. Pero kung minamalas ka nga naman at sa likod pa talaga namin sila pumwesto. Fucking shit.
“ Do you really think that you can escape from us that easily? Huh? Hindi namin papalagpasin ang ginawa nyong pamamahiya sa amin kanina. So better be prepared for a war you’ve started. ”
Saad ng lalaking nakapwesto sa likuran ko. Napatingin din sa kanya maging ang tulog na si Apollo. Holy fuck.
“ Shut up! Nakikita mong natutulog ako di ba? Bastos ka rin eh. ”
0_0
What the actual fuck! Mukhang hindi na talaga magiging matahimik ang buong taon na pamamalagi namin dito. Shit.
“ Drake. Drake. ”
Napatingin ako kay Agatha ng paulit – ulit na banggitin nito ang pangalan ko. She's observing the whole place like it was some sort of a battlefield. Napakunot tuloy ako ng noo dahil sa ginagawa nya.
“ Ava. Ava. ”
0_0
Napanganga na lang kami ng bigla na lang mawala sa aming paningin si Agatha. Kung kailan ka nga naman minamalas oh? Bakit pa ngayon nya nagamit ang Teleportation Premonition na nya? Shit!
Nakakuha na rin kami ng atensyon dahil dito. Alam ko naman na marami nang mga mata ang kanina pang nagmamasid sa amin. Pero dahil sa pagkawala ni Agatha at paggamit nya ng kanyang kapangyarihan ay paniguradong magiging laman na kami ng balita kinabukasan sa buong campus. Shit.
“ Demon of Dimensions! I summon you – Mortrivia! ”
0_0
Mas lalo lamang akong napanganga ng bigla na lang mag – summon si Cymon ng isang demon creature dahilan upang masira ang buong silid. Kanya – kanya naman ang iba sa paggawa ng barrier upang hindi matamaan ng kahit na anong debris mula sa itaas na palapag. Fuck! Alam ba nilang lahat ng ginagawa nila ay penalty ang katumbas? Gusto talaga nilang matanggal sa paaralang to eh! Bwisit!
“ Pasok na! Ano pang hinihintay mo dyan? Ang mamatay si Ava? ”
Isinawalang – bahala ko na lamang ang magiging resulta ng mga ginagawa namin sa ngayon at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng dimension na gawa ng kanyang summoned creature.
Nagulat pa ako ng humabol sa amin ang mga nakaaway namin kanina dahilan upang makapasok kaming lahat sa dimensyong iyon. Magtatanong pa lang sana ako sa kanila kung bakit sila sumunod sa amin ng bigla na lang magsalita ang babaeng nasa harapan ko.
“ We’ll just watch how your leader sucks. ”
Avalche Berg Dolo Fuerto ~
Napahinga na lamang ako ng hininga upang makabawi sa bawat pag – iwas ko sa pag – atake ng halimaw na ito. He’s too fast and it’s fucking annoying. Shit.
“ Focus. It is your key for you to defend yourself on us. ”
0_0
Sa pagkakataong ito ay hindi ako kaagad nakaiwas. Ramdam ko pa ang pagbaon ng kanyang sandata sa aking tagiliran ng makabawi ako. Fuck.
“ Run as much as you can. Because no matter what you do, you’ll never escape – ”
“ Torrent of Lightning! ”
Mabilis na napabaling ang tingin ko sa likuran ng mga halimaw na to. It was Agatha who’s right in time. I thought I’d lost with these fucktards. Swerte lang sila dahil pinipigilan ko pa ang sarili ko na gamitin ang totoo kong lakas. Hindi rin naman ako pwedeng magpadalos – dalos lalo pa at nandito kami para sa isang misyon.
“ Ava! Kaya mo pa bang kumilos? ”
Tanong nya ng makalapit sa akin matapos mapalayo ang mga halimaw na syang nakapalibot sa akin kanina. Tumango naman ako dito at itinuon ang kakaunting lakas sa dalawa kong kamay. This will be enough for this shits to vanish.
Napabitaw pa sya sa akin ng maramdaman nya ang nag – uumapaw na kapangyarihan ko na dumadaloy ngayon at nagko – concentrate sa aking mga kamay. Nakuha naman nya kaagad ang ibig sabihin ng bagay na iyon at mabilis na kumilos.
“ Space Dimension! ”
“ Xerophilous! ”
Boogsh ~
Sakto lamang sa paglabas ng aking kapangyarihan ang paggawa nya ng isang dimesyon upang hindi makapinsala sa buong campus. Iyon rin kasi ang iniingatan ko upang hindi kami mapansin ng mga may posisyon sa paaralang ito.
Kita ko pa mula sa kinalalagyan namin ang dahan – dahang pagtuyo ng mga katawan ng mga halimaw na yon o mas kilala sa katawagang Limire. Ngayon na lang ulit ako nakagamit ng ganoon kalakas na uri ng kapangyarihan kaya’t biglaan rin ang aking panghihina. Idagdag pa ang mga pinsala na aking nakuha mula sa pakikipagpalitan ng pag – atake at pag – iwas sa mga halimaw na yun. Mukha ring napasobra ang paggamit ko sa Spiritual Force ng aking katawan dahilan para mamanhid ang aking buong katawan. Pumikit na lamang ako at hinintay na maramdaman ang pagbagsak ng aking katawan sa lupa. Ngunit iba ang aking binagsakan. Pares iyon ng mga brasong naka – alalay sa akin ngayon. Ngumiti na lamang ako dito dahil alam kong isa iyon sa mga kaibigan ko. Wala na rin akong lakas pa para alamin kung sino iyon kaya’t hinayaan ko na lamang ang aking sarili na lamunin ng kadiliman at tuluyang mawalan ng malay.
Blaze Eziken Dela Cuesta ~
Sakto lamang ang aming pagdating sa gitna ng labanan. Kita ko pa ang paghihirap ng lalaking iyon na ngayon ay naglalabas ng pambihirang lakas at kapangyarihan sa kanyang katawan. Napatingin rin ako sa babaeng tinatawag nilang Agatha ang syang mabilis na gumawa ng isang Space Dimension at bumalot sa buong paligid. Kasunod niyon ang pagpapakawala ng lalaking iyon ng kanyang inipong lakas at buong pwersang ibinuhos sa mga halimaw na iyon.
Pare – pareho kaming natigilan ng mga kasamahan ko dahil sa lakas ng pwersang iyon. Natigilan pa ako ng kaunti dahil dito. Hindi biro ang lakas ng pwersang iyon, kung sa ibang pagkakataon na iyon ang ginamit nya habang nakikipaglaban sa akin ay paniguradong malaking pinsala ang magagawa noon sa akin.
“ Blaze! ”
Napatingin ako kay Axis ng tawagin nito ang pangalan ko. Nakaturo ito sa isang direksyon dahilan upang mapatingin ako roon. Doon ko na napansin ang lalaking iyon na unti – unti nang nanghihina sa paggamit ng sobrang lakas na kapangyarihan.
Wala akong sinayang na oras at kaagad itong dinaluhan. Sakto lang naman ako sa oras dahil nagawa ko pa itong masalo at makulong sa aking mga bisig. Hindi na rin ako tumanga pa at walang sabi – sabing tinakbo ito papunta sa pinakamalapit na infirmary sa campus.
“ Don’t think to pull a string to get with us right now. I’m telling you, we’ll don’t think twice to fought to death just to save him. ”
Hindi na lamang ako sumagot sa sinabi ng lalaking kasunod ko. Sya yung lalaking natutulog kanina at sinagot ng pabalang si Jero.
“ FYI, we don’t play dirty games. Malinis kaming makipaglaban. ”
Pagsagot naman ni Qquia sa lalaki. Napailing na lamang ako ng dahil doon. Mabuti na nga lang din at ako ang nangunguna sa amin sa pagtakbo para dalhin ang lalaking ito sa infirmary. Malapit na rin naman kami kaya’t alam kong titigil na sila sa pagtatalo sa aking likuran.
Mukhang hindi na rin naman kami makaka – attend pa sa iba naming klase maghapon kaya’t susulitin ko na kasama ang lalaking ito.
End of Chapter 2
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!