Chapter 20

80 4 0
                                    

Chapter 20

Sapphire Amethyst Marvelo ~

Pagkatapos ng klase ay bigla na lang nawala si Ava. Alam na rin naman namin kung saan sya papunta kaya hindi na namin kailangang maghanap kung nasaan sya. Kaya na nya yun. Isa pa, sya rin naman ang nagpumilit na makipagkita sa lalaking yun. Kaya wala na kaming magagawa pa kung hindi ang suportahan na lang sya sa mga desisyon nya.

Napaisip rin ako kung kaano – ano nga ng lalaking yun ang Heinlien Dela Cuesta na syang pumatay sa mga magulang ni Ava. Kung magkataon man na kamag – anak nga ng lalaking yun ang nilalang na yun ay paniguradong malaking gulo ito. Hindi lang para sa kanya, pati na rin sa amin.

Dumiretso kami sa cafeteria ng paaralan. Wala pa rin naman kasi kaming kain kaninang umaga. Bahala na si Ava kung magutom man sya. Pinapasakit nya lang ulo namin. Tsk.

“ Nga pala Sapphire, nakalimutan kong linawin ang nakwento mo samin kagabi. ”

Napatingin ako kay Cymon dahil sa sinabi nya. Napataas rin ako ng kilay dahil kahit ako ay naguluhan. Ipinaliwanag ko na rin naman kasi kagabi ng maayos ang lahat kaya naman ano pang kailangan nyang malaman. Hindi ba nya na – gets?

“ Ano ba yun? ”

Tanong ko na lang.

“ Kung ang sinasabi mong impormasyon ay tungkol sa Moonlight Fighting na yun pati na ang kinalaman nito sa Bloody Moon, eh ano namang connect nun sa Great Maze? Is there something inside that maze? What do you think? ”

Napatigil ako sa sinabi nya. Ramdam ko rin ang biglaang pagtigil ng iba, mabuti na lang at nasa dulo kami kaya naman wala sa aming masyadong makakarinig.

“ I’ll volunteer for this matter. ”

Napatingin naman kaming lahat kay Apollo ng bigla syang magsalita at magtaas pa ng kamay.

At kailan pa sya nagkaroon ng interest sa pag – iimbistiga sa isang bagay? Eh tuwing bakbakan lang lumalabas ng lungga ang isang to or else, mismong si Ava na ang nag – utos sa kanya. Something is quite wrong.

“ Don’t give me that kind of damn look. Isa pa, iba ang pakiramdam ko sa lugar na iyon unang beses ko pa lang na makaapak doon. Parang may tumatawag sa akin upang puntahan ang pinakapuso nito kaya naman naisip ko na bakit hindi ko gamitin ang pagkakataong ito upang puntahan iyon. ”

Paliwanag nito. Nagkibit – balikat na lamang ako sa sinabi nya. Ayoko nang mang – okray dahil feeling ko ay seryoso sya tungkol dito. Minsan lang naman sya maging ganito kaya dapat pinagbibigyan.

“ Ikaw ang bahala. Nasasayo naman yan. Just don’t get caught. Mahirap nang mapunta satin ang mga mata ng nakakataas ng eskwelahang ito. Ngayon pa na unti – unti nang nagiging malinaw kay Ava ang lahat. We don’t want any complication. ”

Sumang – ayon naman kami sa sinabi Agatha. Mukhang nagpapahinga ang kapatid nya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay ito palagi ang gumagamit sa katawan nya kaya naman paniguradong pagod yun.

“ Kumain na nga muna tayo! Gutom na talaga ako eh! ”

Napailing na lang kami kay Drake. Ang takaw. Tsk.

Axis Flareon Guerrero ~

Napailing na lang ako ng mapansing nawala na pala sa paningin namin si Blaze. Kahit kailan talaga ang isang yun. Wala nang dala. Sya na nga ang inaalala namin dahil baka mangyari na naman ang mga hindi dapat mangyari pero ang nagmatigas pa rin ang loko. Tsk.

“ Wag ka nang sumimangot dyan. Ang mabuti pa, kumain na lang muna tayo. Masyado nyong ini – stress ang sarili nyo kay Blaze eh matigas naman ang ulo ng isang yun noon pa. Hayaan na natin sya, malaki na sya. Kaya na nya yan. ”

Napatango na lang ako sa sinabi ni Avira. Wala rin kasi kaming kinain kaninang umaga. Ramdam ko na rin ang pagkulo ng tyan ko kaya naman alam kong pagkain na ang isinisigaw nito.

“ Mabuti pa! Gutom na rin ako eh! ”

Sumunod na lang kami kay Avira na patungo sa cafeteria. Hindi naman kasi kami kalayuan sa cafeteria kaya naman mabilis lang talaga kaming makakarating dito.

Ilan pang liko ang ginawa namin upang makarating sa bungad ng cafeteria. Nang tumapat naman kami rito ay saka naman napatigil sa paglalakad si Avira. Napakunot – noo pa kami dahil naging malayo ang tingin nito na wari mo ay may nakitang hindi kaaya – aya.

Sinundan namin ang tingin nya dahil doon. At boom, totoo ngang hindi kaaya – aya. Paano? Nakita lang naman namin ang grupo ni Ava na nakaupo sa mismong pwesto namin.

Take Note: Nagtatawanan pa sila na akala mo sa kanila yung cafeteria sa lakas ng mga boses nila.

Wala akong sinayang na oras at mabilis na pumunta sa kanila. Napatigil pa ang ilan ng makita ako pati na ang iba na nasa likuran ko. Hindi ko naman iyon pinansin at dire – diretso lang sa paglakad.

“ Hindi naman halatang sayang – saya kayo eh no? ”

Naiirita kong bungad ng makalapit sa kanila.

“ Speaking of the devil. ”

Napatingin naman ako kay Agatha dahil sa sinabi nya. Speaking of the devil pala ah?

“ Devil pala ah? ”

Asar kong tanong dito saka yumuko sa lamesa nilang punong – puno ng pagkain. Nang makakuha ng ilan ay saka ko iyon itinapon sa kanila ng biglaan.

“ What the fuck! ”

Napangiti na lang ako. Speaking of the devil pala ah? Tsk.

“ Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Gusto mo yatang bumalik ulit sa infirmary eh! ”

Bulyaw sa akin ni Agatha. Silang lahat ay nakatayo habang pinapagpagan ang damit nilang natapunan ng pagkain. Wala naman akong ginawa kung hindi ang manuod lang habang nakangising parang baliw. Tama lang sa kanila yan. Sa dami ba naman ng ginawa nila sa amin, kulang pa yan para dun.

At sinong babalik sa infirmary? Walang babalik doon sa grupo namin dahil babawi kami sa ginawa nyong pamamahiya sa amin. Maghintay lang kayo.

“ Let’s see kung hanggang saan ang kaya ng kayabangan mo. ”

0_0

Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng bigla na lang akong lamunin ng isang liwanag kasabay ng isang pares ng mga kamay na syang mahigpit na nakahawak ngayon sa aking braso. Hindi rin naman nagtagal ang liwanag na iyon kaya’t nalaman ko na kung sino ang may hawak sa akin – si Drake.

Seryoso ang mukha nito na syang nakapagpakabog sa dibdib ko. Hindi ko lang mawari kung dahil ba ito sa takot at pangamba ko o sa iba pang kadahilanan.

“ Mayabang ka kanina, hindi ba? Patunayan mo sakin ngayon. ”

End of Chapter 20
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now