Chapter 14
Blaze Eziken Dela Cuesta ~
Dalawang araw simula ng matapos ang screening na iyon ay nawala na sa amin ang titulo bilang top group. Ang grupo na ngayon nina Ava ang tinitingala ng lahat, higit pa roon ay binibigyan sila ng special treatment dahil doon. Tumawag na rin sa akin sina Mom and Dad, they were so disappointed at me the second time. Kaya daw hindi nila ako hinahayaang makapunta at sumama sa guild sa States ay dahil dito. I’m too weak pa daw para sumama doon. Fucking reasons.
Bumabalik na rin naman kahit papaano ang lakas nina Axis, Jero, Avira at Qquia. Iyon na lang muna ang mahalaga, ang makabawi sila mula sa labanang nangyari. Saka na ako gagawa ng mga hakbang kung paano kami makakaganti sa kanila. Hindi ko ito papalampasin lalo pa at naging katatawanan kami sa karamihan ng mga naroroon nung araw na iyon. Shit talaga.
“ Hindi naman halatang gustong – gusto mo nang buksan yang in can drink mo no? Wagas ka magbukas eh! ”
Hindi ko na lang pinansin ang pang – aasar ni Vhiro. Baka hindi ko sya matantya at sya ang ihagis ko papalayo. Tinapon ko na lang ang lata ng fresh juice na sana ay iinumin ko. Yun nga lang at nanggigigil na naman kasi ako kaya naman hindi ko na napigilan yung sarili ko na pipiin yung lata.
“ Wag ka nang mainis. Ang mahalaga ngayon na pagtuunan natin ng pansin ay ang kalagayan nung apat, kahit na sabihing nakakakain na sila ng maayos at nakakatayo o nakakagalaw ay hindi mo pa rin maitatangging hinang – hina pa rin sila. Kaya kung ako sayo Blaze, sila ang pagpokusan mo. ”
Tumango na lang ako sa sinabi nya kahit labag iyon sa loob ko. Nangangati na kasi ang mga kamay ko na gumanti kina Ava. Kung noong una ay napipigilan ko pa, ngayon ay hindi na. Ibang usapan na pag mga kaibigan ko na ang napahamak.
“ SIkaw na munang magbantay sa kanila, magba – banyo lang ako. ”
Paalam ko rito. Tumango na lang naman ito at pumasok na sa loob ng kwarto kung saan nagpapahinga ang mga kaibigan namin. Nga pala, malayo ang Hospital Building ng School of Supernaturals sa Dormitory Building kaya naman may kwarto rin kaming inokupahan dito upang doon makapagpahinga. Nami – miss ko na tuloy yung luto ni Mrs. Henderson. Ilang linggo na rin pala akong hindi umuuwi. Tsk.
Bumaba na lang ako sa ikalawang palapag, nasa ikapito kasi kami. Di hamak kasing mas maganda ang banyo dito kaysa sa itaas. Nag – elevator na lang ako upang makababa. Kalagitnaan na rin ng gabi kaya naman wala nang masyadong tao sa mga oras na ito.
Ilang sandali pa ng makarating ako sa tapat ng banyo. Napatigil pa ako sa labas nito ng maramdaman ko ang enerhiyang nagmumula sa loob. Hindi ako pwedeng magkamali, ang enerhiyang iyon ay galing kay Ava.
Mabilis kong binuksan ang pintuan to find out na nagbibihis pala ang taong iniisip kong may – ari ng enerhiyang iyon. Bigla itong napatingin sa akin habang nanlalaki ang mga mata at mabilisang tinakpan ang kabuuan nya. Napangisi na lang ako dahil doon.
“ I haven’t seen it at all but you have a great body. Nalungkot tuloy akong bigla na pinalagpas ko ang pagkakataon na gusto mong magparaya sakin. I wish I could turn back the time. ”
Nasabi ko na lang. It true na nagsisisi akong pinalagpas ko ang pagkakataong iyon. Hindi rin kasi maitatangging maganda talaga ang katawan nya. Lahat ng taba na mayroon sya ay tamang – tama sa pinaglalagyan nito.
Kita ko pa ang pagpula ng pisngi nito kasabay ng pagkagat nya ng kanyang ibabang labi at napayuko. Napangiti na lang ako sa sarili ko ng pumasok sa isipan ko kanina ang senaryo kung saan inis na inis ako sa kanya. Pero ngayon na nakikita ko syang ganito, parang nawalang bigla ang inis na iyon. Fuck.
“ It’s your loss not mine. ”
Napabalik tuloy ako sa aking sarili ng muli syang magsalita. Seryoso na ngayon ang mukha nya at matalim na ang mga pagtitig nyang ipinupukol sa akin. Ramdam ko na rin ang nag – uumapaw na lakas na mayroon sya dahilan upang magtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. He’s really powerful, that’s a freaking fact.
“ Are you sure that it’s really my loss? ”
Balik ko namang sagot sa kanya. Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at lumapit sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Hindi ko na lang pinahalata dahil ayokong isipin nyang natatakot ako sa kanya.
“ It is. ”
Sagot nya ng makalapit sa akin. Kinagat nya ring muli ang ibabang bahagi ng labi nya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. It seems like he’s scanning me thoroughly which gives me the chills all over my body.
Nanginig rin ng kaunti ang aking mga kalamnan ng bigla na lang nyang hawakan ang baba ko saka iginaya ang ulo ko upang maitapat sa mismong mukha nya. He’s seducing me, that’s for sure.
“ Till we see each other again. ”
Napapikit na lamang ako ng magliwanag ang buong paligid. Nawala na rin ang aura nya sa paligid kaya’t alam kong wala na sya sa lugar na ito. Dahan – dahan pa akong nagmulat dahil pakiramdam ko ay bigla na lang umikot ang aking paningin.
“ Ano bang nangyayari sakin? He’s right in front me a while ago pero hinayaan ko lang syang makatakas. Shit. ”
Mabilis akong pumunta sa sink upang maghilamos. Kailangan kong alisin ang mga nararamdaman kong ito. Hindi ako pwedeng bumagsak ng basta – basta na lang. Marami na akong naisakripisyo para marating ko kung nasaan man ako ngayon. Hindi ko hahayaang masayang lang ang lahat ng iyon lalo na at ayokong ma – disappoint sa akin ang mga kaibigan ko. Sila na lang ang sumusuporta sa mga desisyon ko kaya’t hindi ko hahayaang mawala lang ang mga pinaghirapan nila ng dahil lamang sa akin.
“ Ito na ang huli. ”
End of Chapter 14
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!