Chapter 26

45 3 0
                                    

Chapter 26

Avalche Berg Dolo Fuerto ~

Ilang araw simula ng magkaroon ako ng malay mula sa aking pagkakasakit ay nawalan na ako ng balita pa tungkol sa mga kaibigan ko. Kahit ang guild ay hindi ko na ma – contact pa kaya’t nitong mga nakaraang gabi ay hirap akong makatulog. Kinakabahan na rin ako dahil alam kong tumitindi na ang laban sa pagitan ng mga guild sa labas at loob ng bansa. Kung hindi lang sana ako nagkasakit ay paniguradong ako ang babalik sa guild upang ayusin kung ano mang kaguluhan ang mayroon doon. Tsk.

Blag ~

Mabilis kong itinago sa aking likuran ang kutsilyo na nasa ilalim ng unan ko ng makarinig ako ng kalabog sa ibaba. Hindi naman ako nakakaramdam ng kahit na anong pangamba dahil mas nangingibabaw sa akin ang pagkamangha sa lakas ng loob ng sino man na mangloob sa amin ng ganitong oras.

Dahan – dahan akong bumaba upang hindi mapansin ng nilalang na ito ang pagbaba ko. Naghanda na rin ako sa gagawin kong pag – atake sa likuran nito upang malaman ang dahilan ng pagpasok nito sa loob ng aming kwartong tinutuluyan.

Patay ang ilaw kaya’t hindi ko masyadong mamukhaan ito. Ngunit kita ko naman ang ginagawa nito na parang may kung anong inaayos sa sofa sa sala. Lumapit pa ito sa pintuan at may kinapa doon.

0_0

Napalaki na lamang ang mga mata ko ng buksan nito ang ilaw dahilan upang makita ko ng malinaw kung sino ito pati na ang kanina nitong inaayos sa sofa na hindi mga bagay kung hindi mga tao.

“ Axis. ”

Pagtawag ko sa pangalan ng taong pumasok sa loob ng kwartong tinutuluyan namin. Lumingon naman ito sa akin. Kita ko pa ang pagbagsak ng mga luha nito kaya’t wala akong sinayang na oras at kaagad na lumapit sa kanya. Ramdam ko na rin ang pagtaas ng enerhiya sa loob ko dahil sa sinapit ng mga kaibigan ko. Kung sino man ang may gawa nito ay paniguradong didiretso sa impyerno. Fuck.

“ A – ava. ”

Mabilis ko syang naalalayan ng bigla itong manghina. Hindi naman ako natatakot para sa kalagayan ng mga kaibigan ko dahil ramdam ko ang normal na pagtibok ng puso nila. Magkaganoon man, kailangan pa rin nilang malapatan ng paunang lunas dahil ang iba sa kanila ay nawalan ng maraming dugo. Hindi ko naman sila maaaring dalhin sa infirmary dahil tatanungin kami doon. Fuck.

“ Anong nangyari sa kanila? ”

Tanong ko na lang dito matapos ko syang igaya papaupo.

“ I don’t know. Basta ko na lamang silang naabutan na ganyan sa kagubatan sa likod ng dormitoryo. Kung hindi ko pa naramdaman ang pamilyar na enerhiya ni Drake ay paniguradong hindi ko sila makikita. ”

That make’s sense now. Paniguradong ginamit ni Cymon ang lahat ng kanyang enerhiya para lamang makatakas silang lahat sa gitna ng labanan. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapakuyom ng mga kamay. Fuck.

“ Calm down. Ako nang bahala sa kanila. What you need to do is to get your friends to come here. ”

Seryoso kong banggit dito. Napatango naman kaagad ito at tumayo saka nag – teleport papunta sa kwarto nila. Nang masigurado kong wala na sya ay saka ako nag – materialize ng isang staff na kung tawagin ay Mariollene – ang Sacred Relic of Healing.

It was my secret from the very beginning. This is the last legacy my parents gave me kaya naman hangga’t maaari ay hindi ko inilalabas ang mga ito – what I mean are the Sacred Relics.

Pumikit na lamang ako at nag – concentrate. Nang makumpleto ko na ang sapat na enerhiya para sa kanilang lahat ay saka ko ito pinakawalan. Hindi rin naman nagtagal ang pagsara ng kanilang mga sugat at bumalik sa dati.

Paakyat na rin sana ako noon upang kumuha ng mga comforter ng bigla na lang bumukas ang pintuan ng tinutuluyan namin. Hindi na rin naman ako nagulat ng makita ang buong grupo ni Blaze na aligaga at nagpalingalinga sa paligid. Paniguradong kaya medyo natagalan sila ay nagpaliwanag pa si Axis para lamang sumama sila. Hindi naman kasi maitatangging may hidwaan sa pagitan namin kahit na masyadong nahahalata ng iba.

“ Mabuti naman at nakarating kayo. ”

Hindi ko na itinuloy pa ang pagkuha ko ng mga comforter sa itaas dahil mas mahalaga ngayon na makabalik ako sa guild. Kailangan kong malaman kung ano nang mga nangyari doon. Isa pa sa mga inaalala ko ay si Lolo Antique. Fuck those guilds.

“ Ava, okay ka lang ba? ”

Biglang lapit kaagad ni Blaze sa akin na syang ikinagulat ko at mahigpit akong niyakap. Hindi na lang ako nagpahalata na nagulat ako at pinanatiling poker ang aking mukha. Hindi naman ako nagsalita at gumanti dahil alam kong ginagawa nya ang lahat para punan ang kasalanan ng kanyang pamilya sa pamilya ko. Hindi sya ang sinisisi ko dahil doon. It was just my emotions that put those words to come out and threat him.

Pinigilan ko na lang ang hindi ngumiti dahil ayokong ipakita sa kanya na nagkakaroon na sya ng puwang sa puso ko. Fuck this feelings of mine.

“ I’m okay. ”

Sabi ko na lang. Lumayo na rin naman sya sa akin. Ngumiti pa ito sa akin ng matamis.

“ Hindi na lang ako magtataka kung isang araw, malalaman na lang namin na may namamagitan na sa inyo. ”

Sabay kaming napatingin kay Qquia dahil sa sinabi nito. At sa hindi malamang dahilan ay hindi kami nakapagsalita para tanggihan ang bagay na yun na naging sanhi para tumili si ng malakas si Avira habang ang mga lalaki naman nitong kaibigan ay napapangiti na lang.

This is so embarrassing.

“ O my gosh! I can’t believe that my ship will happen so early. ”

Sabi pa ni Avira at hinampas ng malakas si Jero sa braso na syang malapit rito.

“ Fuck! Ang sakit nun ah? ”

Daing naman ng huli dahil doon.

“ Okay na silang lahat? ”

Napalingon naman kaming lahat kay Axis ng magtanong ito sa akin atsaka lumapit sa kinaroroonan ni Drake na mahimbing na natutulog. Hinawakan pa nito ang mukha ng huli with admiration na syang kitang – kita naming lahat.

“ Another couple alert. ”

Napahinga na lamang ako ng dahil doon. I just hope that this things which are actually happening right now won’t kill us in the future. Hayst.

End of Chapter 26
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now