Chapter 30
Avalche Berg Dolo Fuerto ~
Wala akong maramdaman na kahit na anong awa para sa babaeng nasa harapan ko ngayon. All I know is that, she’s one of my enemies to be killed after I got much information I needed.
Tapos na ring ligpitin nina Lolo ang lahat ng kanyang mga kasamahan. It wasn’t much that long lalo pa at si Lolo ang tinutukoy ko rito. He won’t become the Guildmaster of Alethoria if he don’t have any tricks under his sleeves. Nakuha na rin nila ang mga katawan nina Kuya Disco at ng iba pa na ngayon ay syang inaayos nila upang bigyan ng maayos na libing.
“ It’s okay to not talk. We have our ways after all. ”
Saad ko sa guro ko na hindi na makakabalik pa sa eskwelahan after what will happen to her today. Hindi kasi ito sumasagot sa mga tanong ko tungkol sa kanilang grupo – Eabha. Kung noon pa sila sumugod ay paniguradong hindi ako mag – aaksaya ng panahon na mag – enroll sa School of Supernaturals sa Pilipinas para lang hanapin sila. Cowards. Tsk.
Tumingin naman ako sa aking tagiliran upang tawagin si Greazen – he has the ability to see once memory from the past to the present or if prepared so well, he can even see the possible future of someone called Foretelling. He’s only 10 kaya medyo nahihirapan pa sya na kontrolin ito ng maayos.
“ Greazen. ”
Tawag ko sa kanya. Agad naman itong lumapit sa akin ng tawagin ko sya.
“ Do the work. ”
Sabi ko na lang dito. Nang mapansin ko naman na sisigaw sana si Ms. Clavory ay kaagad ko itong hinawakan sa panga at pinakain ng piraso ng isang damit. Tutal ayaw nyang magsalita, mind as well na wag na rin syang gumawa ng kahit ano pang ingay para matapos na to.
Agad na hinawakan ni Greaze ang ulo nito at pumikit. Ramdam ko naman ang koneksyon ng dalawa lalo na ng magliwanag na ang palad ng bata. Kulay asul na liwanag iyon tanda ng pagsisimula ng proseso nito sa pagkuha ng mga impormasyon na kakailanganin ko sa pagbabalik ko sa School of Supernaturals.
“ Apo. ”
Napatingin ako sa likuran ko ng tawagin ako ni Lolo. Napataas pa ako ng kilay ng hindi ito magsalita ng lingunin ko sya.
“ Pabalikin mo na ang mga kaibigan mo dito. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari lalo pa at mas nabawasan tayo ng bilang. Alam kong naiintindihan mo naman ang ibig kong sabihin hindi ba? ”
Napabuntong – hininga ako dahil sa sinabi nya. May punto si Lolo lalo pa at nagkakaroon na ng hidwaan ang bawat guild sa buong mundo. Alam kong kanya – kanya na rin sila ng pagkilos upang makipag – alyansa sa mas malalakas na guild sa labas at loob ng kanilang mga teritoryo. Those cowards are really into something makuha lamang ang mga nais nila.
The Sacred Relic of Immortality o mas kilala sa katawagang Lucifer’s Stone is a cursed relic that is untouchable. Ang sino mang may nais na makuha ito ay isang nilalang na may mabuting puso upang ito’y linisin at alisin ang lahat ng kasamaan na mayroon ito. Ayon rin sa mga libro, wala pang nakakakita rito kaya’t marami ang naniniwala na hindi naman talaga ito totoo at isang haka – haka o alamat lamang. Kahit ako na isa sa mga holder ng may pinakamaraming Sacred Relics ay hindi pa ito nakikita kaya’t minsan ay naiisip kong haka – haka nga lamang ito. But what makes me believe about it is the reason why I’m still fighting – to make the death of my parents justified. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko sila naipaghihiganti kay Heinlien Dela Cuesta. Ganoon rin ang pag – angkin sa bato upang maprotektahan ko ang mga taong pinaglaanan ko na ng buhay ko sa mundong ito sa abot ng aking makakaya.
“ I’m sorry Lolo, pero hindi ko magagawa ang gusto mo. This is the farthest we’ve come kaya’t hindi kami titigil ng ganun – ganun na lang just because of the disturbances happening from the each guild outside the world. ”
Paghingi ko ng paumanhin dito. Rinig ko pa ang malalim na pagbuntong – hininga nya kahit na nakatalikod ako kaya’t alam kong labag ang sagot ko sa kanyang ninanais.
“ I just want the best for you, apo. But it seems like na hindi ko na namalayan ang paglaki mo. You’ve grown so strong and independent. Paniguradong masaya ang mga magulang mo sa nakikita nila kung nasaan man sila ngayon. ”
Muli akong napabalik ng tingin sa kanya dahil sa mga salitang binitawan nya.
“ Lolo – ”
“ I respect your decision apo. Mag – iingat ka. ”
Putol nya sa dapat kong sasabihin at tumalikod sa akin. Hindi na naman ako nagsalita pa dahil alam kong hindi galit si Lolo. Wala rin sa boses nya ang sama ng loob o kahit kaunting bakas ng pagtatampo. It was a pure acceptance of what I told him. Napangiti na lang tuloy ako dahil dito. Hayst.
“ Ku – kuya – ”
Mabilis na napabalik ang atensyon ko kay Greazen na ngayon ay unti – unti nang kinakapitan ng kung anong tattoo na kulay itim na hugis paru – paro sa kanyang mga kamay dahilan upang hatakin ko sya papalayo sa aking guro.
“ Pwe! ”
This bitch is not so ordinary na sa dami ng pinsalang natamo nya, nagawa nya pa ring gamitin ang ilan sa kanyang mga kakayahan. What a pro.
“ Kung akala mong panalo ka na, doon ka nagkakamali. ”
Ngisi nya sa akin dahilan para mapalaki ang mga mata ko.
0_0
“ Shadow Casting. ”
“ Reverse – Fuck! ”
Hindi ko na naituloy pa ang pag – reverse sa ginawa nyang technique ng tuluyan syang magkapira – piraso sa mga mumunting maliliit na paro – paro na kulay itim which is her trademark as what they called her – Black Butterfly Queen.
“ Fuck! ”
End of Chapter 30
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!