Chapter 10
Avalche Berg Dolo Fuerto ~
Monday came. Nakabawi na rin naman ako ng lakas. And I feel like I was being reborn from the world dahil ang gaan sa pakiramdam ng enerhiyang dumadaloy sa katawan ko.
“ Ava, let’s go! Male – late na tayo sa first class natin! ”
Pagsigaw ni Sapphire sa labas ng pintuan ng kwarto ko.
“ Oo, susunod na! ”
Sigaw ko rin namang sagot dito. Hindi na naman ito nagsalita pa at narinig ko na lang ang mga yabag nito na pababa na ng hagdan. Huminga pa muna ako ng malalim at muling tumingin sa salamin. This is it, the start of our mission.
Lumabas na ako sa kwarto ko at mabilis na bumaba. Naabutan ko sa sala ang lahat na mukhang ako na lang ang inaabangan.
“ Let’s go! ”
Pag – aya ko sa kanila ng makalapit ako. Kaagad namang gumawa ng portal pabalik sa dormitoryo namin si Cymon. Sa totoo lang kasi, bawal at labag itong ginagawa namin ayon sa patakaran ng paaralan. Pero anong pakialam namin? Hindi naman nila kami mapipigilan eh!
“ The start of the mission – proceeds! ”
Pagbibigay ko ng hudyat na simula sa araw na ito ay magsisimula na talaga ang misyon na aming ipinunta dito – iyon ay hanapin ang bakas ng mga taong pumatay sa mga magulang ko.
Third Person’s Point of View ~
Walang sinayang na oras ang grupo nina Ava at kaagad na lumabas sa kanilang dormitoryo na syang pinaglabasan nila mula sa portal na gawa ni Cymon. Hindi naman kasi talaga ang mga klase ang gusto nilang pagtuunan ng pansin kung hindi ang pagtuklas ng mga bakas sa nasabing misyon, sadyang hindi lang sila pwedeng magpakita ng kahit na anong mga kakaibang pagkilos lalo pa at hindi nila alam kung sino – sino ang mga kalaban nila.
Nakaagaw kaagad sila ng pansin ng tumapak sila sa hallway ng paaralan. Inilabas na kasi nila ang mga aura na kanilang mga itinatago upang ikubli ang kanilang mga natatagong lakas at kapangyarihan. Sadyang ginawa nila iyon upang makakuha kaagad sila ng pansin sa mga nilalang na syang gustong patumbahin ang kanilang mga grupo. Isa pa, hindi naman talaga iyon ang lahat ng meron sila, kalahati pa lamang iyon ngunit parang natatakot na kaagad ang iba na humarang saan man sila dadaan.
Poker face lang ang kanilang mga mukha kaya naman talagang kakatakutan sila ng mga naroroon. Natigil lang iyon ng bigla na lang sumulpot sa kabilang pasilyo ang grupo nina Blaze. Napatigil pa ang mga iyon ngunit hindi ang grupo nina Ava. Dire – diretso lang ang mga ito at nilagpasan sila ng magkasalubong silang lahat.
“ Did they just ditch us? ”
Naiiritang bigkas ni Qquia. Hindi kasi ito makapaniwalang lalagpasan lang sila ng mga ito matapos ang mga nangyari noong nakaraang araw. Mabuti na lamang at mabilis syang kinapitan ni Vhiro sa pulso saka ito umiling sa kanya. Nakuha naman nya kaagad iyon kaya kaagad rin syang kumalma.
“ If that’s what they want then let it be. Iyon ang gusto nila, hayaan na natin. Tutal, yun rin naman ang gusto natin – peace of mind. ”
Sabi naman ni Avira. Seryoso lang ang mukha nito pero mahihimigan ng pagkairita ang boses nito. Tumango na lang naman ang iba at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na nga nila napansing nakahinto pa rin ang kaibigan nila – Blaze. Nakatingin ito kung saan dumaan sina Ava habang tulala.
“ Blaze! ”
Pagtawag ni Axis. Lumapit na rin ito at kinalabit ang huli. Napatingin naman ito sa kanya na may nagtatanong na mukha.
“ You’re making a scene here. Kanina pa sayo nakatingin ang ibang mga estudyante. Let’s go! ”
Bulong naman nito sa huli ng may diin. Doon na lang din ito nagising at tumango sa kanya. Samantalang ang mga estudyante naman na naroroon ay hindi mapigilang hindi magtaka sa nakita.
***
Ikalawang klase, ang klase kung saan magkakaklase ang dalawang grupo – ang grupo nina Ava at ang grupo ni Blaze. Ang unang dumating sa klase ay ang grupo nina Ava na syang umupo sa pinakadulong bahagi ng classroom. Mayroon na rin namang mangilan – ngilan na estudyante doon na napapatingin sa kanila katulad kaninang umaga. Ilang saglit lang rin ang tumagal bago naman pumasok ang grupo ni Blaze. Sa harapan naman nina Ava umupo ang mga ito. Masyadong tense ang lahat dahil sa namumuong enerhiya sa pagitan ng dalawa kaya naman lumayo ang ibang mga naroroon na syang natigil lamang ng dumating ang kanilang guro.
“ Good afternoon everyone! My name is Clavory Yuzhen and I will be your teacher in Magical Blending and Summoning 1! ”
Isa itong chinitang babae, medyo may kaliitan, singkit ang mga mata, maliit ang labi, mapupula rin ang mga mata, walang kasing kinis at puti ang kutis, nakasuot rin ito ng malaking eyeglasses at higit sa lahat, mas matindi ang aura na mararamdaman dito kumpara kina Ava at Blaze.
“ And I believe that I arrive at the right moment, didn’t I? ”
Makahulugan nitong banggit at diretsong tumingin sa direksyon ng dalawang grupo.
“ Well then, let’s make this session of us a little bit exciting. ”
Nakangisi nitong banggit sa kanila na syang hindi nila pinansin. Pinagdikit nito ang mga palad at isang liwanag ang lumabas doon.
“ Teleportation of Mass and Space – Activate! ”
Nilamon silang lahat ng liwanag na iyon at iniluwa sa field. Nakakuha rin iyon ng atensyon sa mga estudyanteng nagdadaan kaya naghintuan ang mga ito at lumapit kung nasaan silang lahat.
“ Today, I want to test all the strength that you have. I want to know what range are you so that I can manage to combine what type of magical weapon you’re capable of. And of course, whom you’re going to be paired with. ”
Nanlaki naman ang mga ng lahat ng marinig ang sinabi ng guro. Ilan lang sila sa klase kaya naman malaki ang tyansa na maging magkapareha ang dalawang magkagrupo sa isa’t – isa.
“ Shit! ”
Naibulong na lang ni Axis.
“ Let’s start with – Mr. Axis Flareon Guererro and Ms. Sapphire Amethyst Marvelo. Come forward and step inside the barrier. ”
Sumunod naman ang dalawa kahit na kabado si Axis. Hindi nya pa kasi nasusubukan ang kakayahan ng babae ngunit malakas naman ang kumpiyansa nya na mananalo sya.
“ Let the battle begin. ”
End of Chapter 10
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!