Chapter 34
Blaze Eziken Dela Cuesta ~
Ilang oras nang walang malay si Ava. At kahit na anong gawin naming pagpupunas sa katawan nito’y hindi man lang bumababa ang taas ng lagnat nya. Ang mga kaibigan naman nya ay patuloy na pinapatahan at pinapagaan ang loob ng kanilang mga kaibigang babae. Umamin kasi ang mga ito na sila ang dahilan kaya ito nagkasakit sa araw ng kanyang pag – alis para saluhin ang gampanin ng huli.
“ Ugh. ”
Sabay – sabay kaming napalingon ng bigla na lang gumalaw si Ava at nagpumilit na umupo mula sa kanyang pagkakahiga. Mabilis naman akong nakarating sa gilid nya at saka inalalayan syang makasandal sa headboard ng kama.
“ Dahan – dahan lang Ava. ”
Sabi ko naman sa kanya ng maiayos sya sa kanyang pagkakapwesto. Ngumiti na lang ito sa akin at saka lumingon sa mga kasamahan nya. Matamis ang pagkakangiti nito na parang walang nangyaring kahit na anong problema sa kanilang grupo. Ngayon ko na lang din napatunayan na isa talaga syang mabuting halimbawa ng isang magaling na pinuno sa hinaharap.
“ Mabuti naman at maayos na ang kalagayan nyo. Halatang hindi kayo pinabayaan nina Blaze. ”
Bigkas nya sa mga ito at lumingon sa akin ng nakangiti. Ganoon din ang ginawad nya sa iba ko pang mga kaibigan na todo naman ang ngiti sa kanya.
“ A – ava – ”
“ It’s all in the past, apology accepted. ”
Putol nya sa sanang paghingi ng tawad ni Sapphire sa kanya at tumingin sa labas ng bintana ng kwarto. Huminga pa sya ng malalim bago ibinalik sa amin ang kanyang mga paningin.
“ The war just began. We don’t have time for drama. ”
Ang nakangiti nitong mukha ay nawala. Napalitan iyon ng isang seryosong mukha na syang nakapagpakaba sa akin maging sa aking mga kaibigan. Bukod sa nakakatakot itong pagmasdan, kakaiba rin ang aura nyang pinapakawalan ngayon. Puno iyon ng pagbabanta at pananakot. As if he’s ready to kill someone without hesitation in any moment.
Nalito rin ako sa sinabi nito. Napatingin pa sa akin ang mga kasamahan ko kung ano ang tinutukoy nito na digmaang nagsimula. Hindi ko tuloy mapigilang hindi maghinala sa mga sikretong mayroon sila na hindi pa namin totoong alam.
“ We lost half of our guild members – ”
“ Guild members? ”
Putol ko sa dapat na sasabihin ni Ava. Hindi ko na kasi napigilang hindi pa magsalita dahil sa mga binigkas nya. How come na nakasali na sila sa isang guild kung estudyante pa lang naman sila? Bigla tuloy sumakit ang ulo ko sa mga sikretong mayroon sila.
“ It is, Blaze. Tama ang narinig mo, narinig nyong lahat. ”
Pagkumpirma pa nito sa tanong ko. Doon na rin nakapagsalita si Avira na parang nakabawi na mula pa kanina.
“ Does that mean – ”
“ – we are not students. Misyon ang ipinunta namin dito, iyon ang totoo. ”
Pagputol naman ni Cymon at syang nagpatuloy sa mga salitang dapat na lalabas sa bibig ng huli. Doon na rin pumasok sa isipan ko ang dahilan kung bakit hindi magka – level ang lakas na mayroon kami, dahil sa mga bihasa na sila at baguhan pa lamang kami. Dito ko rin naisip ang palaging pagtanggi nina Daddy at Kuya na papasukin ako sa guild dahil sa hindi pa ako handa which confirms everything.
“ In what guild? ”
Tanong naman ni Jero dito.
“ Alethoria. ”
Maikling sagot ni Apollo sa huli. Napakunot – noo pa ako dahil parang narinig ko na ang pangalan ng guild na iyon. Hindi ko lang matandaan kung saan o kung sa anong panahon pero sigurado akong narinig ko na ang pangalan ng guild na iyon.
“ Alethoria? Hindi ko lang sigurado pero parang narinig na namin ang pangalan ng guild na iyon. ”
Saad naman ni Qquia na napapaisip rin kung saan nya nga ba narinig ang pangalan ng guild na kinabibilangan nina Ava.
“ Hindi ba’t ang ama mo Blaze ang Guildmaster ng Devil Lion? ”
Napatingin naman ako kay Sapphire ng tanungin nya iyon dahilan para mapatango kaagad ako sa kanya.
“ Your father, Gerson Venito Dela Cuesta, is one of our members years back when Alethoria is still in the business. You don’t know, am I right? ”
Dugtong nito na syang nakapagpatigil sa akin. Napatingin rin sa akin ang mga kasamahan ko na parang alam na ang tumatakbo sa isip ko. Doon ko na lang din natandaan kung saan ko nga ba narinig ang Alethoria.
Flashback ~
“ Wag na wag mo saking isusumbat ang pag – alis mo sa pipitsuging guild na yun! Ikaw ang umalis, hindi kita pinilit. Mas pinili mong lamangan ang mga kasamahan mo para sa kapangyarihan kaya hindi mo ko pwedeng sisihin sa mga nangyayari sayo ngayon! Naiintindihan mo? ”
I was 7 back then ng makarinig ako noon ng pagtatalo sa opisina ni Dad. Hindi ko man sinasadyang pakinggan ang mga bagay na yun, pero hindi ko magawang umalis dahil na rin sa takot kong baka kung anong gawin ng kausap nya sa kanya. I just loved my parents that I’ll do anything to protect them.
“ Ikaw ang may kasalanan ng lahat, niloko mo ko para mapapayag na umalis sa Alethoria kapalit ng kapangyarihan na hihigit sa lahat. Ginamit mo lang ako para sa sarili mong interes. Fuck! ”
Napatakip pa ako noon ng tenga ng makarinig ako ng pagkabasag ng kung ano matapos iyong sabihin ni Dad sa kausap nya. Ramdam ko ang galit nya sa kausap nyang iyon dahil sa pagbulyaw nyang iyon.
“ It’s your fault for being weak, not mine. ”
Maikli nitong sagot kay Dad na syang sinundan nito ng isang mapang – asar na pagtawa atsaka naglahong parang bula.
End ~
“ Did it ring a bell? ”
Napatango na lang ako sa itinanong ni Sapphire sa akin. Ngayon ko na lang ulit nabalikan ang ala – alang iyon dahil bata pa ko noon pero ngayon na bigla ko itong naalala, isang tanong ang muling pumasok sa aking isipan.
“ Isa ba sya sa malalakas na miyembro ng Alethoria noon? ”
Tanong ko naman sa kanya pagkaraan ng ilang sandali. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit nagpakain sa kapangyarihan si Dad kung sa huli naman pala ay pagsisisihan nya ito.
“ He is. He’s powerful enough to become one of the chosen members of the guild to succeed the position of becoming the next Guildmaster of Alethoria. ”
End of Chapter 34
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasíaRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!