Chapter 18
Axis Flareon Guerrero ~
Kakaalis pa lang namin sa tinutuluyan naming mga sa dormitory ng bigla naming makasalubong ang grupo nina Ava. Kung minamalas ka nga naman talaga ngayong umaga. Tsk.
Lahat kami ay napatigil lalo na ng maharangan namin ang daan ng isa’t – isa. Nagkatitigan pa kaming lahat dahil dito dahilan para mas lalong lumala ang tension sa pagitan namin.
“ Let’s go! ”
Sabay pang sabi ni Ava at ni Blaze dahilan para mapatitig kaming lahat sa kanilang dalawa. Just wow.
“ I said let’s go! ”
Panabay ulit na sabi ng dalawa kaya naman mas lalong naging matalim ang tinginan nila sa isa’t – isa. Pakiramdam ko nga ay sa kanilang dalawa na lang tension at wala na sa amin na mga kaibigan nila.
“ This is just a waste of time. Let’s go. ”
Biglaang sabi ni Ava sabay talikod sa amin. Napairap pa ito at napapailing na naglakad sa kabilang direksyon. Mukhang sa kabilang hallway sila daraan para makapunta sa klase. Sumunod rin naman ang mga kaibigan nya na masama rin ang tingin sa amin. Hindi naman nagpatinag sina Qquia at Avira samantalang kaming mga lalaki ay chill lang.
“ Ava! ”
Natigilan ako ng bigla na lang tawagin ni Blaze ang huli. Kahit ang mga kaibigan ko ay ganoon rin ang naging reaksyon at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. What the fuck. Ano na naman kayang balak ng isang to?
“ Hmm? ”
Pagsagot naman ng huli ng hindi lumilingon. Samantalang kaming mga kaibigan nya ay naghihintay lang ng mga mangyayari.
“ I want to talk to you after your classes. ”
Napataas ang kaliwa kong kilay dahil sa sinabi nya. Ano namang pag – uusapan nilang dalawa? Tsk. Blaze talaga.
“ Okay. ”
Maikli namang sagot ni Ava. Hindi na naman nagsalita si Blaze kaya nagpatuloy na ang mga ito.
“ At ano namang pag – uusapan nyo ng bwisit na yun? ”
Tanong kaagad ni Qquia na iritado ang tono. Kita na rin sa mukha nito iyon lalo pa at nakakunot ito ng noo habang nakapamewang na nakaharap sa kanya.
“ Nothing important. Just want to clear things up. ”
Mukhang may dapat kaming malaman tungkol sa kanilang dalawa ni Ava. Hindi naman kami kinakabahan na baka may relasyon silang dalawa or what dahil straight si Blaze. Pinaliwanag na rin nito noong una pa lang na wala naman talaga sa kanilang nangyari kaya malabong mangyari na iyon ang bagay na pag – uusapan nila.
Let’s see.
Avalche Berg Dolo Fuerto ~
“ Really? Ava? Pumayag ka talaga sa gusto ng gagong yun? Paano kung may gawin sya sayo? We don’t know the extent of his ability! ”
Kaagad na komento ni Anica na halatang nanggigigil pagliko namin sa isang kanto. Napangiti na lang ako sa sinabi nya. Akala nya siguro ay may namamagitan sa amin ng lalaking iyon. Minsan naiisip ko tuloy na dinaig pa nila ang mga magulang ko sa pagprotekta sa akin. At wag na kayong magugulat sa pagiging malisyoso nila. Sadyang mahilig lang silang magbigay malisya sa mga bagay na bigla na lang lilitaw sa harapan ko. As if naman na parang may maitatago pa ako sa kanila eh halos lahat ng lakad ko ay nakasunod sila sa akin noon pa. Tsk.
“ There’s nothing to be bother Anica. After all, may kailangan rin akong malaman tungkol sa isang bagay. ”
Bahagya kong sagot sa kanya. Ramdam ko pa ang pagtigil nila sa likuran ko ng sabihin ko ang mga bagay na iyon. Nilingon ko na lang silang lahat bago ako sumagot.
“ He’s surname is Dela Cuesta. Ang pamilya na sumira sa buong buhay ko. ”
Tagilig akong ngumiti ng sabihin ko iyon sa kanila. Iniwan ko na rin sila matapos noon dahil natulala sila sa kanilang nalaman. Hindi lang naman ako ang nilalang na syang pinagkakautangan nila eh, lahat kami. Kaya oras na malaman ko na tama ang hinala ko na kamag – anak nya nga ang mga iyon ay hindi ako magdadalawang – oras na bawian sya ng buhay. Mabawasan man lamang ang utang nila sa akin.
***
Natapos ang klase sa umaga. Lunch time na kaya naman alam kong ito na ang oras upang magkausap kami ni Blaze. Kailangan kong malaman kung may kinalaman ba sya sa mga nilalang na syang may kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang ko sa lalong madaling panahon. Ngayong naglalabasan na ang mga nilalang na matagal ko nang hinahanap ay hindi ako magsasayang ng oras na singilin sila sa mga kasalanan nila sa akin, pati na sa mga kaibigan ko.
Hindi na ako nakapagpaalam sa kanila dahil sa aking pagmamadali. Alam na naman nila yun kaya hindi na kailangan pang magsabi sa kanila. Hindi na kailangan pang paulit – ulitin.
Dumiretso ako sa likod ng dormitoryo kung saan ko sinabi sa kanya na magkikita kami. May mga benches kasi dito, tapos malilim pa kaya naman hindi ka masisikatan ng araw. Good place rin to dahil ayokong marinig kami ng iba, I want some privacy for this matter. Pero kahit na ganoon ay nanigurado pa rin ako at gumawa ng mataas na barrier.
Ilang minuto lang rin ang itinagal bago nakarating sa kinaroroonan ko si Blaze. Seryoso ang mukha nitong nakatitig sa akin. Wari mo ay binabasa ang mga letrang nasa mukha ko.
“ Buti naman at dumating ka. ”
Bungad nito sa akin pagkaupo sa harapan ko. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito, wala rin naman akong mabasa na kahit na anong emosyon kaya naman hindi ko na lang sya sinagot. Ayokong humaba pa ang usapang ito dahil isang bagay lang naman ang gusto kong malaman.
“ Are you related to Heinlien Dela Cuesta? ”
Walang gatol kong tanong sa kanya. Bigla namang nanlaki ang mga mata nito ng masabi ko ang mga katagang iyon kaya’t alam kong may alam sya tungkol sa taong iyon. Wag nya lang sasabihin na tatay nya yun dahil hindi ako magdadalawang – isip na patayin kaagad sya dito. Buhay ang kinuha nila sa akin kaya naman buhay rin ang sisingilin ko.
“ Bakit gusto mong malaman? ”
Hindi ko na napigilan pang tapunan sya ng matalim na tingin ng sagutin nya ako ng isa pang tanong. This man really has the guts to make me this mad.
“ Just fucking answer the damn question! ”
Bulyaw ko sa kanya. Hindi ko na kasi napigilan pa ang init ng ulo ko dahil alam kong nang – aasar na lang sya sa pagkakataong ito. Fucktard talaga. Kainis.
“ Lolo ko sya sa tuhod. Bakit mo naitanong? ”
0_0
Tuluyan nang bumagsak ang aking mga balikat sa kanyang isinagot. Tama nga ang hinala ko kung ganoon. Pamilya nga nya ang sumira sa pamilya ko. Ramdam ko na ang pagtaas ng enerhiya ko sa aking katawan. Naikuyom ko na lang din ang mga palad ko dahil dito.
“ Hindi ko na nga lang sya naabutan dahil bago pa ako mag limang buwan sa tyan ni Mom ay namatay na sya. My Mom hates him kaya hindi ko na alam ang iba pang impormasyon tungkol kay Lolo. ”
Something is wrong. Magkaedad lang kami kaya paano iyong nangyari? Things are now being complicated.
End of Chapter 18
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!