Chapter 17
Blaze Eziken Dela Cuesta ~
It was a disaster last night. Napagalitan ako ng council for being rude sa Headmaster. Why is that? I just told him that he’s not capable to protect the students from those invaders. Tapos ako pa yung sinisi sa huli. What a messy old hog.
“ Alam mo bang malas ang pagsimangot sa umaga? ”
Tiningnan ko na lang ng masama si Axis dahil sa sinabi nya. Yun na nga eh, umagang – umaga pero dumadagdag pa sya sa init ng ulo ko.
“ Wag mo kong simulan Axis. Hindi maganda ang gising ko. ”
Seryoso kong pagbabanta rito dahilan upang itaas nya ang dalawang kamay sa ere senyales ng kanyang pagsuko. Bumuntong – hininga pa ito bago muling tumingin sa akin.
“ You know what? Hindi ka naman dapat magalit sa Headmaster eh. Ang kailangan nating sisihin dito ay yung mga nilalang na nakamaskara na yun. It was them who brought a disaster last night kaya dapat sila yung pagbuntunan ng Headmaster at hindi tayo. ”
Yun na nga ang punto ko eh. Those jerks must pay for what they did to us. Napagalitan tuloy kami ng Headmaster and even the council. We are the top group yet, nanood lang kami sa nangyari. Kaya para sa kanila ay unreasonable ang idinahilan ko na nahuli kami ng dating.
Isa pang kinaiinis ko ay ang pagoopen – up ng titulo ko bilang Champion of the Battle of the Hall of Famers. Ano pa daw bang silbi nun kung hindi ko rin naman gagamitin sa pagtulong sa mga kapwa ko estudyante rito?
Bwisit talaga. Fuck.
“ Hindi pa sumisikat ang araw pero ang iinit na ng ulo nyo! Pwede bang tumigil na lang kayo at mag – isip ng paraan para mapatunayan sa mga bwisit na yun na mali sila ng binabanggang kalaban. ”
Bulyaw sa amin ni Qquia at padabog na umupo sa kabila. Nasa gitna kasi kami ng hapag – kainan kaya naman hindi ko sya masisisi kung mainis sya sa amin. Tumango na lang din naman kami ni Axis at nanahimik. Wala rin naman na kaming magagawa, all we can do now is just to investigate who are those culprits. Sisiguraduhin kong magbabayad sila.
Avalche Berg Dolo Fuerto ~
Hindi na kami natulog ng buong grupo. Last night was a big disaster. Hindi ko kasi napigilang hindi atakihin ang Headmaster ng paaralang ito dahil kilala ko sya. He’s one of those shits na nakita ko noong bata pa ako na isa sa mga pumatay sa mga magulang ko. Hindi ako maaaring magkamali doon. Isa nang patunay doon ang kanyang tattoo na nasa leeg nya. Ang tattoo na simbolo ng pagiging miyembro ng Eabha, isang organisasyon na kinabibilangan noon ng mga magulang ko. Isang grupo na kumukuha ng mga Sacred Relics upang mas mapalakas pa ang kanilang mga kakayahan at kapangyarihan. Tumiwalag lamang noon ang mga magulang ko dahil sa isang misyon na kanilang tinutulan. Ang Sacred Relic na iyon kasi ay may kakayahang buhayin ang mga patay which is tinutulan nila. Dahil doon, tinugis sila at pinatay ng sarili nilang mga kaibigan.
Kaya naman, nung nakita ko yung mukha ng matandang yun – the Headmaster. Hindi ako nagdalawang – isip na sugatan sya sa mukha which I successfully did. That son of a bitch.
“ Nakakunot yang noo mo? ”
Napatingin ako kay Sapphire ng magsalita sya sa gilid ko. Nakabihis na sya habang dala – dala ang mga gamit namin sa klase. Kasunod nya sina Agatha at ang iba pa.
“ Wala naman. I was just thinking how our fight last night was connected to the Headmaster. ”
Diretso kong sabi.
“ Wag mo na munang isipin yun. Ang mahalaga ay nalaman na natin kung sino – sino ang mga taong makukuhanan natin ng mga impormasyon. One down. ”
May point naman si Drake. I don’t need to bother myself anymore kung paano ako makakakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga pumatay sa magulang ko dahil sila na mismo ang lumapit sa akin.
“ Another is – hindi naman nila malalaman na tayo ang mga nakalaban nila kagabi kaya malaya pa rin tayong makakakilos sa loob at labas ng paaralan. ”
That’s true and very well said by Cymon. Though, para lang kaming nakipaglaro kagabi sa mga nilalang yun, at least ay napuruhan namin sila. Apollo even implant something on their body para malaman namin kung anong mga pinaggagagawa nila.
“ Halika na nga! Ma – late pa tayo ulit sa klase. ”
Si Agatha na ang nag – aya noon. Napangiti na lang tuloy kami. Talaga naman tong babaeng to, sinisira ang mood namin.
Third Person’s Point of View ~
Kung sino man ang mga nilalang na yun ay masasabi kong hindi sila pangkaraniwan. They even leave a scratch on my face. Tsk.
“ Oh, anong nangyari dyan sa pisngi mo? ”
Tanong sa akin ng isa sa mga huling miyembro ng Eabha.
“ I was taken aback from a sudden attack leaving this scratch on my face. ”
Umiling na lang ito at pumasok sa loob ng opisina kasabay ng pagpasok ng isa pang miyembro ng Eabha. Napalingon naman ako sa sumunod na pumasok. Doon na rin ako napahinga ng malalim sa nakita.
“ Nasaan ang anak ko? ”
Seryosong pagtatanong sa akin ng bagong dating na miyembro. Tinuro ko na lang naman ang kwarto na nasa kanan namin kung saan matatagpuan ang clinic. Pumunta naman kaagad ito doon at nilagpasan ako. Napailing na lang tuloy ako. Hanggang ngayon ay walang pagbabago sa mga pagtrato namin sa isa’t – isa.
Muli akong napailing at nagdesisyong umalis na sa lugar na iyon. Wala akong mapapala sa kanila hangga’t hindi pa nababanggit ng nakatataas kung anong sunod na misyon ang meron kami. Muli akong nagbago ng anyo na mula sa isang binata ay naging matanda. As long as I have the Sacred Relic of Youth which is the Forsceptor, hindi ako babalik sa orihinal kong itsura at edad.
“ Wala man sakin ngayon ang Sacred Relic of Immortality ay panigurado akong mapapasakamay ko rin ito. And I will be powerful as no one can defy me. ”
Mabilis akong pumasok sa portal na ako ang gumawa papunta sa sarili kong kwarto. Anong oras na rin. Kailangan ko pang lumibot sa buong paaralan upang makita ang pinsalang nagawa ng labanang iyon kagabi. Kakausapin ko rin si Jay kung anong ginagawa nya sa paaralan gayong pinaalis ko na sya matagal nang panahon.
This must be something about those Sacred Relics.
End of Chapter 17
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!