Chapter 24
Third Persons Point of View ~
Sunod – sunod na nagpasukan ang mga miyembro ng Eabha sa bulwagan na kanilang pagsasagawaan ng pagpupulong. Hindi bababa sa isang daan ang kanilang bilang sa gabing ito. Halos lahat ay nakaroba dahilan upang hindi makilala ang mga naririto.
Mula sa gitna ay tumindig ang isa dahilan upang tumahimik ang lahat matapos makumpleto ang mga miyembro ilang minuto bago magsimula ang pagpupulong. Bumalot sa buong lugar ang katahimikan. Tanging mga paghinga lamang ang maririnig sa pagkakataong ito. Nababalot rin ang lugar ng malalakas na enerhiya mula sa mga miyembrong kasapi kaya’t paniguradong walang magtatangkang mag – espiya mula sa labas at kalabanin sila. They are the strongest from the strongest.
“ Magandang gabi sa ating lahat. ”
Saad ng nilalang na syang nakatindig sa kanilang harapan. Malalim ang boses nito at syang makakapagbigay sa iyo ng kakaibang kilabot. Hindi naman iyon tumatalab sa mga nilalang na nandirito dahil halos lahat sila ay pantay – pantay ang lakas.
“ Ilang araw bago ang pagpupulong na ito, isang grupo ng mga di kilalang nilalang ang lumabas sa premises ng School of Supernaturals. At ilan sa mga kasapi ng ating grupo ang nasugatan dahil sa labanang iyon. Patunay na ang mga nilalang na iyon ay hindi ordinaryo. ”
Paliwanag pa nito. Naging sanhi iyon upang magbulungan ang mga kasapi ng samahan. Mula sa katahimikan ay naging maingay ang buong bulwagan. Tumigil lamang iyon ng mawalan ng hangin ang buong bulwagan na syang gawa ng nilalang na nasa gitna at nakatindig. Ilang segundo lamang ang itinagal noon bago bumalik ang hangin sa loob.
“ Marunong naman palang tumahimik ang lahat. ”
Sabi nito ng nakangisi sa kanilang lahat.
“ Ngayon, nais kong gawin nyo ang lahat mahanap lamang ang mga nilalang na iyon. Maaaring sila ang maging susi sa ating paghahanap sa mga nilalang na syang kumakalaban sa atin ilang taon na ang nakalilipas hanggang sa ngayon. ”
Blaze Eziken Dela Cuesta ~
Napahinga na lamang ako ng malalim ng muli kong tingnan ang mukha ni Ava habang mahimbing itong natutulog. Wala na dito ang kanyang mga kaibigan dahil may pinuntahan ang mga ito kaya’t nakapuslit ako kahit papaano.
Hindi na rin natuloy ang activity namin kanina dahil sa biglaang pagkawala ng kanyang malay. Nagkulay violet pa ang kanyang balat kaya’t lalong nangamba ang aming guro at dinala kaagad ito rito sa infirmary. Hindi naman raw sintomas iyon ng pagkalason. Sadyang masyadong stress lang daw ito.
Napailing na lang tuloy ako. Ako ang may kasalanan nito kaya sya nagkakaganito. Fuck. Kulang pa ang kanyang pananakit sa akin sa dami ng atrasong nagawa ng pamilya ko sa pamilya nya. Shit.
“ Anong ginagawa mo rito? ”
Mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo at napatingin sa pintuan ng infirmary na ngayon ay nakabukas habang pumapasok ang mga kaibigan ni Ava. Matatalim ang mga tingin na ibinibigay sa akin. Hindi naman ako natatakot doon pero ramdam ko ang kahihiyan sa loob ko kaya naman di ko napigilan ang umiwas ng tingin sa kanila at muling ibinalik sa mukha ni Ava.
“ Dumalaw lang. Mauuna na ko. ”
Sabi ko na lamang sa mababang tono. Ayoko ng gulo kaya naman mas mabuting umiwas na ako habang maaga pa. Kinuha ko na ang bag ko at mabilis na lumabas. Babalik na lamang siguro ako sa kwarto ko.
“ Sandali lang! Blaze! ”
Napatigil kaagad ako sa paglalakad pabalik sa kwarto ko ng marinig ko ang boses ni Sapphire habang kasunod si Drake at Cymon. Tiningnan ko pa sila ng may pagtataka sa kanilang mga mukha dahil doon.
“ May favor sana kami? ”
Natigilan ako ng biglaan. Pero tumango naman ako kahit na naguguluhan pa rin ako. Sa pagkakaalam ko kasi ay galit pa rin sa akin ang mga ito kaya naman nakakagulat talaga na manghihingi sila sa akin ng pabor ngayon.
“ Sure. Ano bang maitutulong ko? ”
Sagot ko na lang sa kanila.
“ Samahan mo na muna si Ava hanggang sa bumuti ang lagay nya. ”
Di ko naman mapigilang hindi mapataas ng kilay dahil sa sinabi nya. Naguluhan rin ako kahit papaano dahil sa pabor na ito.
“ Kailangan lang naming pumunta sa kung saan. Hindi naman namin sya maaaring isama dahil sa lagay nya kaya naman kahit labag sa loob ng iba naming mga kaibigan na iwan namin sya sayo ay pumayag pa rin sila. ”
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya. May tiwala sila sa akin kahit papaano. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti.
“ Sure, I’ll take care of him while you guys are away. ”
Mabilis ko namang sagot. I will make sure na ito na ang simula para makabawi kay Ava, para na rin makuha ko ang loob ng mga kaibigan nya.
“ Wag ka lang magkakamali. I’m telling you, hindi ako magdadalawang – isip na patayin ka oras na may gawin kang masama kay Ava. ”
Napatingin naman kaming lahat sa boses na nanggaling sa likuran nila.
“ Anica – ”
“ I’m still in the middle of giving you a chance or not. But because we don’t have any option at all, we don’t have any choice but to pick you. And because I want to make sure his safety, keep this. ”
0_0
Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng bigla itong lumitaw sa harapan ko at may kung anong binaon sa dibdib ko dahilan para mapaluhod ako sa aking kinalalagyan. May kung ano ring pagkirot akong bigla na lang na naramdaman sa puso ko.
“ Anica! Anong ginawa mo sa kanya? ”
Hindi ko na masyadong marinig ang sinabi ni Sapphire kay Anica. Nalito rin ako bigla dahil sa pag – aakalang Agatha ang pangalan nito. Ramdam ko ang pares ng mga brasong umalalay sa akin papatayo.
“ Just making sure na hindi nya gagawan ng masama si Ava. Isa pa, those Venomous Buds will not kill him in an instant. It won’t react unless you hurt Ava. ”
“ Shame on you! ”
Unti – unti ay muling bumalik ang lakas ko pagkaraan ng ilang sandali. Nawala na rin ang sakit na nagmumula sa dibdib ko.
“ Ciao! ”
Magsasalita pa sana ako upang alamin kung ano ang ginawa nito ngunit mabilis na itong naglaho sa aming mga paningin. Napatingin pa ako kay Sapphire ng humigpit ang kapit nito sa braso ko. Halata rin dito ang pagkainis.
“ Just make sure na poprotektahan mo si Ava sa kahit na sino habang wala kami. I’m counting on you. ”
Hindi pa ako nakakabawi noon ng sabay – sabay silang maglahong lahat. Napakamot na lang din ako dahil sa nangyari. Magkaganoon man, masaya ako na kahit papaano ay makabawi man lamang ako kay Ava.
End of Chapter 24
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!