Chapter 22
Sapphire Amethyst Marvelo ~
Nakapalibot kaming lahat ngayon sa sala habang sina Drake at Axis ay nakaupo naman sa tapat namin. Kasama namin ang mga kaibigan ni Axis dahil hindi nagpaawat ang mga ito na makaalis kami hangga’t hindi daw nakakabalik sa kanila si Axis.
Proud pa naman akong dalhin sila sa kwarto namin dahil alam kong wala dito ang dalawang asungot na to tapos iyon ang makikita namin. Fuck bro. Pinalipas na rin namin ang ilang oras dahil hinintay namin na magkamalay si Axis. Nawalan kasi ito ng malay kanina. Hinayaan naman na namin sila dahil sinabihan ko si Drake na mamaya na sya magpaliwanag oras na magising si Axis.
“ Care to explain. ”
Mataray na pagkakatanong ni Qquia sa kanilang dalawa. Nakacross – arms rin ito habang nakacross – legs. Matalim rin ang mga titig nitong ipinupukol sa kaibigan habang nanlilisik naman ang mga iyon oras na dumako sa kabilang gawi kung nasaan si Drake.
“ I – ”
“ Hindi ikaw ang kinakausap Drake, tumahimik ka. ”
Magsasalita pa lang sana noon si Drake ng bigla namang sumingit si Anica at binara sya. Mainit rin ang ulo ng isang ito dahil natigil ang pamamahinga nya ng ilang oras. Hindi na kataka – taka pag nagkataon na may lumipad na mga gamit mamaya.
Napatahimik naman sya ng dahil doon. Ngunit hindi nakaligtas sa aming mga paningin ang paghawak ni Axis sa kamay ni Drake ng mahigpit bilang pampalubag – loob sa huli. Napataas na rin ako ng kilay dahil doon. Ayaw pa kasing sabihin kung may namamagitan sa kanila or wala eh. Ginagaya pa nila sina Ava at Blaze eh, lakas maka – showbiz. Nahuli na nga nga namin sila eh, ayaw pang umamin. Hayst.
“ Walang namamagitan samin. Tinulungan nya lang ako na alisin ang lason sa katawan ko. ”
Agarang sagot ni Axis. Napapalatak pa si Avira sa sagot ng kaibigan na para bang hindi ito naniniwala dito. Kahit kami ay ganoon rin lalo pa at iba ang nakita namin sa sinasabi nila. Tsk.
“ As if that we’re going to believe you. Umamin na kasi kayo kung may namamagitan ba sa inyo o wala? Ginagaya nyo pa sina Ava at Blaze eh! ”
Bulyaw sa kanilang dalawa ni Avira. Hinawakan pa ito ni Jero sa mga braso nito upang pigilan ito sa pagsugod sa dalawa.
“ If you don’t believe that then I don’t have any reason to keep on explaining. ”
Saad nya rito. Hindi na sana ako magre – react dito maging ang mga kaibigan ko ngunit napasinghap kaming lahat ng tumayo ito at hinatak papatayo si Drake. Kita ko pa ang pagkagulat sa mga mata ng kaibigan namin dahil dito ngunit kaagad rin iyong napawi ng tumingin sya sa mga mata ni Axis.
“ Let’s go. ”
0_0
Napatango na lang ang aming kaibigan atsaka sila umalis sa aming harapan. Nakasunod lang ang aming mga paningin sa kanilang dalawa hanggang sa tuluyan silang mawala at makaakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ni Drake.
“ O my ghad! ”
Napatingin naman kaming lahat kay Qquia ng sabihin nya iyon. Pero ang mas ikinagulat namin ay nang mawalan ito ng malay. Ghad.
“ Qquia! ”
Blaze Eziken Dela Cuesta ~
Magkasama pa rin kami ngayon ni Ava. Wala na kaming pinag – uusapan pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Hindi sya umiimik ng kahit na ano kaya’t ibayong kaba ang dulot niyon sakin. Parang anumang oras ay gagawa ito ng hakbang upang patayin ako. Shit.
Huminga pa muna ako ng malalim upang kuhain ang atensyon nito. Ayokong ganito ang nangyayari sa amin lalo pa ngayon na parang may mga bagay pa syang gustong itanong at malaman tungkol sa pamilya ko. Nakakapagtaka lang kung paano nya nakilala ang Lolo ko.
“ Bakit mo nga pala kilala ang Lolo ko? ”
Natanong ko na lang sa kanya bilang pambasag na rin sa katahimakang bumabalot sa amin. Nag – angat pa ito ng tingin sa akin saka ngumisi.
“ He killed my parents. ”
Para akong nabingi sa sinabi nya. Bigla ring sumikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Para akong naubusan ng lakas dahil sa impormasyong iyon.
“ A – ano nga ulit yung sinabi mo? ”
Muli kong pagtatanong sa kanya. Alam kong katangahan na ang ginagawa ko pero gusto kong masigurado na hindi nga ako nabibingi. Gusto ko iyong marinig ng malinaw kahit pa magdulot iyon ng ibayong sakit para sa puso ko.
“ Pinatay nya ang mga magulang ko. Kinuha nya ang kaligayahan ko – ang pamilya ko. Kung tutuusin, pwede na kitang patayin ngayon para makaganti ako sa demonyo mong Lolo, sa buo nyong angkan. Pero hindi ko magawa dahil hindi naman ikaw ang pumatay sa kanila. ”
Hindi lingid sa aking kaalaman na maraming galit sa aming pamilya. Hindi ko lamang inaasahan na ang taong kaharap ko ngayon ay isa sa kanila. Napayuko na lang ako sa pagkapahiya. Paano pa ko makakaganti sa kanya kung kulang pang pasakit ang dapat nyang ibigay sa akin kapalit ng buhay ng mga magulang nya? Fuck.
“ I’m sorry. ”
Nasabi ko na lang. I feel so bad. Fuck.
“ You don’t need to say sorry for the sins of the others. Ang kailangan mo lang gawin ay sabihin sakin ang lahat ng impormasyon na nalalaman mo tungkol sa Lolo mo. ”
Muli akong napatingin sa kanya ng dahil doon. Natigilan pa ako ng makitang nagkulay violet ang kanyang mga mata. Napa – iling pa ako doon dahil baka namamalik – mata lamang ako. Pagtingin ko naman sa kanyang muli ay nagbalik na ito sa orihinal nitong kulay. Mukhang namamalik – mata nga lang ako.
“ Pero matagal ng patay si Lolo. ”
Sagot ko naman sa kanya. Imposible kasi ang sinasabi nya. Kahit pilitin ko pa sina Mom and Dad na magkwento about kay Lolo ay paniguradong hindi rin ito magsasalita pa tungkol doon.
“ How old are you? ”
Napataas naman ako ng kilay dahil sa itinanong nya. Naguluhan din ako dahil doon. At ano naman ang kinalaman ng edad ko sa sinasabi nya?
“ 21. Ano bang koneksyon ng edad ko kay Lolo? ”
Tanong ko sa kanya na puno ng pagtataka.
“ I’m 20 turning 21 this year. My parents died when I was 5 turning 6 kaya papaano ka nakakasiguradong patay na nga ang demonyo mong Lolo kung wala nyang awang pinatay ang mga magulang ko noong mga panahong iyon? ”
Mabilis akong napalayo sa kanya dahil sa malakas na enerhiyang pinakawalan nya sa kanyang katawan. Nagulat pa nga ako ng bigla na lang syang sumulpot sa harapan ko at pabalya akong ibinagsak sa ibaba. Hindi pa ako noon nakakabawi ng mabilis nya akong itinayo mula sa pagkakahiga at sinakal.
“ A – ava – ”
Putol kong pagtawag sa kanya upang kahit papaano ay huminahon sya.
“ I won’t stop. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko napaparanas sa Lolo mo ang mga pasakit na pinaranas nya sa mga magulang ko noon. Iisa – isahin ko kayo sa pamilya nyo hangga’t wala nang matira sa inyo. Mark my words! ”
End of Chapter 22
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasíaRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!