Chapter 6

113 7 0
                                    

Chapter 6

Blaze Eziken Dela Cuesta ~

Lumipas na ang ilang araw at nakalipat na sa kanilang mga lungga ang buong grupo ni Ava. Excuse na rin muna sila upang makapagpahinga. Ako na rin kasi mismo ang nag – report tungkol sa nangyaring panloloob sa paaralan ng mga Limire. Dahil din doon, mas pinataas ang seguridad at mas pinadami ang mga guwardya sa bawat sulok ng paaralan upang masiguro na hindi na iyon mauulit pa. Bilang kapabayaan, binigyan sila, maging kami ng mga kaibigan ko ng oras upang makabawi ng lakas sa nangyaring labanan kahit ilang araw na rin ang nakalipas.

“ Ang lalim yata ng iniisip mo? ”

Tanong sa akin ni Axis. Nasa attic ako ng bago kong kwarto dito sa dormitoryo, sira na kasi yung luma dahil kay Lolo Antique. Ang idinahilan ko na lang din upang makakuha ako ng panibagong kwarto ay yung tungkol sa nangyaring labanan. Pag sinabi ko rin kasing may pinapasok kaming ibang nilalang na hindi taga – rito ay baka mabulilyaso pa ang lahat.

“ Wala naman. Iniisip ko lang kung bakit ako nangako sa Lolo ni Ava kahit na alam ko naman na hindi maganda ang naging simula ng aming pagkikita. Ni hindi nga kami magkaibigan kaya nagtataka lang ako sa sarili ko kung bakit ko nasabi ang mga bagay na iyon? ”

Bakit ko nga ba nasabi ang mga bagay na yun? Hindi naman ako ganon ah? Tsaka, nagulat rin ako sa sarili ko dahil nagawa ko talagang magbitaw ng isang pangako which is hindi ko kailanman ginawa. I always believe na ang mga pangako ay ginawa upang saktan ang taong pinangakuan mo para umasa. Kaya bakit?

“ You’re just closing your mind and your heart to accept the reality. If I were you, muli mong buksan to. ”

Bigla nyang itinuro ang dibdib ko matapos nya iyong sabihin. Napakunot – noo pa ako dahil hindi na sya muli pang nagsalita at umalis sa harapan ko. Ano bang sinasabi nyang buksan ko ang dibdib ko?

“ Mas lalo lang gumulo ang isip ko eh! Makatulog na nga lang. ”

But truthfully, hindi naman sa ayoko yung sinabi ko. Sadyang nahihiya lang ako lalo pa at naroroon ang iba sa mga kasamahan ko. Hayst, matutulog na talaga ako. Kailangan ko ng peace of mind.

Avalche Berg Dolo Fuerto ~

Tulala lang akong nakatingin sa labas. Hindi ko pa kasi tuluyang nababawi ang lakas na ginamit ko nung mga nakaraang araw. Sapilitan pa nga ang paggalaw ng mga kamay ko eh. Mabilis rin akong napapagod sa mga mumunti kong pagkilos dahilan upang hindi umalis ang mga kaibigan ko at salitang nagbabantay sa akin. Para kung sakali man daw na may kailangan ako ay sasabihin ko na lamang at hindi ko na kinakailangan pang kumilos.

Katulad ngayon, ang kasama ko ay si Sapphire. Hindi ko lang alam kung nasaan pa ang iba.

“ Kanina ka pa dyan tulala, ano bang iniisip mo? ”

Umiling na lang ako bilang pagtugon sa itinanong nya. Ayoko naman kasi maging rude kahit pa wala ako sa mood tsaka alam nilang pag ayokong sabihin ang iniisip ko, ayoko. Hindi na nila mapipilit pa iyon.

“ Alam mo bang si Blaze ang nag – alaga sayo? ”

Napalingon naman ako sa sinabi nya. Sino naman si Blaze? Tsaka bakit naman ako aalagaan nun? Hindi ko nga sya kilala eh.

“ Sya yung inaway mo na muntik mo nang patayin. ”

0_0

Napalaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Yung lalaking yun? Aalagaan ako? Imposible! Eh, mukhang wala nga yung pakialam sa paligid eh.

“ Sya mismo ang sumalo sayo nung nawalan ka ng malay. Tapos, sa mismong kwarto ka rin nya pinagpahinga upang bantayan. Nangako rin sya kay Lolo Antique na poprotektahan ka nya sa lahat ng mga tao at nilalang na mananakit sayo. Ang sweet di ba? ”

Ginawa nya ang lahat ng yun? For what? May hidden agenda ba sya sa akin? I need to know.

“ Pwede mo ba kong samahan ngayon papunta sa kanya? Gusto ko syang pasalamatan sa ginawa nyang pagtulong sa akin. ”

At tanungin kung ano ang kapalit ng mga pinaggagagawa nya. Alam kong hindi bukal sa kalooban nya ang pagtulong sa akin, ramdam ko yun kahit ngayon ko lang nalaman ang mga bagay na to.

“ Okay. Wala rin naman tayong gagawin dito magdamag, tsaka alam kong bored ka na rin naman. Wait lang, kunin ko lang yung wheelchair sa labas. ”

Tumayo ito atsaka dali – daling lumabas. Hindi ko na rin naman kailangan pang magbihis dahil kanina pa ako nakapaghanda ng sarili ko bago mananghalian. Ang tanong lang is, kung nandoon sya?

***

Nasa tapat na kami ng bagong kwarto ni Blaze – ang pangalan nya na kanina ko lang napagtuunan ng pansin. Nasira daw kasi ang una nyang kwarto kung saan ako namamahinga nung dumating si Lolo Antique. Kahit kailan talaga ang isang yun, walang pinapatawad.

Ding ~ Dong ~

Sana lang ay nandyan sya upang hindi masayang ang ipinunta namin. Ilang sandali pa ng makarinig ako ng mga yabag na galing sa loob ng kwartong iyon. Salamat naman at may tao.

“ Sinong – ”

“ Hi! ”

Putol ko sa dapat na sasabihin nya – ni Blaze. Nakatapis lang sya ng towel at mukhang kakaligo lamang dahil basa ang ilang hibla ng buhok nya. Nanlalaki rin ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

“ A – anong ginagawa nyo dito? ”

Nauutal nya pang tanong at mukhang hindi pa nakakabawi sa pagkakagulat ng makita kami.

“ Pwede bang papasukin mo muna kami? ”

“ Oh, sorry. Pasok kayo. ”

Unang bumungad sa akin ang all white na background ng kwarto. Malaki ito at malawak. Mukhang yayamanin talaga pala ang isang ito.

“ Ano nga palang pakay nyo at napadalaw kayo? ”

Muli nyang tanong ng makarating kami sa sala.

“ Sapphire, pwede bang lumabas ka muna? ”

Ang sabi ko kay Sapphire. Ayokong marinig nya ang mga pag – uusapan namin.

“ At bakit naman – ”

“ I need some privacy. ”

Putol ko sa kanya. Napabuntong – hininga naman ito at defeated na lumabas. Doon ko na ginamit ang ilan kong lakas na naipon upang tanggalan ng tunog ang buong kwarto at lagyan ito ng barrier na magsisilbing shield sa kung sino man ang gustong pumasok.

“ So? ”

“ Thank you nga pala sa pagtulong na ginawa mo sakin last time. And the reason I’m here is to ask you kung ano ang magiging kabayaran ko sa lahat ng mga pagtulong na ginawa mo sa akin. Alam kong ginawa mo yun not because you’re a hero, alam kong ginawa mo lang yun just to pretend to be one. ”

Seryoso kong sabi sa kanya. Napangisi naman ito sa sinabi ko at lumapit sa akin ng hindi man lamang kumukurap. Nakaupo pa rin ako sa wheelchair kaya naman nakatingala ako ngayon dito ng tumapat ito sa akin.

“ Paano kung sabihin kong gusto kong galawin ang katawan mo? Papayag ka ba? ”

Sabi nya ng hindi pinuputol ang aming titigan. Napangiti na lang tuloy ako sa loob ng aking isipan. Tama ang aking hula na isa sya sa mga nilalang na naghahangad na ako’y mapasakanila. Ito man ang una na hahayaan kong galawin ako ng isang estranghero ay hindi pa rin noon mababago na kailangan ko syang bayaran.

“ Okay. ”

End of Chapter 6
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now