Chapter 9
Anica Agatha Victorina (Agatha’s Point of Veiw) ~
Dalawang na araw na ang lumipas. Nagkaroon na rin ng malay si Ava. Sya na rin ang umamin sa amin na wala naman talagang nangyari sa kanila ni Blaze. Alam na rin naman namin iyon dahil sa paliwanag sa amin ni Apollo nung una. Gusto lang talaga namin na mismong marinig sa kanya iyon.
Pinaliwanag na rin naman namin sa kanya ang nangyari pagkatapos nyang mawalan ng malay. Hindi naman na sya nagbigay pa ng komento pa at tumango na lamang.
“ Wag kang mag – alala, hindi na naman magtatangka pang lumapit kay Ava ang gagong yun. I told him na kamatayan na nya ang makukuha nya oras na lumapit pa sya kay Ava. ”
Napangiti na lang ako sa sinabi ng kapatid ko. Sya kasi ang mas malakas sa aming dalawa kaya naman sa lahat ng oras lalo na yung mga delikadong misyon noon ay sya ang may gamit ng katawan naming dalawa.
“ Salamat naman kung ganoon. ”
Sabi ko sa kanya.
“ Magpahinga ka na lang. Wag mo nang masyadong isipin ang mga bagay – bagay. Okay na rin naman si Ava at kita ko naman na nakakabawi na talaga sya ng lakas hindi katulad nung una na naka – wheelchair pa sya. ”
Napatango naman ako sa sinabi nito. Being a Seer is a not a privilege. It consumes too much Spiritual Energy which why most of the Seer dies at a very young age. Swerte na lamang ako dahil hindi naman ako nag – iisa sa katawang ito. Kasama ko ang kapatid ko na syang may malakas at mas makapangyarihang Spiritual Force sa aming dalawa dahilan upang makatagal ako.
“ Don’t worry Anica, tatandaan ko yan. ”
Hindi na naman ito nagsalita pa kaya naman lumabas na lang ako ng kwarto ko. Naabutan ko sa kusina na nagluluto si Sapphire. Ang chef ng grupo. Marunong naman kaming lahat na magluto, it’s just that na hindi kasi kaming galing ni Sapphire.
“ Anong niluluto mo Sap? ”
Tanong ko sa kanya pagkapasok ko sa kusina.
“ Napaaga yata ang gising mo ngayon? ”
Gulat nitong pansin sa akin.
“ Hindi ako makatulog ng maayos eh. ”
Maikli kong sagot sa kanya at umupo sa harapan nya.
“ Same. Wala rin naman akong magawa kaya naisipan ko na lang na magluto. Tutal, ngayon na lang naman ulit ako nakapagluto eh. ”
Nginitian ko na lang ito. Totoong mahalaga talaga sa amin si Ava. He’s our inspiration to keep on fighting. Tinulungan nya kami noon sa mga nilalang na bumaboy sa amin at syang naging dahilan para mawalan kami ng pamilya. Binigyan nya kami ng panibagong pag – asa kasama na si Lolo Antique na mabuhay ng normal at lumaban pa. Kaya naman, ipinangako namin sa mga sarili namin na handa kaming mamatay para sa lang sa kanya. At mailayo sya sa mga taong sasaktan sya.
“ Ang bango naman! ”
Sabay kaming napalingon ni Sapphire sa bukana ng kusina kung saan kitang – kita namin si Cymon na naghihikab pa at mukhang kagigising lang rin.
“ Ang aga natin ah? Pag pagkain talaga eh! ”
Birong bati ko sa kanya habang papunta sya sa amin. Umupo ito sa katapat na upuan ko at yumuko pa.
“ Syempre no! Pagkain yan eh, biyaya ng Maykapal kaya naman dapat talagang magising ako. ”
Napatawa na lang kami ni Sapphire dahil sa isinagot nya. Sya kasi ang mahilig kumain sa aming lahat. Food for him is lifer than his life.
“ Ang mabuti pa, gisingin nyo na lang yung iba. Matatapos na rin naman kasi ako dito, pangit pa namang kainin tong mga to pag lumamig na. ”
Tumango na lang ako. I just hope na maging maganda ang araw na to para sa amin. Sa lunes na kami babawi sa mga klase na naiwanan namin. Excuse rin naman kami eh.
Qquia Aristeris ~
Bad trip talaga eh. Hanggang ngayon kasi ay nabibwisit pa rin ako sa mga letcheng yun. Pagbintangan ba namang ni – rape ni Blaze ang Leader nila? Yuck. Tsk.
“ Madaling araw pa lang pero nakabusangot na kaagad ang mukha mo? Nice. ”
It was Jero. Seryoso ang mukha nitong nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko na lang ito ng kilay dahil wala akong oras para sa mga trip nya.
“ I have a plan para hindi na makapasok pa ang mga yun dito sa paaralan. ”
Napatingin naman ako sa kanya ng dahil doon. He’s brilliant when it comes to this kind of matter, no doubt about it. Sya ang brain ng grupo tuwing may misyon kami and it never fails us kaya naman tiwala ako sa plano nya para mapatalsik na ang mga bwisit na yun.
“ Then tell me more about it. ”
Sagot ko sa kanya.
“ Ayain mo na muna sina Vhiro, Avira at Axis but not Blaze. Alam kong hindi sya papayag pag nagkataon. Bring updates to me before the dawn pag nakumbinsi mo na sila at saka ko na sayo sasabihin ang mga plano ko. ”
Umirap muna ako dito atsaka tumango. Umalis na rin naman sya sa harapan ko pagkatapos niyon. Masyado pang maaga, hindi rin naman ako maaasahan sa kusina kaya naman maglalakad – lakad na lang ako sa labas para naman makalanghap ako ng sariwang hangin. Nalalason na ko dito eh.
Unang bumungad sa akin pagkalabas ko sa kwarto namin sa dormitory ay ang medyo may kadiliman pang labas. Hindi pa rin masyadong sumisikat ang araw. Medyo mahamog pa rin kaya naman malamig ang simo’y ng hangin.
“ What a way to chill and relax. ”
Nasambit ko na lang ng huminga ako ng malalim at sinamyo ang preskong hangin.
Creak ~
Mabilis akong napatigil sa ginagawa kong pag – iinat ng bigla na lang akong makarinig ng mga kaluskos na hindi kalayuan sa akin. Ginamit ko rin ang isa kong ability which is Camouflage upang hindi ako makita in case na lumapit ako sa kinaroroonan ng gumagawa ng mga kaluskos na iyon.
Ang direksyon nito ay ang kagubatan na hindi kalayuan sa paaralan at syang malapit sa dormitoryo ng mga estudyante na nasa kabilang gusali. Hindi naman ako kinakabahan kung sakali mang makipaglaban ako sa mga oras na ito, alam ko rin naman kasing may ibubuga ako kaya ganoon na lang ang lakas ng loob na meron ako.
Kaunti pa at matutunton ko na ang pinanggagalingan ng mga kaluskos na iyon ng bigla na lang ako mapatigil dahil sa isang kamay na lumapag sa mga balikat ko. Aamba na sana ako ng suntok ng mabilis nito iyong nailagan at sinalag ang isa pa.
“ At ano naman ang ginagawa ng isang Qquia Aristeris sa kagubatan ng ganitong oras? ”
Mabilis kong binawi ang kamay kong hawak – hawak nya. Lumabas na rin ako sa totoong anyo ko at inirapan ang School of Supernatural Student Council President na si Vincent Orlais.
“ Just to chill out and relax. I’m a bit stressed nitong mga nakaraan kaya naman naisipan kong maglakad – lakad ngayong umaga. ”
Seryoso kong sagot sa tanong nya. Hindi ko gusto ang aura ng lalaking ito lalo pa at ramdam ko ang pagiging dominante nito na syang aming pagkakatulad. Both dominants can’t breathe the same air in one space kaya naman lumayo ako sa kanya ng ilang dipa.
“ I’m surprised na nagawa mo kong makita kahit na gamit ko ang isa sa mga ability na mayroon ako. How come? ”
Tanong ko sa kanya.
“ Your presence is the answer. ”
Nakangiti nitong sabi. Napatango na lamang ako sa isinagot nito. He’s too mysterious na kahit ako ay kinakabahan sa presensya nya. Fuck.
“ I see. If you don’t need anything, I’m going now. ”
Hindi ko na sya hinintay pang makapagsalita at nagdire – diretso na upang makalayo sa kanya. That asshole, what a freak.
End of Chapter 9
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!