Chapter 28

48 4 0
                                    

Chapter 28

Avalche Berg Dolo Fuerto ~

“ Thanks for the favor. I won’t forget this. ”

Sabi ko sa kanila gamit ang pinaka – sincere kong boses at ang genuine kong ngiti. Ramdam ko na rin naman na hindi na ganoon kalalim ang tensyon sa pagitan namin kaya’t panatag ang loob ko sa pakikisalamuha at paghingi ng pabor sa kanila.

Nagawa nga nila Sapphire na utusan si Blaze parra bantayan ako eh. Tsk.

“ Sigurado ka bang hindi mo na kailangan ng kasama? ”

Umiling na lang akong muli sa pang – ilang beses na tanong sa akin ni Blaze. Nakapaghanda na rin naman ako ng mga dadalhin ko sa aking pagbabalik sa guild. Hindi ko man alam ang pinaka nangyari sa mga kaibigan ko ay ramdam ko naman na hindi maganda ang madadatnan ko doon.

I just hope na walang kahit na sinong parte ng pamilya ko ang namatay dahil sisiguraduhin kong buhay rin ang magiging kapalit noon.

“ Kayo na ang bahala sa kanilang magpaliwanag pag hinanap nila ako, sa muli nating pagkikita. ”

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at mabilis na nag – teleport papunta sa aming guild.

***

Hindi nagtagal ay nakarating rin ako sa lugar kung saan matatagpuan ang guild namin. Ang Lost City of Petra na makikita sa gitna ng Jordanian Desert. Actually, hindi naman talaga dito ang orihinal na lugar kung saan makikita ang guild. Sadyang nagpakatago – tago lang kami dahil na nga sa mga misyon na aming kinukuha laban sa Eabha.

Wala akong sinayang na oras at kaagad na pumasok sa loob ng syudad. Hindi na rin naman ako nagtaka ng makitang sira – sira na ang mga gusali na aking nadatnan sa loob ng syudad. Sa ganoong estado ng mga kaibigan ko, alam kong hindi ordinaryong labanan ang sinalihan nila.

Nagpatuloy na lamang ako sa paligid at hindi na pinansin pa ang nangyari sa buong syudad. Ang kailangan ko lang ngayon makita ay ang mga kasamahan ko sa guild upang malaman ang buong pangyayari. Kailangan ko ring makausap si Kuya Disco upang mas maliwanagan ako biglaang pagkilos ng Eabha laban sa amin. Ilang taon na kasi ang nakakaraan ng magsimula kami sa pakikipaglaban sa kanila ng hindi kami natutunton. Ngayon lamang ito nangyari kaya’t kataka – taka talaga dahilan para ihanda ko ang sarili ko na pumatay ng mga taong nakasalamuha ko na noon na maaaring syang nasa likod ng lahat ng mga ito – ang traydor sa grupo.

“ Apo! ”

Kaagad akong napatigil sa paglalakad ng isang boses ang bigla na lang bumasag ng katahimikan ng paligid. Mabilis akong lumingon sa aking pinanggalingan upang makita at masiguro na si Lolo Antique nga talaga ang tumawag sa akin.

Hindi naman ako nabigo dahil totoong sya nga ito. Kasama nya rin ang buong guild na syang nakapagpataka sa akin.

“ Lolo? Ano po bang nangyayari? ”

Tanong ko rito ng makalapit. Napalingon pa ako sa lahat ng mga kasamahan namin dahil pansin ko na kulang ang bilang nila.

“ Hinahanap ka na nila apo. ”

Diretsahan nitong sagot na hindi na nagpagulat sa akin. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni Lolo at tumingin sa mga kasamahan namin. Hindi ko kasi makita si Kuya Disco.

“ Lo? Bakit yata parang kulang tayo? Nasaan si Kuya Disco pati na yung mga kaibigan nya? ”

Tanong ko dito dahil hindi ko maramdaman ang mga presensya nila. Lumingon – lingon pa ako dahil mahilig manggulat ang mga ito pero naikot ko na yata ng 360o ang ulo ko ay hindi ko pa rin sila nakita.

Napabalik na lang tuloy ang tingin ko kay Lolo pati na sa iba na nakayuko. Doon na lang pumasok sa isipan ko ang sagot sa aking mga tanong. Bigla ko tuloy naramdaman ang panlalamig ng aking mga kamay at ang unti – unting pagtaas ng aking enerhiya.

“ Apo – ”

“ Hindi nyo na po kailangang sumagot. ”

Pigil ko kay Lolo Antique. Ayokong dagdagan pa ang sakit na dinaramdam nya sa kanyang dibdib.

“ Ku – kuya? ”

Napalingon naman ako sa direksyon ng batang tumawag sa akin. Pigil ang mga luha nito at halatang nagpapakatatag habang diretsong nakatingin sa akin. Ikinumpas ko naman ang mga kamay ko at iminuwestra na lumapit sa akin. Hindi naman ito nag – alangan at patakbong lumapit sa akin.

Yumuko naman ako ng kaunti upang pantayan ang tangkad nito at para na rin salubungin sya ng isang mahigpit na yakap.

“ Ku – kuya, iniwan na – na po ako nina Mama ko. ”

Sabi nito sa akin at isinubsob ang mukha sa leeg ko habang umiiyak. Hinayaan ko na lamang ito sa pag – iyak dahil gusto kong iparamdam sa kanya na hindi pa sya nag – iisa, na nandito pa kami para sa kanya. He’s too young to suffer from this pain that happened to me before.

“ Don’t worry, nandito na si Kuya Ava mo. No one will ever dare to hurt my Baby Caius. ”

Pagpapalubag loob ko dito habang hinihimas ang likuran nito upang kahit papaano ay mabawasan ang pag – iyak nito. Namamaga na kasi ang mga mata nito ng lumapit sa akin. Paano pa kaya ngayon na umiiyak na naman ito?

“ This will be a bloody revenge Lo, isn’t it? ”

Tanong ko sa kanya ng hindi ito tinitingnan. Hagga’t maaari ay pinipigilan kong magpakawala ng malakas na enerhiya dahil baka hindi ito kayanin ni Caius, nakayakap pa naman sya sa akin.

“ Hindi lang ito magiging madugo apo, this will be the start of war. Hindi lang para sa atin at sa Eabha kung hindi pati na rin sa iba pang guild sa buong mundo. ”

Tumango naman ako sa sinabi nito at tumingin sa direksyon kung saan nakatayo ang dati naming guild.

“ Nandoon sila, hindi ba? ”

Tanong ko pa na syang tinanguan ng mga kasamahan namin. Lumingon naman ako doon ng kinompirma nila sa akin na nandoon nga ang mga kalaban namin.

Sisiguraduhin kong walang makakaligtas ni isa sa kanila.

End of Chapter 28
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now