Chapter 27

50 5 0
                                    

Chapter 27

Third Persons Point of View ~

Ilang araw bago ang pagkakaroon ng sakit ni Ava ay dumating ang isang sulat para rito na syang tinanggap ni Sapphire. Hindi naman na bago sa kanila ang kanilang mga ugali kaya’t hindi nya iyon pinagtuunan ng pansin at iiwan na lamang sana sa kwarto ng huli. Ngunit hindi nya iyon naituloy ng makita nya ang seal na nasa likuran ng sulat – iyon ang seal ng kanilang guild.

Walang pag – aalinlangan nyang tinawag ang lahat at pinagtipon sa living room ng kanilang kwarto sa dormitoryo upang alamin ang sulat na iyon. Si Ava ay hindi na nila nahintay pa dahil hindi nila ito mahagilap sa buong paaralan.

Si Agatha ang nagbukas ng sulat. Pagkabukas na pagkabukas nya pa lamang dito ay saka naman lumabas ang hologram ng kanilang Kuya Disco. Nagkagulatan pa sila ng dahil doon na syang muntikan ng tumupok sa sulat. Mabuti na lamang at napigilan nila ang kanilang mga sarili.

“ Ava, alam kong nasa isang misyon ka at alam ko rin na malapit ito sa puso mo dahil tungkol ito sa iyong mga magulang. Pero sana, pagbigyan mo na muna ang kahilingan ko na bumalik ka dito sa guild. Iwan mo ang mga kaibigan mo at hayaan mo nang sila ang magpatuloy sa pagkuha ng mga kailangan mo. Kailangan ka ng guild, kailangan ka namin. ”

Hindi kaagad sila nakapagsalita sa nalaman nila. Kung ito ang dahilan ng pagkawala ni Ava ng ilang pagkakataon sa hindi maipaliwanag na dahilan ay baka tumulong pa sila. Doon na rin natapos ang sulat na iyon. Tulala ang iba sa kanila habang ang iba naman ay tumayong parang nanghihina at bumalik sa kani – kanilang ginagawa bago dumating si Sapphire. Ibinalik na lang din ni Sapphire ang sulat sa loob at saka inilagay sa kwarto ni Ava.

“ This mission we are doing is for Ava. We are doing this for him kaya walang dahilan para gumawa tayo ng mga hakbang para matigil sya sa kanyang pag – iimbestiga. ”

Mga salitang lumabas sa bibig ni Cymon ng makababa si Sapphire.

“ That means na tayo ang uuwi para tulungan ang guild. ”

Pinal na sabi ni Anica habang nakatake – over sa kapatid nyang si Agatha.

***

Mabilis na lumipas ang mga oras at ngayong araw nga ang dapat na pag – alis ni Ava na hindi natuloy dahil sa kanyang pagkakaroon ng sakit. Alam nya na kailangan sya ng guild at hindi nya iyon sinasabi sa kanyang mga kaibigan ngunit ng dahil sa nararamdaman nya ay baka hindi pa sya matuloy sa pagpuslit mamayang gabi upang hindi mapansin ng mga ito ang kanyang pag – alis. Ang hindi lamang nya alam ay planado na ang kanyang pagkakasakit na si Agatha mismo ang gumawa.

Nang araw ding iyon humingi ng pabor si Sapphire kay Blaze upang tingnan muna si Ava habang wala sila. Hindi naman nila maaaring sabihin ang totoong dahilan kaya’t sa ibang usapan na lamang nila ito dinala. Doon na rin nakigulo si Anica at tinaniman sa kanyang puso si Blaze ng mga Venomous Buds.

***

Kaagad na nakabalik ang grupo nina Sapphire sa kanilang guild sa tulong ng portal na gawa ni Cymon. Bumulaga sa kanilang ang guild na wasak na habang ang iba sa kanilang mga kasamahan ay wala nang malay at naliligo sa kanilang mga sariling dugo. Nahuli sila ng dating.

“ Those fuckers. ”

Natitigilang sabi ni Anica sa nagngangalit na boses. Walang ano – ano ay biglang naglutangan ang mga katawan ng kanilang mga kasamahan na walang malay at puno ng sugat. Sa isang wasiwas ng kamay ni Anica ay nawala ang lahat ng sugat na mayroon ang mga ito dahilan upang panawan sya ng lakas at mawalan ng malay. Mabilis naman na umalalay sa kanya si Apollo na malapit lamang sa kinalalagyan nya dahilan upang hindi sya mabuwal sa lupa.

“ Sapphire! ”

Sabay – sabay silang napatingin sa tumawag kay Sapphire – ang kanilang Kuya Disco. May mga galos rin ito sa kanyang katawan ngunit hindi iyon gaanong mga malalalim kaya’t normal pa rin itong nakakakilos.

“ Kuya Disco! Anong nangyari sa guild? ”

Kaagad na tanong ni Drake ng makababa ito mula sa itaas.

“ Si Ava? ”

Hindi sumagot si Disco sa itinanong ni Drake, sa halip ay sumagot rin ito ng isa pang tanong.

“ May sakit si Ava Kuya. Kaya’t kami na lamang ang pumunta rito upang tumulong. Hindi naman namin inaakala na ganito kalala ang gulo na madadatnan namin. Ano ba kasi talagang nangyayari? ”

Si Sapphire iyon na syang nagpaliwanag sa huli. Ang kanyang boses ay mahihimigan ng pag – aalala lalo pa at hindi nalalayo na ang iba sa kanila sa mga oras na ito ay patay na sa tindi ng labanan na hindi nila naabutan.

“ We are traced. Nahanap na tayo ng totoo nating mga kalaban. ”

Natigilan ang lahat dahil sa sinabi nito. Alam nila ang tinutukoy ng kanilang Kuya Disco kaya’t lahat sila ay napahinga na lamang ng malalim. Doon na rin sila naliwanagan kung bakit si Ava lamang ang pinapapunta ng kanilang Kuya Disco gayong alam nilang malaki rin naman kung sakali ang kanilang maitutulong. Ngunit ngayon na alam na nila, bumaba ang piyansa sa mga sarili nila upang makatulong.

“ Eabha is on the hunt. Hindi talaga sila titigil hangga’t hindi nila nababawi ang lahat ng mga Sacred Relics na pinakatatago ng pamilya ni Ava. ”

Dugtong pa nito.

They’ve known from the very beginning that Ava’s Family is one of a hell warrior. Kanino pa ba magmamana ang huli. Isa pa, hindi rin lingid sa kanilang kaalaman na totoong makapangyarihan ang mga magulang nito dahil sa dami ng mga Sacred Relics na patago nitong itinatago sa kung saan upang hindi mapunta sa kamay ng pinuno ng grupo. Kabilang kasi ang mga ito sa Eabha noon. Nagbago lang naman iyon ng tumiwalag ang mga ito na naging sanhi upang mamatay sila.

“ Everything’s fine for now. Nandito naman si Uncle para tumulong kaya’t walang dahilan para matakot tayo sa kayang gawin ng mga – ”

Boom ~

Naputol ang lahat ng kanilang pag – uusap ng isang malakas na pagsabog ang nagpayanig sa lupa di kalayuan sa kanila. Kasunod niyon ang isang boses na nanggaling sa kanilang likuran dahilan para mapaharap sila lahat roon.

“ You’ll all die if you won’t surrender now. ”

0_0

“ Ikaw? ”

End of Chapter 27
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now