Chapter 4
Blaze Eziken Dela Cuesta ~
Hapon na at ako na lang ngayon ang naiwan upang bantayan si Ava. Umalis na muna kasi silang lahat upang magpaalam sa mga guro namin na hindi na muna kami makakapasok kasama na ang mga transferees. Pinagdahilan ko na lang upang hindi na sila magtanong pa oras na makabalik kami sa klase. And yes, they were transferees. Mapagkakamalan lang silang bata dahil nga sa pagka – baby face ng mga mukha nila lalo na si Ava na hindi rin naman gaanong katangkaran.
“ Ano kayang magandang gawin ko sayo no? Hindi pa ako nakakabawi sayo pero ito ako ngayon at tinutulungan ka. Dumadami na ang mga utang mo sakin ah? So pay it well oras na magising ka. ”
Nasabi ko na lang out of the blue. Tinitigan ko rin syang maigi. Nung una talaga, akala ko eh naligaw lang syang bata. Hanggang balikat ko lang kasi sya tapos ang liit pa ng mukha nya, ganun rin yung katawan nya. Tapos ang puti nya pa kaya naman mapagkakamalan mo talaga syang bata, unlike us na nandito na sanay sa mga batak na workout. Hindi man kami kasing puti nya, hindi rin naman kami maitim. The word “tan” is better to describe us.
“ Your face was so small, parang kaya ko syang hawakan ng isang hawakan lang gamit ang mga malalaki kong kamay. Your eyes were so fierce back then, pero nung nawalan ka ng malay at nalaglag sa bisig ko, they were so pure and innocent. Even your nose the same with your lips are small, parang sa bata. So cute that I want to pinch your cheeks. ”
Umupo na ako sa gilid nya at pinagmasdan ang natutulog nyang mukha. Napakaamo talaga nito, hindi ako magsasawang pagmasdan sya ng ganito magdamag. Hindi ko na rin napigilan pa ang hawakan ang mukha.
“ What the hell are you doing Blaze? ”
Kaagad akong napatingin sa likuran ko ng magsalita doon si Qquia. Lahat sila ay pare – parehas ang itsura. Gulat ang kanilang mga mukha at parang nakakita ng multo. Napataas naman ang kilay ko dahil doon. Ano bang trip ng mga to?
“ That’s what am I supposed to ask you guys? What the hell are you doing? ”
Pagtatanong ko sa kanila ng mismong itinanong nila sa akin. Para kasi silang mga tanga doon na nanlalaki ang mga mata habang nakanganga ng kaunti. They really look dumb on that pose.
“ Wag mong ibahin ang usapan Blaze! Kitang – kita namin kung paano mong muntikan ng halikan ang nilalang na yan! Kung hindi pa kami dumating, sigurado akong higit pa sa nakita namin ngayon ang makikita namin! How could you? ”
Nanggagalaiting saad ni Qquia. Namumula rin ang mukha nito sa inis. Ngunit magkaganoon man, hindi ako nagpatinag sa kanila dahil mali ang iniisip nila. Bakit ko naman hahalikan ang nilalang na muntikan ng pumatay sakin? Why would I do that? Isa pa, hindi pa ako baliw para pumatol sa kapwa ko – ehem – alam nyo na? Para talagang mga baliw tong mga kaibigan ko eh.
“ This is a big misunderstanding! And for the very basic information that you need to know – I’m not gay! Hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki, lalo pa sa kalaban ko! ”
Paliwanag ko sa kanila na may kaunting pagkairita. Kung ano – ano kasi ang mga pinag – iiisip eh. Yan ang napapala ng pamimilit nila sakin na magkaroon ng kasintahan eh. Palibhasa, wala pa kasi akong naipapakilala sa kanila na kasintahan ko o kahit na sino na pinagkakainterisan ko. Sila kasi, nagkaroon na dati. Ang kaso lang, kalaban pala namin yung mga naging karelasyon nila kaya naman hiniwalayan na lang nila. Hindi ko naman sinabi na hiwalayan nila yung mga karelasyon nila pero ang sabi nila, sarili naman daw nila yung kagustuhan. Hindi na lang ako nagsalita noon tapos ngayon, ako naman ang hinahanapan nila. Kainis.
“ You better make sure Blaze! You better make sure kung ayaw mong kami na mismo ang mag – untog ng ulo mo sa pader para magising ka naman sa kahibangan mo! Nakakaloka! ”
Saad naman ni Avira na syang ginatungan nilang lahat sa pamamagitan ng pagsasabi ng “oo nga” at “oo”.
“ Bahala kayo sa buhay nyo! Sinabi ko, sinabi ko! Per – ”
Crrkk ~
Napatigil ako sa dapat kong sasabihin sa kanila dahil sa isang portal na bigla na lang lumabas sa gilid ng kabilang kama ni Ava. Lumabas mula doon ang mga kaibigan nya kasama ang isang matanda na sa tingin ko ay kasing edad lamang ni Mrs. Henderson.
“ Wala namang nangyari kay Ava habang wala kami di ba? ”
Tanong ni Sapphire sa akin. Tumango na lamang ako sa itinanong nito at bumaling sa kasama nilang matandang lalaki.
“ Thank goodness. ”
Nasabi na lang nya at binigyan ng daan ang matanda papalapit sa kinahihigaan ni Ava.
“ Dyos ko, ang apo ko! ”
Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Hindi kasi sila magkamukha at ang layo ng kutis nila sa isa’t – isa. Niyakap ng matanda ang katawan ni Ava at hinalikan ito sa noo.
“ Pwede ba kayong lumayo ng ilang metro mula sa kamang hinihigaan ng apo ko? ”
Sabi nya pagkatapos ng ilang sandali. Napatingin pa ako sa mga kaibigan ni Ava ng nagtataka. Umiling lang naman sila sa akin na sya ko na lang tinanguan at syang sinunod ang matanda. Sumunod na rin naman ang mga kaibigan ko at hinintay ang susunod na gagawin nito.
“ Purification Spell! ”
0_0
Halos tumalsik kaming lahat sa kinalalagyan namin ng bigla na lang lumabas ang isang napakalakas na enerhiya sa katawan ng matanda. Nanggagaling ito sa mismong mga kamay nya at syang itinapat sa noo ni Ava. Mabuti na lamang at nakatindig kami ng mahigpit sa mga pwesto namin kaya naman walang tumilapon sa amin ng ganoon kalayo. Ngunit ang mga gamit ko naman ang nag – suffer mula doon. Para na tuloy binagyo ang kwarto ko sa nangyari.
Kitang – kita namin mula sa kinatatayuan namin ang paglabas ng lason mula sa katawan ni Ava. This is just so amazing dahil ngayon lang ulit ako nakakita ng isang nilalang na kasing lakas nya.
End of Chapter 4
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasíaRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!