Chapter 23

43 4 0
                                    

Chapter 23

Avalche Berg Dolo Fuerto ~

Napapikit pa ako ng ilang beses dahil sadyang umiikot ang paningin ko habang nasa gitna ng klase. Napapansin na rin ako ng iba. Alam ko namang putlang – putla na ng itsura ko pero ayokong magpaiwan sa kwarto namin. Isa pa, paniguradong mag – aalala na naman ang mga ito dahilan para hindi na rin sila pumasok sa klase. Kaya naman kahit matumba – tumba na ako ay pinipilit ko pa rin upang kahit papaano ay hindi na sila mag – alala pa sa akin.

“ Sigurado ka bang kaya mo pa? Dalhin ka na kaya namin sa infirmary? ”

Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang muling katanungan sa akin ni Agatha. Sya kasi ang katabi ko sa hulihan habang nasa unahan naman ang ilan kong mga kaibigan upang suportahan ako oras na magkaroon ng emergency.

“ Kaya ko pa naman. Wag kang mag – alala. ”

Ngumiti pa ako dito bilang kasiguraduhan. Tumango – tango na lang naman ito sa akin at muling bumaling sa pagtuturo ng aming teacher.

Sa totoo lang, pakiramdam ko anytime soon ay bibigay na ako dahil nangangatog na ang mga tuhod ko. Hindi ko na rin maikilos ng maayos ang mga kamay ko dahil dito. Fuck this day. Bakit pa kasi sa lahat ng araw na mayroon ay ngayon pa ako dinapuan ng sakit? Shit.

“ For today’s activity, we’ll try to callout your guardians. Let’s see if you are one of those lucky students who will have a chance to work with your buddy during the Moonlight Fighting this school year. ”

Ito na nga pala ang huling taon naming lahat sa pag – aaral. Everyone knows that we came abroad dahil nga transferee kami. Pero ang totoo ay galing kami sa guild ni Lolo Antique – Alethoria. Maraming hindi nakakakilala sa amin dahil na rin sa kakaunti naming bilang. Ngunit hindi ibig sabihin noon na wala kaming kakayahan na maipanalo ang isang digmaan.

Isa pa, bihira na rin na magpakita si Lolo sa guild dahil nga sa nangyari ilang taon na ang nakalilipas. Namatay kasi sa isang misyon ang kanyang nag – iisang anak – si Ate Sevia. Nalungkot kami, ngunit iba ang kalungkutan na naranasan noon ni Lolo. Hindi man nya ipinakita sa amin ang kanyang mga luha, alam kong sa loob – loob ay durog na durog sya. Simula noon, bihira na syang magpakita sa guild at naglagi na lamang sa kanilang tahanan.

Ang akala namin na pagbagsak ng aming guild ay hindi nangyari. Mas lalo kaming tumibay lalo pa at isang pamilya ang turingan namin sa loob ng guild. Sa ngayon, ang pinsan ni Ate Sevia na si Kuya Disco ang namamahala dito.

“ Oy, natulala ka na dyan? Sure ka bang kaya mo pa? ”

Nabalik ako sa realidad ng bigla akong tapikin ng malakas ni Agatha. Kita sa mukha nito ang pag – aalala habang nakatingin sa akin. Doon ko na rin napansin na nagsisilabasan na pala ang iba sa aming mga kaklase at tanging kami na lang ng mga kaibigan ko ang natitira.

“ Wag nga kayo. Kaya ko pa naman eh. ”

Sabi ko na lang at tumayo. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod at binti ko ngunit mas pinili kong pilitin ang mga ito na kumilos dahil ayokong makita nila na nanghihina ako. Mag – aalala na naman ang mga ito pag nagkataon. Baka magsumbong pa kay Lolo na syang bagay na dapat kong iwasan. Matanda na ito at ayokong palagi itong nag – aalala sa akin.

“ Magsabi ka kung gusto mo nang bumalik sa kwarto natin, magpapaalam na lang kami kay Ms. Ferly tutal magsa – summon lang naman tayo ng mga guardians natin eh. ”

Saad naman ni Sapphire. Akala ko pa naman ay tapos na ang klase. Tsk.

Mukhang sa field ang punta ng lahat dahil kita mula rito ang ilan. Napahinga na lang ako at tumango. Inalalayan naman ako ni Cymon at Drake sa magkabila kong braso habang papalabas kami ng silid – aralan. Hindi na rin naman ako tumanggi dahil mas makakabawi ako ng lakas upang magkaroon ng sapat na enerhiya at mapalabas ang guardian ko.

***

Hindi rin naman nagtagal at nakumpleto na kaming lahat sa field. Tumayo na rin naman si Ms. Ferly sa mismong gitna ng isang Magical Circle at pinalibot ang kanyang buong paningin sa amin. Nang masiguro nitong kumpleto na nga kaming lahat ay ngumiti ito ng matamis sa aming lahat at naglabas ng isang kutsilyo.

“ Alam kong lahat kayo ay bihasa na sa paggamit ng inyong mga kakayahan. Kung tutuusin, hindi na mahalaga pa ang mga itinuturo namin sa inyo dahil alam kong nag – decide na kayong lahat kung anong daan ang tutunguhin ninyo. ”

Paliwanag nito. Hindi man apat na taon ang itinagal namin rito ay alam kong mahalaga na sa kanila ang bawat isa. For four years, I know that some of them treat each other as one family kaya’t hindi na kataka – taka na sa pagtatapos namin ngayong taon ay paniguradong magkakasama pa rin ang iba. May walong buwan pa para magsama – sama kami kaya naman gagawin ko ang lahat para lang matapos kaagad ang misyon namin dito at makapag – enjoy man lang kahit papaano.

“ Magkaganoon man, piliin ninyo ang daan kung saan kayo sasaya. Okay ba? ”

Naghiyawan halos lahat sa sinabing ito ni Ms Ferly maliban sa amin ng mga kaibigan ko maging sa panig nina Blaze. Ayoko mang tingnan sila ngunit hindi koi yon magawa lalo pa at tingin ng tingin rito si Blaze. Nahuhuli ko rin ang ilan sa kanila na tumititig sa akin. Tsk.

Ayoko mang isipin ito sa ngayon ngunit iba ang ngiti ng mga mata ni Ms. Ferly sa sinasabi ng bibig nya. Nagbago na rin ang aura na lumalabas sa kanyang katawan. Hindi lahat sa amin ay mararamdaman iyon. Isa pa, hindi naman lahat ng naririto ay ganoon kalakas ang Spiritual Force. Mas marami pa nga ang mahihina kaysa sa mga malalakas. Kailangan kong paimbestigahan ang babaeng ito. She’s a creep that’s for sure.

“ Let’s start! ”

End of Chapter 23
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now