Chapter 40
Avalche Berg Dolo Fuerto ~
“ Anong nangyari sayo? ”
Hindi ko pinansin ang mga pagtatanong nila at kaagad silang iginaya sa mini sala namin dito sa dorm. Mabuti na lang din at kumpleto na kami. Saka ko na lang ia – update sina Agatha at Anica patungkol sa mga nangyayari dito sa paaralan. Nagpasalamat pa ako kay Cymon ng abutan ako nito ng towel upang punasan ang sarili ko na naliligo sa dugo ng babaeng nakalaban ko kanina.
Mabilis kong binalot ang buong dorm sa sarili kong Space Dimension upang walang kahit na sino ang makaramdam ng pagpapalabas ko sa isa sa mga Sacred Relic na mayroon ako. Arvitora, the Sacred Relic of Archives is more powerful than Mariollene. Kaya’t paniguradong mas mararamdaman ito ng mga nilalang na kalaban namin dito sa loob ng paaralan kung saka – sakali mang palabasin ko ito ng basta – basta na lamang. Ngayon lamang din makikita ng mga kaibigan kong ito ang totoong itsura ng isang Sacred Relic kaya’t paniguradong magugulantang sila sa masasaksihan nila.
“ Ava, sagutin mo nga kami! Ano bang nangyayari? ”
Naguguluhang bulyaw sa akin ni Sapphire na mukhang litong – lito na. Maging ang iba sa amin ay malalalim na ang pagkakakunot – noo. Mahirap rin kasing ipaliwanag kaya’t mas magandang ipakita na lamang sa kanila.
Pumikit na lamang ako ng mariin at nag – materialize ng isang malaking libro. Ang Arvitaro, the Sacred Relic of Archives. Gusto ko rin kasing malaman kung anong klase ng Sacred Relic ang hawak ko ngayon bago ako makipag – isa rito.
Dumilat na lamang ako ng maramdaman ko ang ibayong panghihina ng katawan ko. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin talaga ako tuwing papalabasin ako ang librong ito. Tsk.
“ Pwede mo na bang sagutin ang tanong namin kanina pa? Naguguluhan na kami sayo eh! At ano ba yang librong hawak mo? ”
That’s Sapphire with her attitude again pag stress na. Well, lahat naman kami ay may kanya – kanyang kulo kaya pagbigyan na.
“ Hindi ba’t nagpaalam ako sayo na mag – iimbestiga lamang ako sa Great Maze kanina? ”
Hindi ko pinansin ang tanong nya, sa halip ay sinagot ko ito sa pamamagitan ng isa pang tanong.
“ Eabha is here and they are now scouting all over the school premises which led me to a certain battle with one of them. ”
0_0
“ What the fuck? Are you okay? Tandaan mong hindi ka pa nakakabawi sa nakaraang laban mo! ”
Mura ni Ace at lumapit sa akin dahilan para tumilapon sya papalayo. Nagulat pa ang iba dahil sa nangyari. Normal lamang iyon dahil sa hawak ko ang Sarced Relic of Archives na may kakayahang protektahan ang nagmamay – ari sa kanya.
“ Ano bang ginagawa mo Ava? He’s just worried about you! ”
Muling bulyaw sa akin ni Sapphire habang tinutulungan nya si Ace.
“ This is the Sacred Relic of Archives, Arvitaro. Wala akong magagawa sa pagtilapon nya papalayo sa akin dahil iyon ang tungkulin ng librong ito, ang protektahan ang nagmamay – ari sa kanya. ”
Sagot ko sa kanya dahilan para matigilan silang lahat at pinakatitigan ang librong hawak ko.
“ So that what it looks like, I mean – the Sacred Relic. ”
Natitigilang wika ni Drake na syang nakapagpatango sa kanilang lahat.
“ It is, and where going to find out what Sacred Relic this thing is. ”
Pagsang – ayon ko sa kanya atsaka itinuro ang bagay na dala – dala ko kanina pa na syang pinakatitigan nilang lahat. Hindi ko na naman pa pinatagal ang lahat at ipinatong ang Arvitaro sa Sacred Relic na nakuha ko mula sa isa sa mga miyembro ng Eabha. Tinanggal ko na rin ang barrier na bumabalot rito.
Naglayuan pa ang iba sa mga kaibigan ko at kanya – kanyang gumawa ng mga barrier nila ng magliwanag ang libro at bumukas sa isang pahina. Kaagad ko namang tiningnan iyon upang malaman ko na kung anong Sacred Relic nga ba ang nakuha ko kanina.
“ Sacred Relic of Lethality, Venimen. A special fruit that one’s eaten will give you superior ability to cause harm or death and owned by Venyn, the Creator of Poison and Venom. ”
Nagsara na ang libro kaya’t akin na itong pinaglaho. Pinakatitigan ko pa ang prutas dahil kung titingnan, parang normal lamang itong kulay itim at lila na bilugang prutas. Hindi ko tuloy mawari kung kakainin ko ba o hindi.
Napatingin pa ako kay Sapphire ng makita ko itong parang pinagpapawisan. Naalala ko rin na ang pangunahin nyang abilidad ay ang pagkontrol sa tubig. Kung magiging isa sila ng prutas na ito, paniguradong magiging lason na tubig na ang kanyang mailalabas. Kung susuriin, ang babae kanina ay nakatakip ang bibig. Ibig sabihin, hindi nya kontrolado ang kapangyarihan ng Sacred Relic na ito. At kung magkakataon man na magiging maayos ang lahat sa kalagayan ni Sapphire oras na kainin nya ang prutas na ito ay mas magiging kampante ako kahit wala ako ay walang mangyayaring masama sa kanila. Bakit nga ba ngayon ko lang naisipan na kumolekta ng mga Sacred Relics para sa mga kaibigan ko? Tsk.
“ Why don’t you eat it, Sapphire? ”
Seryoso kong sabi sa kanya. Naging dahilan iyon para sabay – sabay na mapalingon sa akin ang mga sina Drake, Ace at Cymon na nanlalaki ang mga mata.
“ Nasisiraan ka na ba ng bait? Gusto mo bang patayin si Sapphire? ”
Bulyaw sa akin ni Drake. Napahawak na rin ito sa kanyang sentido na parang iniisip kung bakit ko nga ba nasabi ang bagay na iyon.
“ Bakit hindi? I know that she’s capable to do it, right? ”
Sagot ko sa kanya habang nakatingin kay Sapphire. Alam kong may epekto sa kanya ang Venimen kaya nga pinagpapawisan sya. I read some articles about these Sacred Relics that some of them have their own will whom they want to possess with most especially when it is edible or a kind of creature.
“ I – I’ll try. ”
Napangiti na lang ako ng wala sa oras at iniabot ito sa kanya. Hindi naman ako nakaramdam ng kung ano ng hinawakan ko ang Venimen. Mukhang alam na rin naman nito na wala akong balak na makipag – isa sa kanya.
“ Ikaw na ang bahala. Just call my name if you really don’t want it. ”
Saad ko pa sa kanya at saka umalis sa loob ng Space Dimension kasama sina Drake, Ace at Cymon. Hindi nila kakayanin ang aura sa loob oras na makipag – isa si Sapphire sa prutas na iyon kaya’t mas mabuting hintayin na lamang namin kung ano ang magiging kalabasan nito.
“ Paano kung may mangyaring masama sa kanya Ava? Why don’t you take it – ”
“ Believe me, Drake. Ito lang ang paraan para masiguro ko ang kaligtasan nyo. ”
End of Chapter 40
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!