Chapter 38
Avalche Berg Dolo Fuerto ~
Maaga akong gumising kinabukasan upang dalawin ang pagsasanay na ginagawa nina Anica at Agatha sa buong grupo nina Blaze. Isang linggo ang ibinigay ko sa magkapatid upang sanayin ang mga ito. Hindi ko nga lang alam kung sa paanong paraan, ngunit may tiwala naman ako sa dalawang magkatid na iyon kaya’t sa kanila ko ipinagkatiwala ang lahat.
Nag – ayos na muna ako at nagsuot lamang ng isang simpleng shirt at jogging pants. Ginising ko na rin muna sina Sapphire upang makapaghanda na sa klase ngayong umaga bago ako tumuloy sa dimensyong ginawa ni Anica.
“ Masyado ka namang maaga Ava, bakit hindi ka muna magpahina? May aasikasuhin ka ba? ”
Tanong ni Sapphire na nagpupunas ng kanyang mga mata.
“ Dadalawin ko lang sina Anica, titingnan ko na rin kung may improvement ba sa grupo nina Blaze. ”
Maikli kong saad dito. Tumango naman ito atsaka tumayo na. Bumalik na rin naman ako sa kwarto ko at maingat na binuksan ang portal na syang inilagay ko sa salamin ko na nakapwesto sa study table ko.
Mabilis akong pumasok roon na syang kasing bilis rin kung paano nakalabas rito. Unang bumungad sa akin ay ang maaliwalas na panahon at isang isla sa gitna ng malawak na karagatan. Doon ko na rin nabungaran ang buong grupo nina Blaze sa hindi mabilang na mga Limire. Mula rin dito sa kinatatayuan ko ay rinig ko ang mga paghabol nila ng hininga, ganoon rin kung paano sila makipagpalitan ng pag – atake sa mga ito at lalong – lalo na sa mga sugat na kanilang natamo sa mahabang oras na pakikipaglaban.
Napatingin pa ako sa orasan na may kalayuan sa akin. 16 hours, nakatagal sila ng ganoon. May ibubuga naman pala sila kahit papano.
“ Anica, Agatha. ”
Pagtawag ko sa magkapatid na mukhang hindi pa ako napapansin. Napatingin naman sa akin ito kaagad akong pinuntahan.
“ Kamusta naman ang training nila? ”
Tanong ko dito ng makalapit sya.
“ As you can see, they’re starting to struggle. I just hope no one’s going to die. ”
Di ko maiwasang mapatawa sa sinabi. Mukhang ito rin ang ginamit nyang panakot sa mga ito kaya’t walang sumusuko sa kanila. Hindi naman kasi totoong mamamatay ka na oras na mamatay ka rito sa dimensyong ito. Ilalabas ka lang mula rito at kailangan mong bumalik sa simula o kaya naman ay ipagpatuloy ang nahinto mo batay sa kagustuhan ng magkapatid na ito. Sila ang may control ng lahat kaya’t sila lang rin ang makakapagsabi kung kailan ka matatapos.
“ How about the plan? Are you going to start this day? ”
Tumango naman ako sa tanong nya.
“ But the real show will start after their training. ”
Nakangisi kong sagot sa kanya. Hindi ang pagbabalik ng Alethoria ang magiging sentro ng lahat, iyon ay ang pagbagsak ng mga haligi ng Eabha. Ilang araw pa, mararanasan na nila ang naranasan ng mga taong pinagkuhaan nila ng kasiyahan at kalayaan.
Heilien Dela Cuesta ~
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa grupo ng mga enerhiya na bigla na lang lumitaw sa loob ng paaralan kahapon. Hindi na rin naman ito nawala at nanatili sa kanilang mga estado. Halos kapantay ng mga lakas na iyon ang kapangyarihan na mayroon si Clavory kaya’t alam kong wala silang kinalaman sa nangyari sa isa sa aming miyembro.
Kung magkataon man na mga estudyante ang mga may – ari ng mga enerhiyang iyon ay hindi ako magdadalawang – isip na gawin silang kapaki – pakinabang para sa Eabha. At kung papalarin, higit na magiging malakas ang pwersa namin pag nagkataon dahil sa mga serbisyo na maaari nilang maibigay higit pa sa mga naibigay ni Clavory sa grupo noon.
Sigurado rin naman akong wala silang pagpipilian kung hindi ang sumali sa aking grupo dahil isa lang ang kakahantungan nila oras na humindi sila sa akin, iyon ay ang maaga nilang kamatayan.
“ Heinlien, may dapat kang mapanood ngayon din! ”
Kaagad akong napatingin sa bagong dating na si Ponce. Nagmamadali itong lumapit sa akin at pabalyang inilapag ang kanyang hawak na phone sa lamesa ko. Naguguluhan man sa mga ikinikilos nya’y tiningnan ko naman kung ano ang gusto nyang ipapanood sa akin.
0_0
At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko si Simeon sa loob ng opisina ng parehistruhan para sa mga guild na syang pumipirma sa isang dokumento. Suot nito ang emblem ng kanilang guild, ang Alethoria.
“ May ibig sabihin po ba ang pagbabalik ng Alethoria sa publiko? Kailangan na po bang kabahan ang lahat guild sa buong mundo sa pagbabalik ninyo? ”
“ Wala silang dapat ikabahala kung sakali man lalo na’t alam naman nila sa sarili nila kung may nagawa sila sa amin. Kung sakali mang mayroon nga, doon na sila kabahan dahil ang Alethoria ay magbabalik para bumawi sa mga kasalanan nila. ”
Bakit nga ba hindi ko pa tinapos ang matandang ito noong may mga panahon ako para tapusin sya? Kung hindi lang sya kapaki – pakinabang sa akin noon ay panigurado akong nasa libingan na sya ngayon. Magkagayon man, hindi aatras ang Eabha sa isang kakapiranggot na guild na katulad nila. Hindi na sila ang kinikilalang guild noon na nangunguna sa lahat, ordinaryo na lamang sila ngayon, walang kapangyarihan.
“ Anong plano mo ngayon na nagbalik na sila? Sigurado akong babalikan nila tayo. Alam kong nagbalik ang mga gagong iyon dahil sa bigla nating pag – atake sa kanila. The war has just began. ”
Tanong ni Ponce matapos ang balitang iyon.
“ Ihanda ang buong grupo dahil madugong digmaan ang ating haharapin sa mga susunod na araw. Alam ko ang takbo ng utak ng matandang iyon at sigurado ako na marami na syang pinakalat na tauhan para lamang makapagmasid sa mga kilos natin. Same old tricks he used when he still starting to mess us up. ”
Sagot ko sa sa tanong ni Ponce. Kung noon ay nagawa kong tibagin ang grupo mo, sisiguraduhin ko ngayon na wala na akong ititira pa sa inyo. Maling – mali na bumalik ka pa sa publiko dahil kamatayan mo na ang susunod nilang ibabalita sa buong mundo.
End of Chapter 38
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!