Chapter 37

72 5 1
                                    

Chapter 37

Third Persons Point of View ~

Bumagsak ang buong grupo nina Blaze sa isang isla kasama si Agatha at Anica na syang prenteng nakaupo sa hangin hindi katulad nila na syang nakasubsub sa buhanginan. Sa pagkakataong rin ito ay si Anica ang syang nakatake – over sa katawan ni Agatha habang ang huli naman ay nanonood lamang sa gagawing pagsasanay ng kanyang kapatid sa mga bago nilang makakasama sa misyon.

“ Anong lugar to? ”

Tanong ni Blaze na nagpapagpag ng kanyang damit. Ang iba naman ay naglibot – libot ng tingin sa buong kapaligiran.

“ This is just a part of my Space Dimension and where your training begins. Gusto kong ilabas ninyo ang hangganan ng mga kapangyarihan ninyo upang malaman ko kung hanggang saang porsyento ko ilalagay ang hirap ng pagsasanay ninyo. Maliwanag ba? ”

Tumango naman sila at naginat – inat.

“ Kung gayon, bakit hindi kayo magsimula kasama ang mga nilalang na ito. ”

Mula sa kung saan ay bigla na lamang naglabasan ang mga Limire. Nagulat pa ang buong grupo nina Blaze at mabilis na umiwas sa biglaang pag – atake ng mga ito. Hindi bababa sa limampu ang bilang ng mga Limireng iyon kaya’t naging alerto silang lahat.

“ I’ll give you guys 15 minutes to accomplish and exterminate them all. Every 15 minutes, their numbers will be multiply by 2 so beware not to die. Good luck. ”

Paliwanag ni Anica habang nasa itaas. Nagsimula na rin ang 15 minutes na iyon para sa grupo ni Blaze kaya’t wala silang sinayang na oras at mabilis na nakipagpalitan ng pag – atake sa mga halimaw na iyon.

Blaze Eziken Dela Cuesta ~

Wala kaming sinayang na oras ng grupo at mabilis na nag – duo upang maubos kaagad ang buong grupo ng mga Limire. Hindi na naman bago sa amin ang ganitong uri ng pagsasanay dahil ito ang una naming nakagisnang pagsasanay noong mga bata pa kami sa ilalim ng aming mga tagapagturo.

It felt so good that all the good times back when we were still a kid are going back to us right now. Though, I know that this kind of training has something to work on with us, we still need to be alert at all times cause we don’t know when will stop.

“ Fire Spheres. ”

Pag – atake ko sa grupo ng mga Limere na papunta sa aming direksyon ni Jero. Kaagad namang gumawa si Jero ng isang Wind Purifier na syang ibinato nya sa itaas namin. Hindi na sa amin bago ang lason na dulot ng mga halimaw na to oras na mamatay sila kaya’t bago pa nila kami malason ay uunahan na namin sila.

Napatingin pa kaming dalawa kina Axis at Vhiro, ganoon rin kina Avira at Qquia na syang tapos na sa kanilang mga kalaban kagayan namin. Easy na lang samin ang bagay na iyon.

“ Easy life! ”

Sigaw ni Qquia na may kalayuan samin. Napangiti naman ang ilan sa amin habang kaming dalawa naman ni Jero ay tumingin sa orasan na nasa itaas. May ilang minuto pa bago dumating ang panibagong grupo ng mga Limireng iyon na doble na ang bilang. This is a survival game lalo na at parami sila – ng parami tuwing lilipas ang labing limang minuto. Hindi rin kami sigurado kung ilang oras ang pagsasanay na ito kaya’t dapat habang maaga pa ay gumawa na kami ng plano upang makatagal kami sa labanang ito.

“ Guys, make sure that you’ll reserve some of your energy. This is a survival training so do what I say. ”

Pasigaw kong saad sa kanila. Doon rin lumabas ang panibagong grupo ng mga Limire. Nagulat pa ako dahil bukod sa doble ang kanilang bilang ay doble na rin ang lakas na mayroon sila.

“ What the fuck! ”

Rinig kong mura ni Vhiro sa kabila. Hindi ko na lang iyon pinansin pa at nagfocus sa pakikipagtulungan kay Jero na mabawasan ang mga Limireng sumusugod sa amin.

“ Fuck, we need to change plans. Kung ganito ang mangyayari every 15 minutes, we’ll be dead as fuck sa mga susunod na wave nila. ”

Sigaw ni Qquia. Ramdam ko pa ang lakas ng enerhiyang inilabas nya dahilan para maubos ang mga Limireng sumusugod sa kanila at matulungan sina Vhiro.

“ Piercing Earth #2: Wind Slash. ”

Pag – atake ni Jero sa mga papalapit pang Limire sa amin. Napatingin pa ako sa orasan upang malaman ko kung ilang minuto ulit bago lumabas ang mga halimaw na iyon. This is the third wave and I’m sure that their strength is 3 times much better than the last wave.

“ I feel like na dapat as a team na tayo ngayon makipaglaban. Their strength is multiplied by 3 this time, even their numbers. We’ll fall for sure kung by duo lang ang magiging strategy natin. ”

Pahayag ni Avira na naghahabol ng hininga. We have at least 8 minutes more to gather our strengths and strategize. We need to think faster, though may punto naman ang sinasabi ni Avira. Combination of techniques is equal to a large amount of force kaya’t mas makakatagal kami kahit papaano. That way, mas mapapahaba ang mga oras ng pahinga namin.

“ We’ll do what Avira said, we’ll attack as a team and combine forces to gather more energy rather than releasing a large amount of energy coming from a single person. That way, we’ll survive longer than losing and falling behind. ”

Paliwanag ko pa sa kanila na kaagad naman nilang tinanguan.

“ Main forces will be Axis, Vhiro and I while the supporting forces will be you Jero, Avira and Qquia. Make sure that everyone is safe and keep yourself together. ”

Dugtong ko pa. Nagtanguan naman ang lahat at naghanda. Ilang minuto pa bago pa magsimula ang third wave ay sumigaw ako upang makuha ang atensyon nilang lahat.

“ Give your best guys, we must keep up with Ava’s group. That way, we can join this fucking suicide mission they’ve started. ”

End of Chapter 37
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now