Chapter 8

93 6 1
                                    

Chapter 8

Sapphire Amethyst Marvelo ~

Matalim ang mga tingin na ipinupukol ko sa lalaking lumaspatangan sa katawan ni Ava. And at the same time, nagsisisi rin ako kung bakit ko hinayaang maiwan silang dalawa. Shit. Fucking shit.

“ This is all your fault! ”

Pagsigaw ko kay Blaze. Tang – ina talaga.

Pak ~

0_0

Nagulat na lamang ako ng isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ko na nagmula sa mga kamay ni Agatha. Namumula ang mga mata nito kaya’t alam kong hindi na si Agatha ang nasa katawan nya kung hindi ang kapatid nitong si Anica. Yes, you read it right. Dalawa ang katauhan na meron si Agatha – one is her na mabait at maamo samantalang si Anica naman ang palaban.

“ How did you let this happen? Alam mo namang hindi mapagkakatiwalaan ang gagong yan tapos hinayaan mong maiwan sila ng sila lang? How could you? ”

Bulyaw nito sa akin at muli sana akong sasamplin ngunit hindi nito iyon itinuloy saka bumaling sa kinaroroonan ng gagong si Blaze. Seryosong nakatingin rin ito kay Ava kaya naman hindi nya napansin ang paglapit sa kanya ni Anica.

Pak ~

“ Sisiguraduhin kong hindi ka na makakalapit pa sa kanya! Because the second time will be your death! ”

Seryoso nitong sabi habang mariing nakatitig sa mga mata ng huli. Inaamin ko namang magkapantay lang ang lakas nila ni Ava. Sya nga ang pangalawa sa itinuturing naming Leader pagkatapos ni Ava.

“ Don’t you even dare na pagbantaan si Blaze! Hindi nga natin alam kung ano ba talagang nangyari eh! Don’t conclude on something you don’t even know! And for your information, straight sya! ”

Sabat naman ni Qquia, ang dakilang pakialamero sa grupo ni Blaze. Masasabi kong magkapantay sila ni Anica sa pagiging mataray pero sa lakas at kapangyarihan, si Anica ang angat.

“ Wag kang mangialam dito babae! You’re not even worth to talk to! ”

Mataray nya ditong banggit at walang alinlangang ginamitan ng Sleeping Spell. Napatakip pa ako ng ilong dahil baka madamay ako.

“ Anong ginawa mo sa kanya? You – ”

“ Natutulog lang sya. Wag kang kabahan, wala pa naman yan sa kaya naming gawin oras na may mangyari kay Ava. I’ll swear, hindi namin papalagpasin to lalo pa at buhay ni Ava ang nakasalalay dito. ”

Putol ni Cymon kay Vhiro. Napailing na lang ako dahil masyado nang toxic ang hangin dito sa loob ng guest room ni Blaze.

“ Ang mabuti pa’y tumahimik na lamang kayo dahil hindi naman yan makakatulong sa kalagayan ngayon ni Ava. ”

Pagsabat naman ni Apollo atsaka lumapit kay Ava.

“ He’s just tired. Mabuti pang hayaan na muna natin syang makapagpahinga at makabawi ng lakas. ”

Tumango naman ako sa sinabi nya. Wala na rin naman na nagsalita pa at tumutol. Papalabas na sana kami noon ng muli itong magsalita.

“ But not here. ”

Napatakip na lang kaming lahat ng mga mata namin dahil sa liwanag na lumabas sa kinaroroonan nila ni Ava. Kahit kailan talaga ang isang yun, hindi man lang nagpapasabi. Ilang minuto lang ring tumagal ang liwanag na iyon. Alam na rin naman naming lahat kung saan nya dinala si Ava kaya wala na sa aming nagsalita pa maliban na lang kay Blaze na nakayuko.

“ Nasaan sya? ”

Hindi na lang ako nagsalita at lumabas kasunod nina Anica. Mukhang mali ang desisyon namin na magpunta sa lugar na to. But on the other hand, kailangan rin naming magtiis lalo pa at hindi pa namin nasisimulan ang misyon namin. Iyon ay ang hanapin ang mga bakas ng mga nilalang na pumatay sa mga magulang ni Ava pati na ang mga taong nagpadukot sa amin. Napag – alaman kasi namin na hindi naman talaga malinis ang eskwelahang ito kaya naman, kahit pa nakataya ang buhay namin dito ay wala kaming pag – aalinlangan na sumugal para lang makamtan namin ang hustisya.

“ Wag na wag nyo nang hahayaang lumapit pa ang lalaking iyon kay Ava. He’s going to be our fall and I won’t let that happen. Hindi ko hahayaang masayang ang ipinunta natin dito. Naiintindihan nyo? ”

Tumango na lang kaming lahat sa sinabi ni Anica. Matapos niyon ay saka ito bumagsak sa mga balikat ni Drake. She’s losing her consciousness again dahil sa pagpapalit ng katauhan.

“ Narinig nyo ang sinabi ni Anica? Hindi na natin pa hahayaang makalapit ang isang yun kay Ava. That jerk! ”

Seryoso namang sabi ni Drake. Hindi porke hindi sya nagsasalita ay wala na syang pakialam. Sa totoo lang, mas nakakatakot ang isang ito kay Anica dahil sa mga kaya nyang gawin oras na gumana ang pagiging demonyo nya. A freaking mad creature.

“ Magpahinga lang tayo ngayong araw sa dorm natin. Kailangan ko rin naman ng pahinga kahit papaano, dagdag pa ang isang to. ”

Ngusong turo naman nito sa babaeng buhat – buhat nya.

“ Edi mag – shortcut na lang tayo. ”

Napa – face palm na lang ako sa ginawa ni Cymon. Paano na lang kung may makahuli sa amin? Tamang gawa ng portal din ang isang ito eh. Hay, mukhang mapapaalis talaga kami dito ng maaga dahil sa mga pinaggagagawa ng mga to eh.

Pumasok na kaming lahat sa portal na iyon at ang unang bumungad sa amin ay ang mahimbing na natutulog na si Ava. Nandito kami ngayon sa luma nyang bahay – ang bahay na pilit nya nang kinakalimutan dahil dito nya mismo kitang – kita kung paano pinatay ng mga walang hiyang mga nilalang na iyon ang kanyang mga magulang. But years have passed kaya naman kahit papaano ay nasanay na sya na balik – balikan ito. Isa pa, pag nagkakaroon kasi sya ng sakit or what, mabilis syang gumagaling pag nandito kami. Ewan ko rin ba sa katawan nya, ang arte.

“ Kamusta na sya? ”

Tanong ni Cymon kay Apollo.

“ Okay na sya, overfatigue lang naman pala yung dahilan kung bakit sya nawalan ng malay. He just used so much Spiritual Force kaya naman tuluyan ng bumigay ang katawan nya. ”

Napahinga naman ako ng maluwag dahil dito. Maging ang iba ay ganoon rin ang ginawa ng malaman namin ang totoong nangyari. Hindi rin naman kasi talaga namin iniisip na may nangyari sa kanila ni Blaze. Malayo iyong mangyari ngunit wala kaming maisip na dahilan upang mapahiwalay sa amin ang mga nilalang na iyon kaya naman ginamit na namin ang sitwasyong ito upang tuluyan sila sa aming humiwalay.

“ Magpahinga na muna kayo. Tagumpay na natin syang nailayo sa mga nilalang na iyon kaya’t wala nang sasagabal pa sa ating mga plano. ”

End of Chapter 8
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now