Chapter 15
Avalche Berg Dolo Fuerto ~
Napangiti na lang ako ng wala sa oras ng muli kong maalala ang nangyari sa amin ni Blaze nung nakaraang araw. Kung inaakala nyang matatalo nya ako sa larong gusto nya ay nagkakamali sya. I can play fire if that’s what he really wanted.
Nakabawi na rin ng lakas kanyang mga kaibigan kaya naman makakalabas na ang mga ito kinabukasan. Hindi ko na lang pinaalam sa mga kaibigan ko na naka – monitor ang mga ito sa akin.
Ayoko na rin namang pag – isipan pa nila iyon ng iba kaya’t hangga’t maaari ay nag – iingat ako sa mga hakbang na aking ginagawa. Naiintindihan ko rin naman ang punto nila dahil iniisip lamang nila ang kalagayan ko. Kaya kahit minsan na pakiramdam ko ay nasasakal na ako ay hinahayaan ko na lamang. Kapakanan ko lang naman ang iniisip nila.
“ You’re creeping me out! Wag kang ngumiti – ngiti dyan! Para kang tanga! ”
Napatingin naman ako sa gilid ko ng bigla na lang tumabi si Sapphire. Nakasimangot ito sa akin at parang pinag – aaralan ang bawat parte ng mukha ko lalo pa at nakatitig ito sa akin ng mariin.
“ You don’t care. ”
Nakairap kong sagot sa kanya at iniwan sya sa balkonahe. Isinara ko rin ang pintuan doon dahil paniguradong pag nakatulog sya sa duyan ay makakalimutan na nyang nakabukas pala ang pinto.
Magpapahinga na rin muna siguro ako upang magkaroon ng lakas para sa darating na pulong mamaya. The night will surely fill my heads up.
Hayst.
Sapphire Amethyst Marvelo ~
Napailing na lang ako ng makita kong nakangising mag – isa si Ava. Para na namang baliw ang isang yun kahit kailan. Baka kasi tinotopak na naman? Hayst.
I just shrug ng marinig ko ang pagsara ng pintuan. Akala nya siguro ay matutulog ako sa duyan. Pero sa ganitong panahon ay mas magandang magpahangin na lang muna siguro ako. Gusto kong gumala kahit papaano, makalanghap ng sariwang hangin malayo sa mga kaibigan ko. Hasyt.
Ang likod ng Dormitory Building ay totoong maganda lalo pa at dito makikita ang Great Maze ng paaralan. Isa sa mga venue tuwing isinasagawa ang Moonlight Fighting. Dumiretso na lang ako sa kabilang bahagi ng kagubatan papunta sa lawa. Hindi ko pa kasi iyon napupuntahan di katulad dito sa Great Maze na napasok ko na kahit pa ipinagbabawal iyon. Wala akong magalaan eh.
Naglakad ako ng walang ingay na ginagawa. Hulaan nyo kung paano? Ang sagot ay dahil naglalakad ako sa hangin. I also hide my presence para hindi mabulabog ang sino man na nasa loob rin ng gubat, tao man o ibang nilalang. Wala rin kasi ako sa mood upang makipaglaban lalo pa at maganda ang mood ko upang mag – unwind ngayon. Kaya dapat ay walang makasira nito. Ang ganda pa naman ngayon ng hugis ng buwan, bilog na bilog.
Creak ~
Mabilis akong napatigil dahil sa ingay na bigla na lang lumitaw sa kung saan. I manage to become invisible and transparent from anything. Tumaas rin ako at ginamit ang Extrasensory Ability na mayroon ako.
Mula sa di kalayuan kung saan makikita ang lawa ay may lumabas na pigura ng hindi bababa sa tatlong tao ang namataan kong mga nakatayo at mukhang may mga pinag – uusapan. Sa kabilang bahagi naman nito ay isang pigura pa ng tao ang mabilis na tumatakbo papunta kung saan ang tatlong nilalang na iyon nakatayo.
Wala akong sinayang na oras at kaagad na pumunta roon. This kind of thing will always excites me.
“ We are fucked up! Sasabay ang paglitaw ng Bloody Moon sa mismong araw at oras kung saan isasagawa ang Moonlight Fighting next week. Fuck! ”
Napakunot naman ako ng noo dahil sa bagay na pinag – uusapan nila. Anong koneksyon mayroon ang Moonlight Fighting sa Bloody Moon na yun? Hindi man ako sure sa kung ano iyon pero iba ang kutob ko sa bagay na ito.
“ Then make sure that you do your part! ”
Bulyaw naman ng lalaking katapat nito. Ang katabi naman nito na tahimik lamang ay isang babae na hindi ko masiguro kung ano ang itsura dahil sa suot na hood. At ang sinigawan naman ng lalaking iyon kung hindi ako nagkakamali ay ang School of Supernatural Student Council President na si Vincent Orlais.
0_0
Napalayo ako ng kaunti ng bigla ko na lang maramdaman ang mga matang nakatingin sa kinaroroonan ko. Nakilala ko na rin naman ang ilan sa mga taong nandirito. All I’m gonna do for now is just leave a trace here para marinig ko sila kahit malayo ako sa kanila.
“ Someone is watching us. ”
Lumayo na kaagad ako. Alam kong delikado na ako sa pagkakataong ito, kailangan ko nang makalayo bago pa ako mahuli ni Ms. Clavory na nakikinig sa pinag – uusapan ng tatlo. Lumitaw kasi syang bigla sa gitna ng tatlong iyon atsaka itinuro ang kinalalagyan ko. Sya ang nilalang na nanggaling sa kabilang bahagi ng lawa.
Tumalon ako ng mabilis sa kaya ng katawan ko bago pa ako matamaan ng kung anong enerhiyang pinang – atake sa akin ni Ms. Clavory dahilan upang matunaw ang mga halaman na naroroon. Isama na ang trace na iniwan ko upang mapakinggan ko pa ng maigi ang pag – uusapan pa sana nila.
“ You’ll never escape from us. Ngayon pa’t narinig at nakilala mo na kami. This will be your end. ”
0_0
Napalaki ang mga mata ko sa biglaang pagsulpot sa harapan ko ni Vincent. Walang anu – ano nitong iwinasiwas ang espada nya na muntikan nang humiwa sa mukha ko. Mabuti na lang at nailagan ko iyon. Hindi pa naman nila nakikilala kung sino ako kaya naman masasabi kong ligtas pa ako sa mga oras na ito.
“ Bakit hindi mo ipakita ang sarili mo? Natatakot ka bang malaman namin kung sino kang talaga? ”
Hindi ako nagsalita at naghanap ng pwedeng paraan upang makatakas sa kanilang apat. Nakita ko na rin ngayon ng malinaw ang mukha ng babae. Hindi ko rin naman ito kilala ngunit, kahit papaano ay alam ko na ang itsura nya. Hindi ko naman alam na may matutuklasan pala akong ganito ngayong gabi, edi sana ay isinama ko si Cymon.
“ Mukhang wala ka talagang balak na magsalita. Bweno, huling sandali mo na lang naman ito kaya’t wala ring saysay kahit na makilala ka pa namin. ”
Napangiti naman ako ng bigla na lang magsalita ng ganito ang babaeng kanina lamang ay nananahimik. Hindi ko naman alam na matapang rin pala ang dila nya.
“ Senses #4: Resounding Pain! ”
Bago pa ako maapektuhan ng tunog na iyon ay mabilis kong napalibutan ng tubig ang katawan ko dahilan upang ma – block ang mga tunog na gawa ng pagtili nya. Mukhang mapapalaban ako ngayong gabi ah? Kakatapos ko lang nung nakaraan eh. Tsk.
End of Chapter 15
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
YOU ARE READING
Fearless
FantasyRanks Achieved: #12 in Storyline, #32 in Fearless, #80 in Two, #182 in Straight Mission of different perspective! Subaybayan ang pagtatagpo ng mga grupo na syang tutuklas ng kanilang mga koneksyon! This is Fearless!