Chapter 19

72 2 0
                                    

Chapter 19

Third Persons Point of View ~

Flashback ~

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng matuklasan ng Eabha ang tungkol sa Sacred Relic na may kakayahang magbigay ng walang hanggang buhay. Ang iba sa mga ito ay hindi naniniwala kahit na mayroong mga ebidensya na totoo nga ito. Ang iba naman ay hindi sang – ayon na kuhanin ito sa totoong nangangalaga dito. Kahit pa kasi sabihing nasa iisa silang grupo, may kanya – kanya paring prinsipyo ang mga nilalang na kabilang dito. Isa na doon ang pamilya ng Dolo Fuerto, ang pamilyang iniilagan ng iba dahil sa mga kakayahan na syang hindi pangkaraniwan sa kanilang mga mata.

“ Mag – isip ka nga Fernan! Hindi naman dahil sya ang pinuno ng grupo ay hindi na tayo pwedeng kumontra sa kanya! Isa pa, pansariling hangarin na lang nya to kaya nya tayo idinadamay! ”

Pagtutol ni Weina sa asawa. Hindi na kasi nito gusto ang pamamalakad ng dati nilang matinong pinuno. Kung dati ay para sa lahat ang desisyon nito, ngayon ay base na lamang sa kanyang pansariling kagustuhan. Kapansin – pansin na rin dito ang pagiging gahaman sa kapangyarihan kaya naman ang iba sa kanila ay tumiwalag na.

“ Alam ko! Ayoko lang na madamay tayo sa gulo kaya ko sinusuportahan ang gusto nya. Paano na lang si Ava? Paano kung pati sya madamay? ”

Napahilamos na sa mukha si Fernan dahil sa problema. Maging si Weina ay hindi na maipinta ang mukha. Iniisip rin kasi nila ang kapakanan ng nag – iisang anak na limang taong gulang pa lamang.

“ Hindi yun mangyayari. Magkakamatayan muna kami bago nya mahawakan ang anak ko. ”

Determinadong pagkakasabi ni Weina kay Fernan at umalis sa kwarto nila. Pinuntahan nito ang anak na naglalaro sa kwarto nito. Iniisip nya pa lang na mapapahamak ang nag – iisang anak nila ng asawa nya ay para na syang kinakain ng matinding galit at pangamba. Gustuhin nya mang protektahan ang anak ay wala syang magawa dahil alam nyang mas malakas pa rin sa kanila si Heinlien lalo pa at karamihan ng mga Sacred Relics na nakukuha nila noon ay sa kanya napupunta.

“ Anak. ”

Bungad nya ng makapasok sa kwarto ng anak. Naglalaro ito ng mga papel na lumilipad sa ere. Isa ito sa mga pambihirang kakayahan ng anak nila na sa murang edad ay nagagawa na kaagad nitong magamit ng maayos ang kapangyarihan na meron sya.

Napansin naman kaagad sya ng anak nya kaya naman nilapitan kaagad sya nito at hinalikan sa pisngi. Malambing kasi ang bata, mabait pa.

“ Bakit po Ma? ”

Tanong nito sa malambing na tono. Cute din itong pagmasdan sa ayos lalo pa at hindi maipagkakailang namana nito ang kutis ng ina na makinis at maputi. Ang mga mata naman nito ang namana sa ama na mapungay kung titingnan.

“ Wala lang anak. Na – miss ka lang ni Mama. ”

At mas lalo pang hinigpitan ni Weina ang yakap sa anak. Nasa ganoon pa rin silang pwesto ng bigla na lang may sumabog sa harapan ng kanilang bahay. Hindi naman iyon nakapaminsala sa kanila dahil nababalutan ng mataas na uri ng barrier ang nakabakod sa kanila.

Sa takot ng anak ay napahigpit ang kapit nito sa leeg nya.

“ Mama. Natatakot po ako. ”

Saad nito. Wala syang sinayang na oras at kaagad na lumabas. Naabutan nya ang asawa na pababa ng hagdan kaya naman pinigilan nya kaagad ito.

“ Fernan! ”

Humarap naman ito sa kanya na nag – aalala ang mukha.

“ Wag ka nang bumaba! Masyadong delikado! ”

Nahihintakutan nyang sabi rito. Sasagot pa lang sana ang asawa nya ng muli ay isang malakas na pagsabog ang nagpayanig sa kanila. Nasira na ang barrier na proteksyon nila kaya naman walang sinayang na oras ang mag – asawa at mabilis na nag – teleport papunta sa underground ng bahay nila kung saan matatagpuan ang lahat ng mga Sacred Relics na nakuha nila ng patago habang nasa misyon kasama ang mga kasamahan nila sa Eabha.

“ Anak, makinig ka saking mabuti. Kailangan ka naming dalhin ni Papa mo sa Lolo mo para hindi ka mapahamak. Masyado pang delikado ngayon kaya wag ka nang maraming tanong. Basta’t lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ni Papa mo. ”

Hinihingal na sabi ni Weina sa anak. Samantalang si Fernan naman ay dumiretso sa kwarto kung saan makikita ang mga Sacred Relics na itinatago nila rito.

“ Mama, natatakot po ako! Ano po bang nangyayari? ”

Umiiyak na sabi ng anak nilang si Ava sa pagkakataong ito. Wala namang magawa si Weina kung hindi punasan na lang ang mga luhang dumadaloy sa mukha ng anak.

“ Sshh! Wag nang umiyak. ”

Pag – alo nya sa anak habang tahimik na bumubulong sa hangin ng spell na alam nilang makakapagligtas sa buhay ng kanilang anak. Hindi naman nagtagal at dumating na rin ang asawa nya dala ang hindi baba sa tatlumpung Sacred Relics na pagmamay – ari nila.

“ Ito nang lahat ang naipon natin. ”

Walang sinayang na oras si Weina at mabilis na kinuha sa kamay ng asawa ang mga iyon at inilapag sa magical circle na ginawa nya katapat rin ng magical circle sa likod ng anak.

“ I call the Gods, as I fuse these Sacred Relics to the body of my own son,
Blessed by sacredness and demoness, born with the birthmark of a phoenix,
Make him the most powerful being alive on Earth! ”

Nagliwanag ang parehong Magical Circle na nasa lupa na syang pinaglalagyan ng mga Sacred Relics pati na ang nasa likuran ni Ava. Kasabay noon ang pagkatunaw ng mga iyon at dahan – dahang pumasok sa katawan ni Ava sa pamamagitan ng Magical Circle sa likuran nya.

“ You son of a bitch! ”

Isang espada ang bigla na lang tumagos sa katawan ni Fernan. Sumunod pa roon ang tatlong kutsilyo na syang tumagos sa ulo nito. Napasigaw naman si Weina dahil doon at inilapag ang anak na naghihirap dahil sa biglaang pagdaloy ng malakas na enerhiya at kapangyarihan sa katawan nya.

“ Heinlien Dela Cuesta! Magbabayad ka sa ginawa mo sa pamilya ko! ”

Nagawa pang buksan ni Ava ang kanyang mga mata. Ngunit ganoon na lang rin ang pagsisisi nya ng makita nya kung paano patayin ng lalaking nagngangalang Heinlien ang kanyang mga magulang ng walang awa.

End of Chapter 19
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

FearlessWhere stories live. Discover now