Hacky De Belen POV
Ang marketing team ay kabadong-kabado kahit maganda naman ang presentation nila.
"It worst than before." Mababa ang boses ni Sir Tom pero lahat ay napapayuko at natatakot dahil sa lamig ng boses at tingin niya.
Maging ang mga respetadomg share-holder at iba pang empleyadong may matataas na ranggo ay nakayuko.
"Where's Mrs. Guzman by the way? I don't remember firing her."
"Sir nagresign po siya dahil sa stress." Sagot ng secretary niyang lalaki na nasa mid fortys.
"Tss." Problemado siyang huminga ng malalim.
Lagi ba siyang ganito? Nakakatakot. I can't imagine that I cuddled with him. Maging kami ni Joanna ay natatakot.
Walang ibang nagawa si Tom kundi tulungan ang marketing team. Ang ideya niya na ang gagamitin. Namangha din ako sa talino niya.
"Sayang naman hindi tayo nakapagbihis." Si Joanna.
Nasa kotse kami ni Kevin. Ang manliligaw ni Joanna. Papunta kami sa isang club. Walang pasok bukas kaya walang problema kung magpakawala kami ngayon gabi pero wala talaga akong balak na ganuon. Napilitan lang akong sumama sa mga ito wala rin naman kasi akong ibang gagawin. Si Diane ay napilitan lang din. Mas mabuting sumama siya para malibang baka kasi bigla na namang balikan yung ex niyang babero.
"Don't worry you're still pretty no matter what you wear." Si Kevin kay Joanna.
Eww!
Kevin is older than us. Kailan kaya ito sasagutin ni Joanna at kailan din sila magbe-break?
Sa backseat ay kami ni Diane at Nathan. Nasa gitna ako nilang dalawa.
Nathan is cute. Parehas lang kami ng edad. Walang akong maramdaman sa kaniya pero siguro pag sinubukan ko may mararamdaman ako. Naawa na ako sa sarili ko. Kung ano-ano na ang binabalak ko para lang makaramdam ng kasiyahan.
Pagdating sa club ay kumuha kami ng isang mesa para samin. Nuong una ay nagkukwentuhan lang kami habang nag-iinuman. Ako lang ang hindi umiinum. Si Joanna at Kevin ay panay ang landian. Si Diane ay panay lagok ng alak. Si Kevin ay panay naman ang kausap sa akin. Nathan seems nice. Magaling siyang gumawa ng conversation. Sinasabayan ko lang siya.
Pagkatapos ng ilang oras ay nasa dance floor na ang nagliligawan at si Diane. Naiwan kami sa mesa ni Nathan. Hanggang sa pagkatapos ng matagal na kwentuhan ay palapit na ng palapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Ang mga kamay namin ay nasa aking kandungan.
This is it!
He then kissed me. I kissed him too. I waited for it. I waited for the feeling that Sir Tom gave me on that night but it didn't came. Bakit ganun? Si sir Tom kahit siya lang ang gumagawa ng lahat at ako ay nag-aantay lang ay kung ano-ano ng pinaparamdan niya sa aking sensasyon.
Tumigil ako sa paghalik. Tumayo ako. Nagtaka si Nathan dahil duon.
"Sorry, Nathan." Sabi ko at umalis na duon.
Mabilis ang lakad ko palabas ng club. Naiinis ako sa sarili ko. What I'm doing? Sa sobrang lungkot ko ba nababaliw na ako? Basta-basta ko na lang hahalikan ang kung sino. Ni muntik ko na ring maibigay ang virginity ko kay Sir Tom nang gabing iyun. I'm not even drunk. Why I am so pitiful?
Huminto ako sa parking lot. Hinahabol ko ang hininga ko. Hanggang sa may biglang pumulupot na braso sa tiyan ko at binuhat ako papunta sa kung saan. Bago ko pa matingnan kung sino iyun ay napasok niya na ako sa isang puting sasakyan. Pagkatapos nuon ay agad ko siyang hinarap. Nagulat ako ng makita si Sir Tom.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...