Chapter 44

8 2 0
                                    

Hacky de Belen POV

"Uuwi akong Pangasinan."

"For what? And you don't have any plan to tell me?"

"Kakagraduate ko lang kahapon. Aayusin ko na mga papeles at iba pang kailangan ayusin. Lilipat na kasi ako dito. Dito na ako magtatrabaho." Paliwanag ko.

He combed his curly hair with his fingers. Kunot parin ang nuo niya at nagsusungit parin. "Did you already find a job? What your course anyway?"

"Psychology. May nag-aantay ng trabaho sa akin sa Mandaluyong. Next week papasok na ako." Pasimple ko ng inaayos ang sarili ko. Naramdaman kong wala na ang heels sa paa ko. Tinanggal niya siguro.

"Wha-what? Does that mean you will be with crazy people? No. I can give you job. I can hire you as our company phycologist." Halos pagalitan niya na ako.

"Kailangan ba ng phycologist sa mga hotel niyo? Hindi naman yata. Pangkaraniwang na doctor ang kailangan niyo at nurses. At phycologist ako. Kailangan hindi ako takot sa mga taong may mental illness." Paliwanag ko sa kaniya.

"Tss. I'm not with this. You can work in a normal phycology hospital. I can build your own hospital too." Inalis niya na ang puting kumot sa kaniya at tumayo na mula sa kama. I confirmed it. He's just wearing a boxer.

"Hindi lang naman ako nanduon para magtrabaho. Mag-aaral din ako. May magaling na phycologist duon. Magiging apprentice niya ako. Just for one year pagkatapos lilipat na ako sa normal na hospital or clinic. Ang maging apprentice talaga ang pinakagoal ko duon. And it's for experience too. Maswerte na nga ako at natanggap ako bilang apprentice niya. At hindi rin naman madali maging phycologist dito sa Pilipinas. Madalas mayayaman lang ang ang nangangailangan ng phycologist. Yung mga mahirap tsaka na pag tuluyan na silang nabaliw. Filipinos are not aware enough about mental illness. Kaya hindi rin indemand ang mga phycologist doctor. I need to work hard in order to be one of the indemand doctors. And I really want to be a good one and raise the awareness about mental illness here in Philippines." Pagsisikap kong paliwanag sa kaniya.

Nasa tagiliran niya ang kaniyang mga kamay. Matagal din bago siya nakasagot. "Fine. We'll talk about this next time."

"Pag-usapan pa natin? Hindi ka pa payag? Uhm. Hindi ka na ba galit sa akin?" I asked hopefully.

"Who said we're already fine? You got a long way to go. Sisiguraduhin kong mahihirapan ka hanggang sa sumuko ka." Banta niya.

Napanguso na lang ako at yumuko. Sige pahirapan mo ako pero sisiguraduhin kong hindi ako ang susuko kun'di ikaw. Susuko ka sa pagpapahirap sa akin.

Walang katakot-takot na lumabas ng guestroom si Tom kahit nakasalawal lang siya. Ako naman ay nagmamadali siyang sinundan. Unang sumalubong sa amin ang mga unipormadong katulong na naglilinis ng pasilyo. Tatlo sila. Ang uniform nila ay scrub gown at kulay asul. Mukhang sanay silang nakikita si Tom na ganito, halos hubad. Nagulat man sila ngunit nagpatuloy sila sa ginagawa at pasimpleng pinagnanasaan ang hubad na katawan ni Tom. Agad akong nakaramdam ng inis. Tinakpan ko si Tom gamit ang aking katawan mula sa kanila. Si Tom ay nagtataka sa ginagawa ko at wala man lang pakialam sa kanilang mga katulong. Damn! This old women. How old are they forty to fifty? How many housemaid they have here? Ganito ba araw-araw? Bakit pa ba lumipat ng bahay itong si Tom? Bakit hindi na lang siya nanatili duon sa penthouse niya?

Agad ko siyang hinarap nang nasa silid na kami. "Ilang katulong mayruon kayo dito?" Naiinis kong tanong sa kaniya. "May mas bata pa ba duon sa mga ale na nasa pasilyo?" Kapag may mas bata mas delikado.

"I don't know. Why? Asked Erlinda. She's the mayordoma. She manage every house helps here."

Erlinda must be the old lady last night.

Storm In The Middle Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon