Chapter 43

6 2 0
                                    

Hacky De Belen POV

Tahimik ko na lang siyang sinundan kahit pa kinakabahan ako. Kahit pa kumikirot ang puso ko sa pagtanggi niya sa mga kamay ko. Tanggap ko naman na hindi niya na ako mahal pero masakit parin.

Hanggang sa may pinatunog na siyang kotse sa harap namin. It's a dark blue bugatti Chiron. It's a million dollar car. Hindi ko maiwasan mapahinto dahil duon. Is that even available here in Philippines? Napatingin ako kay Tom na para bang pinagbibintangan ko siya ng ano mang kasalanan.

"Get inside." Malamig niyang utos.

Nagmamadali na lang akong pumasok sa front seat. Tahimik din akong nagsuot ng seatbelt habang palinga-linga ako sa interior nitong bugatti niya. Umaandar na ang kotse at hindi man lang siya nagsasalita. Hanggang sa pumasok na kami sa isang ekslusibong subdivision. Pinaosk niya ang kotse sa isang matayog na gate. Automatikong bumubukas ang kulay brown na gate. Pa-arko ang hugis nito at gawa sa kahoy na pantau-pantay ang hugis. Ang matayog at malapad na bakod ay nababalutan ng mga halaman. Para tuloy palasyong itong papasukan namin.

Pagpasok namin ay mas lalo akong namangha. Sa magkabilang gilid ng daan ay ang malawak na hardin. Gabi man ay puno ng ilaw duon. May fountain din akong nakikita. May babaeng statue duon sa gitna at may hawak na banga. May lumalabas na tubig sa bangang iyun. Pinark ng maayos ni Tom ang kotse. Agad na kaming lumabas.

Nang makakabas ay mas malaya kong natingnan ang mansiyon na ito. May dalawang palapag ngunit sobrang laki at lawak. Gawa sa bricks ang labas. May part ng bubong na patatsulok ang hugis. Para talaga itong pinaliit na palasyo. Gusto ko paman mapagmasdan ang labas ay hindi ko na magawa dahil papasok na si Tom. Mabilus akong sumunod sa kaniya. Sa harap namin ay malaking double doors. Gawa it sa salamin at puting kahoy. Ang kahoy ay may mga kurba sa gitna. Binuksan ito ni Tom at pumasok na. Ako ay sunod lang nang sunod sa kaniya.

May sumalubong sa aming matandang babae. Mahaba ang buhok niya ngunit nakatali. May salamin siya. Nakabestida siya at bulaklakin. Gaya na lang ng laging suot ng mga may edad na.

"I told you to not wait for me." Si Tom.

"Trabaho ko po ito." Sagot ng matanda na pakiramdam ko ilang daan beses niya ng inulit.

Napabaling ang kalmadong mga mata sa akin ng mataanda. Nagtataka sa kung sino ako. Nang makita ko ang gulat sa kaniya naramdaman kung kilala niya ako. Hindi ko nga lang alam kung paano.

"Magandang gabi po." Pagbati ko.

"Magandang gabi din." Pormal na sagot ng matanda.

Pagkatapos nuon ay sumunod na ako kay Tom na ayaw papigil sa paglalakad. Ang loob ng mansiyon ito ay may kaibahan sa labas. Ang labas kasi ay parang luma at payapang europa ngunit ang loob ay pinaghalong classic at modern. Malawak na tanggapan. Ang dingding ay purong puti. Mataas na ceiling na may malaking chandelier. Ang mga mwebles ay piniling mabuti. Karamihan ng kulay ay maliwanag. Puro puti, ginto at iba pang maliliwanag na kulay. Unang tingin palang alam kong walang kinalaman si Tom sa pagdisenyo nito. Si Tom kasi ay moderno ang gustong disenyo. Mas gusto niya ang itim, brown at kakaunting puti.

Tahimik lang ako sa pagsunod kay Tom sa kanilang grand stair case. Nang makita ko ang malaki painting nila ng pamilya niya sa living room napagtanto kong bahay nila ito ng pamilya niya. Did he grow up here? Sa susunod titingnan ko naman ang mga picture frames.

Pumasok si Tom sa isang pintuan na sa tingin ko ay kuwartp niya. Pumaosk na rin ako duon. Nagulat na lang ako nang marahan niyang hinatak ang palapulsuhan ko. Naging mabilis ang pangyayari at sa isang iglap ay napahiga niya ako sa sofa. Diniin niya ako duon. Parehas niyang hawak ang palapulsuhan ko sa taas ng aking ulo. Nasa ibabaw ko na siya. Galit ang mga mata. Taas-baba ang dibdib.

Storm In The Middle Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon