Hacky de Belen POV
Sa study ng mansiyon nila Tom ay may graduation picture siya sa dingding. Malaking litrato iyun. Kasing laki na ng bintana. Nakatogang itim siya at hawak niya ang kaniyang graduation cup. He's not even smiling. He still look so dashing, though. Kailanman siguro hindi niya naranasan maging panget sa graduation picture o kahit sa ID picture. Siya iyung tipong laging picture ready kahit ano paman ang ginagawa niya. Kahit stolen ay maganda parin.
Nandito ako sa study room at nakatayo. Tinitingnan ang graduation picture niyang ito. Sobrang bata niya pa dito pero masasabi kong matured na ang pangangatawan niya. Sigurado akong maraming nagkakarandapang babae sa kaniya nuon nag-aaral palang siya. Sa tabi ng picture niya ay ang picture ko. Kasing laki din ito ng kaniya. Nakuha ko na ang graduation picture ko ngunit hindi naman ito ganito kalaki pero nagpagawa si Tom ng kasing laki ng kaniya. Siya narin mismo ang nagsabit. Sa kabilang tabi naman ni Tom ay ang graduation picture ng kaniyang mga magulang. Iniisip ko kung pwede bang maglagay din ng picture ko dito. Ni hindi pa kami kasal ni Tom. Hind ko rin alam kung magugustuhan ako ng mga magulang niya. Ilang beses ko ng naririnig na hindi nila ako matatanggap dahil sa estado ng buhay ko. Kaya ko ng labanan ang ibang tao ngunit paano ang pamilya ni Tom? It's his family after all. I'm sure Tom don't want them to be hurting.
Habang tinitingnan ang mga litratong ito ay napapaisip ako kung para ba dito talaga ako. Kung tama lang ba na nandito ako. Ang agwat ng buhay namin ni Tom. Magkaibang-magkaiba din kami ng pag-uugali. Pero isa lang ang sigurado ko at yuon ay mahal ko si Tom. Magiging masaya ako hanggang sa magkasama kami kaya ano pamang bumalakid sa amin ay lalabanan ko. Naisip ko ng kailan man magiging kumplikado ang relasyon naming ito. Ganuon paman ito ang pipiliin ko. Aanhin mo naman kasi ang tahinik at mahabang buhy kun'di ka masaya? Isa sa mga natutunan ko sa buhay na ito ay laging sundin ang nagpapsaya sayo. Create lot of good memories. Live and don't regret anything. That even you'll passed away earlier you will not regret anything. Because in every seconds of your life you knew that you really live truly.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Lumabas duon si Tom. Nakadark suit na siya, white long sleeve at brown leather shoes. Wala pang neck tie dahil nasa akin ito. Ako ang pumili ng lahat ng suot niya. Wala naman siyang problema duon.
Lumapit na siya sa akin. Agad ko ng sinabit ang neck tie sa kaniya. Mabilis ko namang naayos ito sa kaniya. Inayos ko na rin ang kwelyo niya.
"How come you're so good at it?" He asked smiling. Ang mga kamay niya ay taas-baba na sa aking tagiliran.
"Dahil businessman ka pinangarap ko talaga na ako ang laging magsusuot sa'yo ng necktie. Kaya naman lagi kong pinagpractisan si Totoy at mukhang worth it naman." Proud kong sabi.
"What?" Naiinis niya agad na tanong.
"Wala namang malisya yun. Friends lang talaga kami. Wala kasi akong ibang mapagpractisan." Pangangatwiran ko.
Hindi parin maalis ang naiinis niyang mata sa akin. Napakaseloso niya talaga.
"Okay lang ba talaga na nagsabit ka ng picture ko dito? Paano kung magalit parents mo? Tapos dito rin ako tumitira." I asked him worriedly.
"Don't worry about them." Tanging sabi niya.
"Uuwi ba sila sa birthday mo?" Sa sunod na linggo na ang kaarawan niya.
"Nope. Sa mga susunod pa na buwan."
"Sayang naman kung ganuon. Hindi ka ba nila namimiss?" Tanong ko habang nakatingin sa litraro ng mga magulang niya.
Nasabi niya sa akin na umuwi naman daw ang mga magulang niya nitong nakaraang limang taon. Isang beses nga lang sa isang taon. Wala na sila sa cruise ship ngunit nagtatravel parin sila sa iba't-ibang parte ng mundo.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...