Chapter 16

4 3 0
                                    

Hacky De Belen POV

"Alam mo dati crush ko si Sir Tom pero ngayon si Sir Elias na ang crush ko." Kwento sa akin ng kaopisina kong si Jessa habang naglalakad kami dito sa opisina. May mga dala kaming papeles na ihahatid sa ilang cubicles.

Sanay na ako laging may nagsasabi na crush nila si Sir Tom. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa kaniya? Guwapo, matipuno, matalino, successful, mayaman at misteryoso siya. Kapag inamin mo na crush siya para mo lang ding sinabi na crush mo ang isang sikat na artista. Na normal lang ang nararamdaman mo. Ang kinaiinisan ko lang ay kapag may nagsasabing gusto nilang makasama sa kama si Sir Tom o kapag sinabi nilang gusto nilang maranasan haplusin ang ano ni Sir Tom. Naiinis man wala narin akong ibang magawa. Minsan nga naisip kong ipublic na lang ang panliligaw ni Sir Tom para mahiya na ang mga taong ito na magsabi sa harap ko ng makamundong pagnanasa nila kaniya. Pero sa huli naiisip ko na kapag mas maraming nakakaalam mas magulo. Maraming mang-uusisa, makikialam at kung ano-ano pa.

"Bakit naman?"

"Kasi naman nakakain-love si Sir Elias. Ang sweet sweet niya sa asawa niya. Ang buti niya ring ama sa dalawa niyang anak. Minsan naiimagine ko ang sarili ko na asawa niya. Naku! Kapag ganun magpapaanak talaga ako ng marami sa kaniya." Si Jessa at natawa na lang.

Tumawa din ako. Mabait nga iyun si Sir Elias. Kapag nakikita niya ako lagi niya akong binabati at nginingitian. Nasabi niya pang sa susunod kapag bumalik na dito sa trabaho ang asawa niya ipapakilala niya ako dito. Ang asawa niya kasi ay isa din sa mga board members. Nagtataka nga lang ako bakit kailangan pa akong ipakilala ni Sir Elias sa asawa niya gayung simpleng empleyado lang naman ako. Nililigawan ako ng pinsan niya slash best friend pero hindi niya naman alam iyun.

Pare-parehas talaga ang opinyon ng lahat kay Sir Tom. Siya yung tipo ng lalaki na hindi nagseseryoso sa babae. Yung hanggang fling lang at isang gamitan lang sa kama. Hindi nila maisip na magseseryoso ito sa isang babae at magkakapamilya katulad ni Sir Elias. Kaya nga daw pumayag ito sa arrange marriage kay Christina dahil wala naman itong ibang maisip na pakasalan. Kay Christina na lang para convenient sa kanilang negosyo at yaman. May nagsasabi naman na seryoso daw si Sir Tom kay Christina. At kahit na abala ito sa career sa ibang bansa matiyagang naghihinay si Sir Tom dito sa Pilipinas. Tuwing nababangit si Christina naiinis talaga ako. Hindi lang simpleng inis. Galit na rin. At sa huli nararamdaman ko ang kirot sa puso ko.

"Alam mo ba parehas kami ng University niyan ni Sir Tom?" Si Jessa na hindi matigil kadadaldal.

"Oh?" Nakuha niya ang buong atensiyon ko dahil duon.

"Oo. Hindi naman kami mayaman pero hindi rin mahirap. Hirap kami magbayad ng tuition nuong college. Alam mo na mamahaling school. Kaso yung parents ko naniniwala sila na kapag nasa magandang school ako maganda rin ang magiging future ko. Pero hindi rin iyun totoo. Siguro maaaring makatulong pero nasa tao parin iyun. E, ako sadyang hindi talaga ako magaling kaya." Nagkibit balikat siya.

"Matino naman trabaho mo ngayon,ah."

"I know pero higit pa dito ang expectation ng parents ko. Pero tanggap narin nila. Lalo na ako. Sobrang kuntento na ako. Pero alam mo ba si Sir Tom. Naku! Nuong college palang kami magaling na talaga yan. Hindi nawawala sa Dean Lister. Active pa sa ibang activities. Dapat kasama din siya sa basketball team nuon kaso tinanggihan niya kasi priority niya ang academics at nagtatrabaho na din siya nuon dito sa kompanya."

"Ilang beses ko na ring narinig yan. Na mid teens nagstart siya sa pinakamaliit na trabaho dito sa kompanya. Housekeeping, tagahugas sa kitchen at janitor. Hanggang sa lumipas ang panahon tumataas din ang trabaho niya. Pagkatapos nuong pagkagraduate niya ng college at age of 22 siya na ang CEO." Proud kong sabi. Wala namang nahahalata si Jessa. Iniisip niya lang siguro na isa lang din ako sa mga kinikilig kapag pinag-uusapan ang aming boss.

Storm In The Middle Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon