Hacky De Belen POV
Suot ang T-shirt, jeans at sneakers ay naging sobrang abala ko. Parang nagkakagulo sa buong hotel. Abala ang lahat. May mga nag-aayos ng silya at upuan para sa mga bisita. May mga nag-aayos ng disenyo na bulaklak at mga tangay ng kahoy. Hindi pa iyun tapos pero alam ko ng maganda ang magiging kalalabasan nuon. Ang mga kubyertos at plato ay maayos ding pinili. Sa kitchen ay nagkakagulo din. Hindi na ako magtataka kung maraming tagaluto ang napaso duon. Kailangan kasi perpekto ang lahat. Ang mga aatend ay ang pinakamalalaking negosyante sa bansa. At expected na din ang bonggang event dahil de Zangroniz hotel chain ang pinakakilaka sa bansa sa kanilang larangan.
Kahit planado pala ang lahat hindi parin maiiwasan na may hindi inaasahang mangyari kaya kailangan laging handa. Mayruon kinulang ng tao, delay na deliver ng supplies at ingredients sa kitchen. Alam na ng kitchen ang gagawin. Ang ibang kulang ay ginawa ng paraan. Kami ni Sir Ramon ang tagacheck kung tama at kumpleto ang lahat. Kapag may mali agad niyang pinapaayos sa akin ngayon. Nakakapagod man gusto ko paring gawin ang best ko. Pakiramdam ko sa ganito ko lang matutulungan si Sir Tom kahit papaano.
Nagkaruon din naman kami ng pahinga. Kasama ang iba pang trabahador nag lunch kami kahit sobrang late na. 6pm ang simula ng event. Hidni ko malaman kung grand opening lang ba ito o ano. Sobrang enggrande kasi para sa grand opening. Makakatulong din siguro ito sa publicity ng kompanya. Malamang magiging laman ito ng mga magazines. Sana pati international na magazine. Hindi imposible iyun lalo na't sobrang enggrande nito at marami pang dadalong malalaking tao. Excited na ako para kay Sir Tom.
Hanggang sa nag 6pm na nga. Isa-isa nang nagsipagdatingan ang mga bisita. Ang mga babae ay puno ng kolorete sa katawan. Simula sa branded na dress, sapatos at clutches. Alahas at kompletong makeover. Ang mga lalaki ay nakatuxedo din. Ilang na ang naririnig kong dumadating gamit ang chopper. Nandito din ang media. So far wala nang problema.
Kaiba sa mga bisita ang suot ko na itim na pencil skirt at coat. Sa loob ay puting ruffles sleeveless top. Nakaitim din akong sapatos na may takong. Ang buhok ay maayos na nakaponytail nakamake up din ako ngunit hindi tulad ng mga bisita. Simpleng make lang ang akin, iyung para lang sa empleyado. May ID din akong suot. May ear piece pa ako sa tainga upang makapagcommunicate sa ibang empleyado na sinisiguradong mabuti naman ang lahat.
Kanina kasama ko si Sir Ramon pero sinundo niya si Sir Tom. Nakachopper din iyun kasama ang pinakamalaking invetstor na Chinese. Nasa bukana ako ng Hotel. Inaabangan ang mga bisita. Nag-aabang kong may mangyayaring problema at agad susulusyunan. Pinapanuod ko lang ang mga bisitang abala sa batian. Hindi ko masundan Ang iba nilang pinag-uusapan dahil tungkol na ito sa negosyo. Ang akala ko ay puro may edad lang ang dadalo pero ang dami ding mga young bachelor at dalaga dito.
Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang lahat. Lalo na ang mga babae na kaseng edad ko o mas matanda lang sa akin ng ilang taon. Ibang-iba talaga sila. Even how they laughed. Hindi ko rin maiwasan tingnan ang mga suot nila. I want to wear those too. Ang panuurin ang ganitong tanawin ay nagpaparamdam sa akin na para bang nasa iba akong mundo. Nandito man ako perp parang may pader na nakaharang sa akin mula sa mga taong ito.
Hanggang sa marinig ko na ang pagdating ni Sir Tom. Agad akong pasimpleng pumunta kung saan pwede ko siya makitang magi-speech. Nanuon ako sa pinakalikod. Natatabunan ng maraming bisita. Ganumpaman nakikita ko parin ang maliit na entablado kung saan magi-speech si Sir.
"Ang successfull talaga ni Tom. Kung ako kay Christina hindi ko iiwan ang fiance ko dito. Habulin pa naman yan ng mga babae." Narinig kong usapan ng mga babae na nasa harap ko.
Ilang taon lang ang tanda nila sa akin. Kaseng edaran siguo sila ni Sir Tom. Tulad ng ibang bisita magaganda din ang suot nila.
"Confident naman kasi siyang sa huli sa kaniya uuwi si Tom. You know them. They been always together. You saw Tom having girls and in the end he will go back to Christina." Nagkibit balikat ang babae. Sumangayun din ang mga kasma niya sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...