Chapter 35

3 2 0
                                    

Hacky de Belen POV

Nang mga sumunod na araw ay abala na naman si Tom sa trabaho. Ako ay abala naman sa social media at iba pang bagay sa internet. Pagkagabi ay sinusundo niya ako para sa dinner.

Pababa pa lang ako ng monster truck ko ay kabado na ako. Ako na mismo ang nagdrive. Ito ang araw na lalabas kami ni Ariel kasama ang mga kaibigan niya. Kinkabahan ako hindi dahil takot ako sa kaniya kun'di dahil takot akong may makita silang mali sa akin.

Suot ang isang skinny jeans na may itim na belt at may kulay pilak na letrang G sa gitna ay pumasok ako sa restaurant kung saan usapan namin magkita. Nakaputing shirt lang din ako na tinuck-in ko. A white sandal heals and a black mini channel backpack.

Hinatid ako ng waiter kung nasaan sila Ariel. Agad ko silang nakita. Lahat sila nakadress, mapuputi at may kulay ang buhok. Kaiba sa akin na may itim ng buhok at kayumangging kulay. I comforted myself. I'm wearing expensive things too. Nang makita nila ako ay agad nila akong binati. Nakipagbeso din ako sa kanila. Umordee kami ng pagkain. Agad na nagsimula ang kwentuhang madalas hindi ko masabayan. Basta pinagaaralan ko na lang sila kung paano kumilos at magsalita at kung saang mga bagay sila interesado. Nakakahiya pa dahil lahat sila ay kakagraduate lang ng abogasya. Samantalang ako dito hindi man lang nakatungtong ng kolehiyo.

"I like your shoes. What shoes is that?" Si Ariel ng mapansin ang sapatos ko.

Napatulala ako dahil duon. Hindi ko alam kung anong sapatos ito. Kanina parin sila nagkukwentuhan ng pangalan nang mga sinusuot nilang damit, sapatos at bag. So, I need to learn the name of this things?

Nakakahiya na hinihintay nila akong sumagot.

"It's a Gianuito Rossi. I have it also at home." Si Janella.

Napalunok na lang ako sa kahihiyan. Pagkatapos nuon sa ay nagsimula na kami sa pagsashopping. Hindi ko nga lang maiwasan mahiya at manliit sa tuwing pinagtitinginan kami ng mga tao. Nangingibabaw kasi ang ganda ng tatlo. Pakiramdam ko nga alalay lang nila ako. Sa unang beses ng buhay ko nagshopping ako at hindi man lang natuwa. Nadrain lang ang energy ko.

"Bye, see you again." Si Ariel.

Ang hirap isipin na kailangan ko ulit humarap sa ganito.

"Bye" Ngumiti ako sa kanilang tatlo.

Bawat araw at oras na kasama ko si Tom para akong lumulutang ngunit tuwing iisipin iisipin kung makakasama ko ang mga taong malapit sa kaniya ay lumulubog naman ang pakiramdam ko.

Dahil hindi naman ako marunong mag-golf at wala rin sa isip kong maglaro nuon ay nagsuot ako ng dress at black heels nang patungo kamu sa family and friends gathering nila Tom.

Naalala ko din kasi nuong kasama ko sila Ariel ako lang ang naiiba. Nuong una wala namang problema duon kahit pa nuong nakita ko si Tom na nakaputing ballcap, white polo na nakatuck-in sa dark blue pants niya. Hindi siya nagtatuck-in tuwing casual wear lang. Ginagawa niya lang ito kapag nakasuit siya at long sleeve. Ngunit halos gusto ko magpalamon sa lupa nang makita ang lahat sa golf club na iyun. Lahat ay naka-golf attire. Ako lang ang hindi. Ako lang ang tanging nakadress at heels. Everyone is in their sports skirta and polo shirt. At ang mas nakakainis nandito si Christina at Ariel. Parehas silang nakaskirt na puti at sneakers din na puti. Si Ariel ay nakahighsocks pa. Parehas din silang nakaballcap. Ramdam na ramdam ko ang kaibahan ko sa suot palang. Ngumiti parin ako sa kanila at hindi pinapakita ang tunay na nararamdaman kahit halos matunaw na ako sa mga tingin nila. Lalo na ng  mga babae. Pinakilala ako sa lahat at wala man lang akong maalala sa mga pangalan nila dahil sa kaba at hiyang nararamdaman.

Sa building ng club na iyun ay nagbrunch kami. Hindi ko na malasahan ang kinakain ko dahil sa mga nararamdaman. Kailan kaya ako magiging komportable sa mga taong ito.

Storm In The Middle Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon