Hacky De Belen POV
Nagpaalam ako kay sir Ramon na pinapaakyat ako ni Sir Tom sa opisina niya. Tumango lang siya at hindi na nagtanong.
"Sorry guys. Pinapaakyat ako ng President sa opisina niya. Mauna na lang kayo maglunch." Nagmamadali kong sabi sa kanila at nagpaalam na.
Agad akong nag-elavator para makapunta sa opisina ni President. Nang naduon ay halos nakatingkayad ako sa paglalakad. Nag-iingat na para bang may kinakatakutan. Marahan akong sumilip sa opisina niya. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Nakahilig siya sa swival chair at wala ng ibang ginagawa. Mukhang naghihintay na lang talaga sa akin. Malamig ang mga mata niya.
Marahan ko ng pinasok ang buo kong katawan sa opisina niya. Lumapit narin ako sa mesa niya. Siya ay pinapanuod lang ako. May mga papeles pa sa mesa niya. Nakabukas din ang kaniyang desktop. Mukhang nagpapahinga lang siya saglit.
"Sir, ano po iuutos niyo?" Pormal kong tanong.
"Buy lunch for me, for two."
Lunch? Lunch ko na rin. Nagugutom na ako sa dami ng pinapagawa sa akin. Dapat inutusan niya ako ng mas maaga. For two? Siguro may bisita siya.
"Anong gusto niyo pong lunch?" Pormal ko ulit na tanong.
"Anything. Buy what you want." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nagtagal ang tingin niya sa pencil skirt ko.
"Anything? Bilhan kita ng sardinas diyan." Bulong-bulong ko.
"What?" Agad niyang tanong.
"Wala." Sarkastiko kong sabi.
"Why are you wearing a skirt? Where's your jeans?" Nakunot-nuo niyang tanong.
Tiningnan ko ang palda ko. Anong masama dito? Mas pormal nga ito tingnan kesa pantalon.
"Kakalaba ko lang. Hindi pa tuyo." Nakasimangot kong sagot. Totoo iyun. Mas gusto ko rin naman magpantalon. Mas komportable ako dun. "Kahit ano po ba talagang lunch? May mga ayaw po ba kayong kainin?"
Nag-isip niya. "Wala naman. Piliin mo na lang ang kung ano ang gusto mo." Kinuha niya ang wallet niya at kumuha ng isang card duon. Inabot niya sa akin iyun. May pangalan niya duon. Sinabi niya na rin sa akin ang pincode.
Marami kaya itong laman? "Nakawan ko kaya ito?" Bulong-bulong ko. Nakakainis kasi nagugutom na ako.
"Ano?"
"Wala po. Alis na po ako." Lumabas na nga ako duon habang nararamdaman ko ang mga mata niya sa likod ko.
Nasa elavator palang ay nag-iisip na ako kung ano dapat bilhin. Nagsearch ako sa Google maps ng malapit na restaurant dito. Dahil siyudad ito maraming lumabas duon. Nahihirapan tuloy ako pumili. Wala kasing sinabing specific na pagkain ang President na iyun. Sa huli ay bumili na lang ako ng stake with rice at mango juice. May kasama na din iyung mga side dishes. Dahil sa mamahalin akong restaurant pumunta natagalan ako. Matagal sila magluto at lunch break pa sakto.
Nang bumalik ako sa Hotel ay nakasimangot na ako dahil sa gutom. Gusto ko na lapain itong mabangong steak na binili ko. Maging sa mabilis na elavator ay naiinip ako. Nang makarating na ako sa tamang palapag ay agad na akong pumasok. Bahagya pang nagulat si President dahil sa biglaan kong pagpaspok. Halos magpapadyak ako habang lumalapit ako sa kaniya. Mabilis kong nilahad sa kaniya ito ng nakasimangot.
Hindi niya iyun kinuha. "Bakit ka nakasimangot?" He asked with amusement.
Hindi ko na maiwasan pumadyak. "Please tanggapin niyo na. Kailangan ko rin po maglunch." Iritado ko ng sabi.
Hindi naalis ang ngiti sa labi niya. Tumayo siya at kinuha ang paper bag sa kamay ko.
"Sumama ka sakin." Utos niya. Naglalakad siya palabas ng opisina niya.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...