Chapter 41

5 2 0
                                    

Hacky de Belen POV

Sa tuwing nangungulila ako sa kaniya pinagsisihan ko na iniwan ko siya. Sana pala hindi ko siya tinalikuran ng gabing iyun. Sana pala tinanggap ko na lang ang lahat ng sakit. Ngunit ngayong mahigit apat na taon na ang nakakalipas sigurado akong walang mali sa ginawa ko. Dahil ngayon buo na ako. Mas malakas na ako. Kaya ko na siyang protektahan. Kaya ko ng tapatan ang matinding pagmamahal niya sa akin.

Kaso nga lang mahal niya pa kaya ako hanggang ngayon? Maaring hindi na. Baka hindi na nga.

Nasa isa akong malaking event hall ngayon. Ang halos lahat ng tao ay nakatogang itim na tulad ko. I just graduated a four years course of Psychology. Nakatingin ako sa cellphone ko habang hinihintay ang mga kaibigan na nakikipag-usap pa sa mga pamilya nila.

"Engagement party of John Thomas Ignacio and Christina Hemsworth." Yuon ang nakikita ko sa aking cellphone. Mamayang hatinggabi iyun gaganapin. Nakalagay din ang lugar kung saan ito idadaos. Sa bagong hotel nila Tom sa Quezon City.

Engaged na sila sa wakas? Mahal na kaya siya ni Tom? Siguro. Kilala ko ang lakaking iyun. Masiyadong mapili sa babae. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagustuhan nuon. Hindi naman iyun papayag sa engagement kung hindi niya talaga gusto si Christina.

Ganunpaman makikipagsapalaran parin ako. Gaya na lang ng pakikipagsapalaran ni Tom sa babasagin kong puso nuon. Ngayon din ay babiyahe ako galing dito sa Pangasinan papunta sa Maynila. Susubukan kong pigilan ang relasyon nila.

Pagkatapos kong iwan si Tom dito na ako tumira sa Pangasinan. Sa bahay kung saan din ako pumunta nuong una kong iniwan si Tom. Tinanggap ko ang binigay na isang milyon ni Papa. Malaki ang magiging tulong nuon sa akin dahil ako na mismong bubuhay sa aking sarili. Naghanap din ako ng trabaho habang nag-aantay ng bagong pasukan. Kahit na nagsimula na ako sa pag-aaral ay nagtrabaho parin ako.

Naging sobrang hirap ng mga unang araw na iniwan ko si Tom. Wala akong ibang ginawa kun'di umiyak. At laging tinatanong sa sarili kung paano kung hindi ko siya iniwan. Paano kung balikan ko na lang siya? Paano kung dumating ang araw na titigil na siya sa pagmamahal sa akin? Na magsawa na siya pag-aantay. Ngunit nilakasan ko ang loob ko. Ginawa kong inspirasyon ang pagmamahal ko sa kaniya upang maayos ang sarili ko at makabangong muli.

Gusto kong ibigay ang tamang pagmamahal sa kaniya at para magawa yun kailangan ko munang mahalin ang sarili ko. Kailangan ko muna matanggap ang buo kong pagkatao.Kailangan ko munang makilala ang sarili ko. Kailangan ko tanghapin lahat ng nagawa kong mali at mga bagay na hindi ko kayang gawin. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang pinakaimportante sa mundong ito. Kung ano ba ang dapat kong unahin at ihuli. Kailangan ko munang malaman kung bakit nga ba ako nandito. Kung ano ba ang misyon ko sa mundong ito.

Hindi naging madali ang lahat. Inabot din ako ng ilang taon upang mabuo ang sarili ko at siguraduhing hindi na ito mababasag muli. Maraming beses na hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong nasa isang madilim na lugar at paikot-ikot lang. Ilang beses akong naligaw at nadapa ngunit sa huli nahanap ko rin ang sarili ko. Natuto rin akong mahalin ang sarili ko.

Nilagay ko na ang cellphone sa aking maliit na leather sling bag. Sa loob ng aking itim na toga ay kulay beige na dress. Fitted ito, sleeveless at may kaiiklian. Nakakulay beige din akong heels. Ang buhok ko ay hanggang balikat ang haba. Itim parin ito at sraight. Maayos din ang aking make up at namumula ang aking labi dahil sa lipstick.

Marahan akong tumakbo papalapit sa mga kaibigan ko. Dito ko na sila nakilala sa Pangasinan.

"Alis na ako." Paalam ko sa kanila.

Abala sila sa pakikipag-usap sa kanilang mga magulang at iba pang pamilya. Ako lang yata ang walang dala sa mismong graduation. Ganuon paman sobrang saya ko parin. Ang hirap yata ng pinagdaanan ko. Ako lang mag-isa sa isang banyagang lugar para sa akin. Pinagsabay ko rin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Kaya naman bakit hindi ako magiging masaya? Sobrang saya ko din sa aking piniling kurso. Matapos ang matagal na pag-iisip pinili  ko ang Psychology. Gusto ko maging tagagamot ng kirot sa puso at gulo sa isipan. Gusto kong matulungan lahat ng taong nawawalan ng gana mabuhay at mga taong hindi mahanap ang misyon nila dito sa mundo. Naging mahirap man ang buong apat na taon na pag-aaral naging masaya naman ako.

Storm In The Middle Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon