Chapter 49

9 2 0
                                    

Hacky de Belen POV

Halos hindi ako mabitaw-bitawan ni Tom. Laging nasa baywang ko ang mga kamay niya o kaya naman ay nakaakbay siya sa akin. Nakatayo man siya, nakaupo, nakikipagkwentuhan, tawanan o uminom hindi niya talaga ako binibitawan. Panay din ang tingin niya sa buong katawan ko at tuwing tinitingnan niya ako para bang nahihirapan siya.

Nakagawa din ako ng paraan para makatakas sa kaniya. Nakikipagkwentuhan na ako sa mga kakilala niya ganunpaman panay ang baling niya kung nasaan ako. Na para bang sa isang iglap ay mawawala ako. Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan sa mga babaeng kaibigan niya. It was very fun. I had to admit that not all like me but still there are that is fine. Ilang beses na akong nakakarinig ng papuri tungkol sa damit kong suot kayo lalo pa akong naging good mood. Marahan din akong umiinum ng alak. Kaunti lang dahil magagalit si Tom.

Hanggang sa hindi na makatiis si Tom at nilapitan na ako. Hinapit niya ang baywang ko at binulungan.

"Come with me for a while." Bulong niya.

Gusto ko pa sana magtanong kung bakit pero nagpaalam na lang din ako sa mga kausap nang makasama na sa kaniya.

Dinala niya ako palabas ng pub. Halos takpan niya na ang buong katawan ko gamit ang katawan niya para hindi ako makita ng mga taong nakakasalubong namin. Kanina sa loob ng pub karamihan ng mga babae ay sexy din naman ang damit kaya hindi ako halos naiiba at kaya hindi rin ako nahihiya ngunit ngayong nasa labas ako ay tuluyan na akong nakaramdam ng hiya.

Dinala ako ni Tom sa basement kung nasaan ang parking lot. Dahil wala ng tao dito hawak niya na lang ang kamay ko at hinihila ako papuntang sa kung saan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"We're going home." Malamig niyang sagot.

"Huh?" Hinila ko ang braso ko para makahinto kami. "Ala-otso palang. Ang dami mo pang bisita duong naiwan."

"Just let them. They can enjoy thereselves even without me."

"Pero Tom." Hindi na ako makapagsalita pa dahil bigla niya na lang akong binuhat at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pinasok niya ako sa front seat ng bugatti niya. Siya na rin ang nag suot sa akin ng seatbelt. "You will give me my gift tonight." Sabi niya na para bang babala.

What gift? Oo, may gift ako sa kaniya na iniwan ko sa bahay. But is he talking about that?

Nang makapasok siya sa driver seat ay agad niya itong mabilis na pinaharurot. Sa bilis nito halos atakehin ako sa puso. Nang nasa highway ay mas binilisan niya. He's over speeding. Napapakapit na lang ako sa seatbelt at hindi na nagulat na bigla na lang kaming nasa harapan ng mansiyon. Mabilis siyang lumabas at ako din. Agad niyang hinuli ang palapulsuhan at hinila ako papasok. Hindi na ako makaangal dahil sa bilis at takot ko na rin dahil mukha siyang galit. Ni hindi niya pinansin ang bati ng mga kasambahay kaya ako na lang ang bumati sa kanila.

Dumiretso kami sa kwarto. Pagkalock niya ng pinto ay agad niyang hinawakan ang batok ko at braso. Marahas niya akong inatake ng halik. Nuong una ay hindi ako makaganti sa mga halik niyang iyun dahil narin sa labis na pagkalunod. Nuong sinubukan ko namang tapatan ang marahas, gutom at mapanghanap niyang halik ay iniwan niya na ang labi ko at pinagpatuloy ang halik niya pababa sa leeg ko.

Isang beses lang may nangyari sa amin at halos ilang  taon na rin ang nakakalipas. Aaminin kong matagal ko ring hinahanap ang pinaramdam niyang sa akin nuon. We've been sleeping for a couple of weeks pero wala naman siyang balak na gawin iyun. Now that he's on it hindi ko naman alam ang gagawin. Halik niya palang ay nawawala na ako sa sarili at agad na akong siguradong ipapaubaya ko ang katawan ko sa kaniya.

Storm In The Middle Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon