Chapter 29

4 2 0
                                    

Hacky De Belen POV

Kahit hiyang-hiya ako ay hindi naman pwedeng duon na lang ako magtago sa dibdib ni Tom. Kaya naman marahan kong inangat ang mukha ko mula sa dibdib niya. Inalis ko na rin ang katawan ko mula sa kaniya. Habang ginagawa ko iyun ay maingat kong sinusuri ang mga tao. Kagaya ng inaasahan ko ay nakatingin sila sa amin lahat. Gulat at nagbubulong-bulungan. Sa saglit na pagpasada ko sa mga tao ay wala naman na akong nakitang tingin na nangmamaliit. Mayruon parin naman siguro diyan. Hindi ko lang makita. Hindi naman siguro talaga ako agad-agad na matatanggap ng mga tao para kay Tom. Mayruon parin diyan na hahanapan ako ng mali.

Yinuko ko na lang ang ulo ko. Nasa gilid ako ni Tom at magkadikit ang katawan namin. Ang isa niyang braso ay nasa baywang ko parin. Nararamdaman ko na ang tingin niya sa akin kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Naabutan ko ang seryoso niyang mga mata. Inaalam ang kung ano ang iniisip ko. Matalim ko na lang siyang tiningnan para itago ang kaba kong nararamdaman.

Muli akong nagkaruon ng tapang upang tingnan ang mga taong nasa paligid namin. Mas lalong nag-init ang mukha ko ng makita ko ang dalawa kong kaibigan. Si Joanna ay napapagitnaan nila Kevin at Diane. Nandito lang sila sa malapit sa amin. Ang dalawang kaibigan ay nakangisi na sa akin. Tila ba nang-aasar. Si Kevin naman ay abalang sinusuri ang buhok ni Joanna kahit sigurado naman akong walang dumi duon.

Agad ko ding napagtanto na hindi pala ako dapat nanatili dito. Pormal pa pala na iaa-nnounce ang pagkapanalo nila Tom. May pictures taking pa at kung ano-ano. Nakikita ko na rin ang malaking tropeyo na kulay ginto. Mukhang naantala pa ang lahat dahil sa ginagawang paghahalikan namin ni Tom. Nakakahiya talaga! At si Christina pala? Muntik ko na siyang makalimutan ah! Pagkatapos ko luminga-linga ay hindi ko naman siya nakita kaya hinayaan ko na lang.

Hinarap ko si Tom. Nalaman kong nakatingin padin pala siya sa akin. "Puntahan ko lang sila Diane." Sinubukan ko ng abutin ang braso niyang nasa baywang ko upang maalis ko ito dito ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakapulupot nito sa katawan ko.

Nakatingin parin siya sa akin. Naninimbang ang mga mata. Sinusubukang alamin kung ano ang iniisip ko.

"Diyan lang kami sa gilid. Iaa-nnounce pa kasi pagkapanalo niyo. Tatanggapin niyo pa trophy niyo." Paliwanag ko sa kaniya. Muli kong sinubukang tanggalin ang braso niya sa akin. Sa pagkakataon na ito ay hinayaan niya na ako ngunit hindi naalis ang mga mata niya sa akin kahit saglit.

Marahan akong naglakad papunta da mga kaibigan ko. Sa kaniya ako nakatingin at ganuon din siya sa akin.

"Halina kayo. Patanggapin niyo muna sila nung trophy at awards." Hinila ko na ang mga kaibigan. Pilit hindi pinapansin ang ngisi ng dalawa at may pataas-taas pa ng kilay. "Hali na kayo." Naiinis ang boses ko ngunit hindi ko naman maalis ang ngiti ko sa labi. Hindi tuloy ako makatingin sa mata ng dalawa habang hinihila ko ang kanilang mga braso.

Si Kevin ay sumimangot. Tulad ni Tom hindi niya rin gusto mawalay kay Joanna kahit saglit lang.

Hanggang sa tuluyan na kaming magkakaibigan na naupo sa mga naunang benches. Sa tabi lang ng Court. Pinapanuod namin ang mga manlalaro na tumatanggap ng cash rewards na nasa sobre. Si Tom ang naging tagabigay nito. May pa handshake pa sa iba ding may matataas na tungkulin sa Hotel. Mayruon ding tagakuha ng pictures. Maging ang natalong manlalaro ay may premyo. Lahat ay nakangisi at abalang-abala. May pictures din na sama-sama ang lahat. Nang matapos ang lahat na iyun ay kaniya-kaniya na ang lahat. Ang kaninang mga nanunuod lang sa benches ay bumababa na rin upang lapitan any mga manlalarong kakilala nila. Patuloy parin ang pictures.

"Ganun dapat ang lalaki pinagmamalaki at pinaglalaban ka." Binangga ako ni Joanna sa pamamagitan ng gilid ng balikat niya.

Mas lalo na naman akong napangiti.

Storm In The Middle Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon