Chapter 14

6 2 0
                                    

Hacky De Belen POV

Naglalakad kami ni Joanna at Diane dito sa field ng University kung saan kami naggraduate ng senior high. Sasamahan ko sila mag-enrol. Malapit na ang pasukan at tapos na rin ang kontrata nila sa Hotel. Hindi na sila magtatrbaho. Ako na lang ang maiiwan duon.

Masaya kaming nagkukwentuhan tungkol sa mga araw nuong senior high palang kami. Tungkol sa mga kaklase namin, prof, subjects at mga crush nila. Sabik na rin sila sa unang taon nila sa college. Si Joanna ay ipagpapatuloy ang ABM naming natapos. Business Ad ang kukunin niya. Si  Diane naman ay kukuha ng Tourism Management. Nalulungkot din kami isipin na magkakahiwalay na kami pagkatapos ng ilang taong pagiging kaklase.

"Wala ka ba talagang balak mag-enrol?" Ilang beses na nilang tanong sa akin.

Nakaupo kami at hinihintay na lang ang pagprocess ng mga papel nila.

"Sayang naman kasi ang taon. Kahit mag business ka na lang tulad ko para kahit saan pwede ka magtrabaho." Si Joanna.

"Di na. At paano kung may mapili na akong course? Magshishift ako?"

"Yan ba talaga ang dahilan o baka dahil ito kay President. Ayaw mo umalis sa kompanya dahil sa kaniya." Nanliliit ang mga mata sa akin ni Diane.

Agad akong kinabahan. Kanina ko pa gusto sabihin na ayos na kami ulit ni Sir Tom kaso hindi ko alam kung magugustuhan nila iyun lalo na ni Diane.  Dinamayan nila ako nitong mga nakaraang araw para makalimutan si Sir Tom tapos ito ako ngayon.

"Paano kung wala naman talagang fiancee ang President?" Umaasang tanong ko.

"Anong wala! Mayruon! Alam nga iyun ng buong Pilipinas. Tsaka bakit sasabihin ni Christina sa buong universe na fiancee niya si Tom kung hindi naman pala? Ano yun? Gusto niyang ipahiya sarili niya? Sino sabing wala siyang fiancee? Siya? Siyempre sasabihin niya yun dahil manloloko siya. Gaya na lang nuong ex ko. Laging sinasabi na wala siyang babae kahit huling-huli ko na!" Sunod-sunod na sabi ni Diane na para bang kami yung ex niyang nanloko sa kaniya.

"Kalma gurl!" Natatawang sabi ni Joanna at tinapik-tapik ang likod ni Diane.

Mas lalo akong kinabahan. Hindi pa talaga nawawala ang galit ni Diane sa mga manloloko.

"Ano? Siya ba talaga ang dahilan kung bakit ayaw mo umalis sa kompanyang iyun? Nagkaayos na kayo?" Naghihinalang tanong ni Diane.

"Hindi!" I lied. Hindi ko gustong magsinungaling sa kanila pero hindi ko rin gusto na ilayo nila ako kay Sir Tom. "Hindi ako mage-enrol dahil wala pa akong gutong kurso. Diba dati ko pang nasabi ito."

"Hmph! Siguraduhin mo lang!" Si Diane.

Nakokonsensiya ako. Lagi akong bukas sa kanila at ganuon din sila sa akin. Pero hindi ko kayang pigilan nila akong mapalapit kay Sir Tom.

Pagkagaling naman sa University na iyun ay gumala-gala kami gaya ng madalas naming ginagawa dati. Pinuntahan namin yung mga lugar na madalas naming pinupuntahan nuong senior high kami. Sobrang saya na halos makalimutan ko ang pagsisinungaling ko sa kanila.

Habang ang mga kaibigan ay nagsisimula na ulit sa pagpasok sa eskwelahan ako naman ay nagpapatuloy dito sa pagtatrabaho sa Hotel. Nasa team parin ako ni Sir Kevin. Isang umaga pinasama niya ako sa kaniya upang icheck ang mga facilities ng Hotel.

Suot ang sleeveless at kulay sky blue na dress ay naghihintay ako kasama si sir Kevin at iba pang empleyado dito sa lobby. Dahil sa madalas lang ako sa opisina hindi ko parin maiwasan mamangha sa lobby ng Hotel. Hindi kataka-taka na five star hotel nga ito. Parang kumikinang ang sahig at mga mwebles. Kung simple lang ang pamumuhay mo hindi mo maiisip na may ganitong lugar sa Pilipinas.

Storm In The Middle Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon