Chapter 6

9 2 0
                                    

Hacky De Belen POV

"Anong naiwan mo duon at nagawa mo akong sigawan?" Nasa harap ko parin siya. Nakadungaw sa akin.

Gatas ko. Sunset.

Marahan kong inangat ang tingin ko sa kaniya habang dikit na dikit parin ang likod ko sa pintuan. "Nagpapahinga lang ako habang pinapanuod ang sunset. Araw-araw ko kasi yun ginagawa simula nang nagtrabaho ako habang umiinom ng gatas." Maingat kong paliwanag.

Malamig parin ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ang mga kamay niya ay nasa kaniyang bulsa. Dahil sa hindi ko kayang tagalan ang mga mata niya ay binaba ko ang tingin ko sa aming mga sapatos. Ang mga paa kong nakasuot ng ballet flats ay sobrang liit tingnan sa paa niyang nakasuot ng brown leather shoes.

"Tumingin ka sakin." Malamig niyang utos.

Marahan kong ibinalik ang mga mata ko sa kaniya.

"Are you gonna be mad again to your boss?" He asked.

Agad akong umiling-iling.

"Good. Go get me coffee and get your milk too. Then go to my office." He looks better now.

Sa una medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Akala ko din mananatili siyang galit sa akin.

"Now." Ulit niya.

Nakaramdam ako ng taranta at agad ng hinarap ang pinto para lumabas. Nakakailang hakbang na ako ng biglang may naalala kaya agad ko ulit hinarap ang pintuan namin ni Sir Roman. Kasalukuyang palabas ang President. Hawak niya ang pintuan. Mula duon ay kita ko si Sir Roman mula sa loob.

Parehas na kaming nakatingin sa isa't-isa ni sir Tom. May tanong na sa mga mata niya tungkol sa pagbalik ko.

"Cup. May policy sa lounge na bring your own cup." Sagot ko sa mga nagtatanong niyang mata.

Agad ding lumapit si Sir Ramon sa amin. Iniabot niya sa akin ang isang itim na cup. Agad ko itong tinanggap at umalis na duon para sundin ang utos ni Sir President. Nang makarating ako sa counter ay agad kong tiningnan ang naiwan kong gatas. Safe parin naman ito at mainit pa. Saglit lang naman talaga ako tinakot ni President pakiramdam ko nga lang sobrang tagal nun. Lalo na nuong nandun ako mismo. Mamayang gabi malamang mapupuyat ako sa kakaisip sa mga nakakatakot niyang mata. Nakakatakot siya pero mas lalo siyang gumagwapo.

Nagtimpla ako ng kape niya. Kumuha ako ng maliit na tray. Nilagay ko dun ang kulay pink kong mug at ang itim na mug. Kumuha din ako ng cookies at biscuits dito sa counter at nilagay din sa tray. Agad na rin akong dumiretso sa elavator para makapunta na sa opisina ni Sir President.

Pagkadating ko sa tamang palapag ay halos nakatingkayad na naman akong maglakad dahil sa pag-iingat. Sumilip-silip pa ako kung anong ginagawa ni President sa loob. Agad din naman na akong pumasok. Naabutan ko siyang nagbabasa ng mga papel sa couch. Saglit niya lang akong tiningnan at agad ng binalik ang mga mata sa binabasa. Marahan akong lumapit sa kaniya. Nilapag ko ang tray sa coffee na table na nasa harap niya.

Inangat niya ang tingin sa akin. Nilipat niya ito sa tray na dala ko. Pagkatapos ang overlooking na Manila Bay naman ang tiningnan niya. "Here's the sunset. Here's the milk. Is there anything you need more?" His eyes is on me again and his brows are up.

Gusto niya bang dito ko na gawin kung ano ang lagi kong ginagawa sa lounge? Pinapunta niya ba ako dito para lang duon?

Tiningnan ko ang sunset. The horizon is already touching the sunset. The see is calm. Besides are the sky scraper that slowly showing their different lights because it's getting dark. The sunset made the sky look red, orange and yellow. The orange cloud is trying to hide the blue sky. How calm is it. How peaceful. I can't say no to this offer.

Storm In The Middle Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon