Hacky de Belen POV
As a girl I always want to be a princess. I want to wear nice dress that will make me look like a princess but now that I'm wearing I can't understand why I'm not happy. Something feel wrong but when I look to Tom. Wearing his black tuxedo. Inside is a sparkling gold and white neck tie. I don't usually like men who wear fancy or sparkly clothes but not that I see Tom wearing it I think I'm really into it now. He looks so cool. He would probably stole the night.
Naglalakad siya papalapit sa akin habang marahan na kinakabisado ang suot ko. Nang nasa harap ko na siya ay nilagay niya ang kaniyang magkabilang kamay sa aking magkabilang tagiliran.
"You look so pretty. I can't decide is you're a princess or fairy."
"I want to look like a queen though, cause you like a king now." I whispered just enough so he can hear it.
Napapikit siya dahil sa sinabi ko. Para bang nahihirapan siya dahil dito.
Now that Tom is here in front of me this will never be wrong. I'm doing all of this for him.
Sa elavator pababa sa event ay kami lang ni Tom. Ang kamay ko ay nasa braso niya na.
"Your hand is cold." Puna niya. Ang nanlalambot niyang mata ay nasa akin.
"Kinakabahan ako." Pag-amin ko.
"You don't have to. I'm here, just be who you are." He assured me with his gentle smile.
No Tom. I need to be more than Hacky in order to fit in your world.
Nang bumaba na kami sa elavator ay agad na kaming nagtungo kung nasaan ang event. Wala paman sa entrance ay may nakikita na kaming nakagown at tuxedos. Ang ilan sa kanila ay pinagtitinginan kami at minsan ay nagbubulong-bulungan. Hindi ko alam kung bakit. Kung dahil ba sa kaguwapuhan ni Tom o dahil ba sa akin na kasama niya at may mali duon.
Sa entrance ay dumami na ang mga tao. Dagdagan pa ng mga media. Duon palang ay alam mo na kung gaano kalaking event ito. Halos hindi ko makilala ang event hall ng Hotel dahil sa mga palamuting nilagay duon. Mayruon ding ginawang hall duon. Duon kukyhanan ng mga litrato ang mga panauhin. Ang wall na iyun ay puno ng pekeng berdeng damo at maliliit na bulaklak na may iba't-ibang kulay. Sa gitna ay malaking kulay gintong mga letra na nakalagay. Pamagat iyun ng event.
Nang makita kami ng isang media ay nagsunod-sunod na sila. Kahit pa may ibang tao sa harapan ay kami na agad ang pinagtuunan nila ng pansin. Hindi ko maiwasang hindi magulat dahil sa dami ng flashes ng mga camera. Mabuti na lang at may harang kaya hindi tuluyang nakakalapit ang mga ito.
"Gusto mong dumiretso na sa loob?" Bulong sa akin ni Tom.
Napansin niya rin siguro ang gulat ko sa pangyayari.
"Hindi tayo magpapagod?" Tiningnan ko ang wall. Umalis na ang mga taong nanduon kanina.
"If that's want you want then we'll do it." Sabi niya at agad na kaming nagtungo duon.
Gusto ko rin kasi makuhanan ng maayos na picture. Hindi rin naman siguro masama ang kuha sa akin kanina dahil sa ganda ng make-up at gown ko pero mas gusto ko pa ng mahanda.
Nuong nanduon na kami hindi ko sigurado ano ang dapat gagawin ko. Inalala ko na lang ang ginagawa ng mga artista. Simple na lang akong ngumiti. Ang mga kamay ko ay nasa braso parin ni Tom. Dahil sa kuryusidad ay nag-angat ako ng tingin kay Tom. Tama ang hinala ko. Hindi man lang siya ngumingiti. He still look stunning, though. Dahil duon ay kusa akong napangiti. Nagpababa din siya sa akin. May pagtataka ngunit nginitian na lang din naman ako.
Kasabay ng flashes ng mga camera ay mga tanong nila na sabay-sabay.
"Is she your girlfriend Mr. Ignacio?"
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...