Hacky De Belen POV
Linggo na at ilang araw na rin ako dito sa Pangasinan. Kahapon ang dating ni Tom. Nalaman na rin siguro niya ang ginawa ko. Hindi ko gusto makarinig ng tungkol sa kanila ni Christina ngunit dahil sa kasikatan ng fiancee. Ex fiancee rather. Kahit na hindi magsocial media o manuod ng TV naririnig ko naman ang usapan ng mga tao.
Kahapon ay nagpapresscon ang dalawa. Mukhang yuon ang unang ginawa ni Tom pagkauwi. They announced that they both want to end they're engagement. Pokus daw muna sila sa career lalo na at parehas silang abala. Nanghinayang ang mga tao ngunit naiintindihan din naman. Lalo na at nasa tuktok ang career ngayon ng pinakamamahal nilang si Christina.
End the engagement? Akala ko ba hindi sila kailanman na-engaged?
I say sorry to my friends in a text. Just a plain sorry and no more explanation and excuse. Alam ko ring namang mali ang ginawa kong paglilihim. Walang sapat na katwiran ruon.
Kasabay ng mga residente dito ay umaga palang nag-aabang na kami sa pagdating ng mga mangingisda. Bibili ako sa kanila. Sa loob ng ilang araw puro isda ang kinakain ko. Pakiramdam ko nga magkakaliskis na ako. Nang makabili ay pumunta na ako sa isang sari-sari stire para makabili ng pangrekados. Pagkatapos ay didirerso na ako sa bahay.
Nag-upa ako ng isang bahay. Maliit lang iyun at gawa sa kahoy. Pati ang bubong ay gawa sa nipa. Maswerte rin ako kahit papaano dito sa napuntahan kong Barangay. Probinsiya man ay hindi naman nahuhuli sa sibilisasyon. Hindi dikit-dikit ang bahay ngunit sunod-sunod naman. May mga bahay na kontreto at may gawa din sa kahoy. Ang bahay na inuupahan ko ay malapit sa Barangay hall kaya kahit mag-isa lang ako ay safe. Pag-aari din ang bahay na iyun ng kapitan kaya mas lalo akong napanatag.
Ang bahay na inupahan ay nasa tabing dagat. Ang kusina nito na nasa likod ay nakatayo na sa mismong puting buhangin. May maliit na veranda. Pagpasok ay sala na sementado at kulay pula. Sa kaliwa ay may kuwarto na elavated. Gawa sa hinati-hating kawayan ang sahig. Dahil naka-angat kapag sinilip mo ang guwang sa sahig na kawayan makikita mo ang baba na lupa. Nakakatakot na minsan baka pagsilip mo may aswang. Kasunod naman ng sala ay ang kusina na sementado rin. Nanduon na rin ang maliit na CR.
"Uy! New neighbor gusto mo raket?" Tanong sa akin ng kapitbahay kong si Totoy.
Kaseng edaran ko lang ito. Moreno at payatin. Anak ng kapitan.
"Ano bang raket yan?"
"Marunong ka ba magmotor? May susunduin tayo sa terminal. Mga turista. Gusto magcamping."
Sila Totoy ang pinakamayaman dito sa Barangay nila. May lupa sila dito sa malapit na may cottage. Tumatanggap sila ng bisita duon. Pwede sila magcamping at mayruon din namang maliit na kuwarto ang cottage.
"Sige ba." Masaya kong pagpayag.
Marami akong ipon dahil wala naman akong ibang pinagkakagastusan. Patuloy din ang pagpapadala ng Tatay ko kahit hindi ako nag-aaral kaya mas marami akong naipon. Pero siyempre nauubos din iyun kahit gaano kadami. Kaya kailangan ko ng mga ganitong pagkakakitaan. Hindi ko alam kung gaano ako katagal dito. The sea calm me. Baka nga dito na lang talaga ako at maghanap ng trabaho sa kalapit na bayan.
Kasama si Totoy at ang kaibigan niyang si Badu ay nakamotor kami papunta sa terminal ng jeep. Kaniya-kaniya kaming motor. Walang helmet dahil hindi uso ang ganuon sa probinsiya. Ang sarap nga lalo at sariwa ang hangin. Hindi ko pinagsisihan ang pagpayag sa raket na ito.
Nang makarating sa terminal ay nagsoftdrinks kami habang hinihintay ang pagdating ng mga turista. Nakahilera ang mga motor naming tatlo. Parehas kaming nakaupo duon at sinisipsip ang soft drinks na nasa plastic.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...